"Si Kuya, hanggang ngayon nababakla pa din." Asar ko sa kanya nang naka-wala ako sa yakap. Ginulo niya ang buhok ko na karaniwan niyang ginagawa noong mga bata pa kami.

"Hindi ako bakla! Mag-kakaanak ba ako kung bakla ako?" Proud niyang sabi. Anak? May anak na siya?!

"May anak ka na?!" asik ko sa kanya. Naka-ngiti siya ng malapad at tumango.

"Alam nila Mama? Kasal ka na?" excited kong tanong. Wala eh! May pamangkin na ako.

"Oo, alam nila. Nag-kausap na kami nila Mama at Papa nung na-ospital ka, kasama ko din 'yung mapapangasawa ko. Madaling araw noong pumunta ako kaya hindi mo ako nakita. Naka-hingi na rin ako ng tawad sa kanila. Kasal? Hindi pa pero pina-plano na. Nandoon ang mag-ina ko sa loob. Tara." nag-pout ako 'nung sinabi niyang nag-punta siya sa ospital. Bakit hindi nila ako ginising? Gusto ko pa naman masaksihan kung papano kami mabubuo ulit. Pero ok lang, ang mahalaga bati na lahat.

Pumasok kami sa loob ng bahay na may ngiti sa mga labi namin. Wala sina Mama, nagpunta daw ng taniman, araw ng sweldo daw eh. Dumiretso kami sa kwartong katabi ng kwarto ko.

Muntikan na akong mapa-tili nang makita ko kung sino ang magiging asawa niya.

"Lizaaa!!!" tumakbo siya sa akin at niyakap ako. Liza Suarez, one of my best friend noong high school ako. Pero kinailangan niyang lumipad papuntang ibang bansa kasama ang nanay niya.

"Grabe, Liza! Ang ganda mo lalo!" hindi maka-paniwalang sabi ko. Kahit dumaan sa panganganak, sexy and gorgeous pa din. Napa-tingin naman ako kay Kuya Diego na buhat 'yung baby nila.

"Hahaha. Thanks, Kath. By the way, si Sean. Pamangkin mo!!" tuwang-tuwa akong kinarga ang unang pamangkin ko. He's chubby at napaka-cute. Ang ganda kasi ang combination nila Kuya at Liza.

"Papano kayo nag-katuluyan? Papano kayo nag-kameron ng Sean?" tanong ko sa kanila.

"Sineduce niya ako, Kath." Sagot ni Liza.

"Wow ah? Ako talaga?" bawi ni Kuya. Siniko lang siya ni Liza, they look very cute. Bagay sila. "Gusto mo ba talagang i-kwento ko kung papano kami nagka-meron ng Sean?" nag-taas-baba ang kilay niya, nanlaki naman ang mata ko ng mag-sink in sa akin na mali pala ang paraan ng pag-tatanong ko.

"Kuya, hindi! Alam ko kung anong method ang ginamit mo kaya kayo may Sean ngayon." Namula naman si Liza sa sinabi ko.

"Oh, alam mo naman pala. Alin ba? Gusto mong idetalye ko 'yung nangyari?" binatukan lang siya ng soon-to-be asawa niya kaya tumahimik na lang siya. Hindi na lang din ako nag-tanong ng kung ano-ano dahil sinasapian ang kapatid ko ng ka-green-an.

Hindi na tumagal ang usapan naming kasi naka-tulog na 'yung pamangkin ko sa bisig ko. Sabi din ni Kuya mag-papahinga muna daw sila kasi pagod sa byahe.

Nasa kwarto na ako at nag-shower muna ako bago humiga sa kama ko. Naisipan kong mag-internet kaya inabot ko ang cellphone ko sa drawer na katabi ng kama ko. Nakita kong may walong mensahe at dalawang missed calls galing lahat kay DJ. Nakita ko na naman ang pangalan niya, nawala na naman ang mood ko. In-open ko iyon.

Kath, sorry. Can you call me again? -10:15 a.m

Nainis ka ba? Sorry. -10:17 a.m

Sorry na. Uyyy. -10:20 a.m

Kath, sagutin mo please. Tatawag ako. -10:25 a.m

Galit ka? -10:27 a.m

Kathhh... -10:30 a.m

Kath, sagutin mo na. Tatawag ulit ako. -10:40 a.m

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant