Chapter 18

143 7 0
                                    

Maagang akong gumising at para na rin maghanda ng agahan ko. Maaga kasing umalis sina Mama at Tita, may pupuntahan daw sila. Hindi ko na rin sila tinanong pa kung saan sila pupunta. Alam ko kasing mag da-date lang ang mga ‘yon.

Aga-aga e, nawa’y ako rin.

Chos

Nagluto ako ng itlog tsaka hotdog. Wala ako sa mood magluto ng adobong manok. Meron namang manok d’yan sa ref namin pero wala talaga me sa mood. Tsaka, nagugutom na talaga ako kanina pa.

Araw ng wednesday ngayon, wala kaming pasok. May event daw ‘yung mga college students, kaya wala kaming pasok. Maingay kasi sa covered court na medyo malapit sa building namin. Doon kasi gaganapin ‘yung event nila. Kaya ‘yon wala kaming pasok.

Pagkatapos ng call namin ni Karina, agad niya na akong pinatayan ng call kagabi. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sakit sakit niya sa pusoooo. Pagkatapos kong sabihin ‘yung I missed her too, bababaan ba naman ako?????

Umupo na ako sa may mesa namin at inilapag na ang plato tsaka niluto kong ulam.

Kumain na ako dahil grabe na talaga ‘yung gutom na nararamdaman ko. Tumutunog na tiyan kooooo, hindi ko na keribelllss.

Habang kumakain ay agad namang tumunog ang aming doorbell. It’s a sign na may tao.

Tumayo ako at pumunta agad sa may pintuan. Agad ko itong binuksan. Nagulat ako nang makita ko si Karina. May dala-dala na naman itong mga paper bags at kung ano-ano pa. Naka white t-shirt lang ito at naka jeans tsaka naka converse na sapatos. Napaka simple lang pero grabe ang ganda niya pa rin.

Add to heart

“Are you okay?” she asked.

Biglang akong natauhan nang siya’y nagsalita, “Oo, ayos lang ako” sagot ko sa kanya.

“Pasok ka muna, Karina” sabi ko sa kanya.

Pumasok naman siya at sinundan ako sa dining area namin.

“Are you still eating?”

Tumango ako, “Oo” sabi ko at bumalik ng upo sa upuan ko, “Kumain ka na ba? Gusto mo ba kumain?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

“I’m done eating. Thank you.”

“By the way, I brought you an adobo. I cooked this. Do you want some?” tanong nito nang nakangiti sa akin.

Hindi pa ako nakasagot ay agad niya na itong inilapag sa aming mesa. Binuksan niya ang lagayan nito at itinabi sa ulam kong Hotdog.

“Eatwell, baby” sabi nito.

Ano raw???

“Baby?” tanong ko

“Yes, baby?” sabi niya nang nakangisi.

“Mukha ba akong bata?” natatawa kong tanong nito at sumubo. Infairness ang sarap ng ampalaya ah. Maliban kasi sa adobo, may dala rin siyang ampalaya na may itlog tapos may mga cupcakes din.

“You are my baby” sabi niya kaya nabilaukan ako.

Shoooottttt.

Itong si Karina, ebarg na! Kitang kumakain ‘yung tao e.

“Be careful” sabi niya nang nag-aalala at agad akong inabutan ng tubig.

Ininom ko ito, “Thank you” pasasalamat ko.

“Are you okay now?” she asked, worryingly.

“Oo, salamat” sabi ko

Ang awkward kumain kapag kaharap mo crushieecakes mo, ano?

Always Yoo | winrina Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin