Chapter 35

96 6 2
                                    

Nasa kwarto ako ngayon. Alam ni Mama na hindi ako maayos kaya hinayaan niya muna ako ngayon, at hindi niya muna ako kinausap o tinanong sa kung ano man ang nagyare.

Alam na kasi ni Mama na hindi kami maayos ni Karina. Kaya nga sabi niya, dapat pag-uwi ko kasama ko na si Karina pero hindi ‘yun nangyari dahil sa hindi ko inaasahan na makita.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ako sa aking pag-iyak. Nasasaktan ako sa ginawa ko, sa ginawa niya, at sa nakita ko.

Sana pala hindi nalang ako pumunta doon, para hindi ko ‘yun makita pero napa-isip ako.

Kung hindi ako pumunta doon, at hindi ko ‘yun nakita, sasabihin kaya ’yun ni Karina sa akin?

It’s already 10 p.m. in the evening, pag-uwi ko sa bahay kanina ay saktong nag message sa akin si Karina. Naka-flood ‘yung messages niya, but nawalan ako ng gana to respond her all messages.

Kahit gusto kong kausapin siya ay hindi ko ginawa. Nasaktan ako, sobrang akong nasaktan.

Wala naman sa isipan ko na nag cheat siya sa akin, cuz I know sa sarili ko na hindi ‘yun gagawin ni Karina. Alam kong mahal niya ako, at alam kong malabo niya akong lokohin.

I trust her

Sobra.

Alam kong hindi niya sisirain ‘yun.

Gumising akong sobrang sakit ng mata ko. I don’t like it when umiiyak ako, kasi ang sakit talaga sa mata. Pero hindi ko naman magpilan ang sarili na hindi umiyak. Mahal ko ‘yun e, kaya masasaktan talaga ako sa aking nakita.

Kung gaano ko siya kamahal, ganoon din ako nasaktan sa aking nakita.

Pero kahit ganon, siya pa rin ang gusto ko. Pero ayoko muna siyang kausapin sa ngayon, gusto ko muna i let out itong inis na nararamdaman ko ngayon. Ayokong mangyari na masigawan ko siya dahil hindi niya ‘yun deserve.

Ang selfless kong pakinggan.

Ayokong masaktan ko siya, pero siya sa akin, sinasaktan niya ako.

Pero gano’n naman siguro diba? Hindi naman sa lahat ng relationship ay palagi kayong masaya ng partner mo.

Bahala na nga.

Tumayo na ako at lumabas na ng aking kwarto. Napansin kong tila may nagluluto sa kusina kaya naman ay pumunta ako roon. Napatigil nalang ako nang makita ko ang familiar na likod ni Karina.

Biglang nag flashback lahat ‘yung nakita ko kagabi, bigla ring sumakit ang dibdib ko.

“Good morning.” masaya nitong bati sa akin, parang nothing happened lang.

“Do you want to eat already?” she asked, pero nanatili lang akong naka silent. I don’t want to speak right now, baka ano pa ang masabi ko sa kanya.

Gusto kong umalis ngayon, pero nakakahiya naman sa kanya. Marami nang nakalapag na pagkain sa table, tila ba maaga nga siyang pumunta rito para magluto.

“Let’s eat.” aniya nang nakangiti pa rin. Hindi ko alam kung si Karina ba ito, ang weird niya kasi.

Hindi ko alam kung bakit umupo ako, kainis naman itong sarili ko.

Kumuha siya ng plate at agad niya itong inabot sa akin. Pinipigilan kong hindi ito kunin pero hindi ko talaga mapigilan kaya ang ending ay hawak-hawak ko na.

“Abour yester—” I cut her off

“Stop,” sabi ko sa kanya. Ayokong pag-usapan ‘yung nangyari kahapon, baka umiyak ako rito.

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now