CHAPTER 20

2.5K 32 0
                                    

20

SABAY-SABAY NA NAGTANGHALIAN sila Fierce kasama ang tiya niya at ang fiance niya. Napag-uusapan nila ang gaganapin na kasal pati na ang magiging buhay nilang dalawa pagkatapos no'n.

"Church wedding po ang napagkasunduan namin ni Marlo," sabi ni Fierce. "Yung sa reception naman po, ayaw ko man po ng sobrang gastos, mapilit po ang Papa ni Marlo."

"Dapat lang naman na maghanda kayong dalawa. Wedding of the Century ito!" natatawang bulalas ni Victoria. "E ang honeymoon? Saan niyo balak?"

Honeymoon? Namula si Fierce nang isipin niya 'yon. Bigla niya kasing naalala ang nangyari na sa kanila noon pati na ang muntikang mangyari kanina. "Wala pa po 'yan sa mga plano namin, tita. You're driving me crazy!"

Tumawa pa ito. "Bakit? It's part of the tradition, hija!" Bumaling ang tingin nito sa kanina pa tahimik na si Marlo. "Ikaw, Marlo, anak? Tahimik ka yata kanina pa? May problema ka ba?"

Tila bumalik ito sa huwisyo. "Po? Bakit po?"

Napailing si Victoria. "Natulala ka na, hijo."

Nag-alala naman si Fierce kaya nilingon niya ang katabi. "Anything wrong, Marlo?"

Ngumiti ito. "I'm fine. Sorry. May iniisip lang ako."

"Huh? Ano 'yon?" tanong niya. "Si Papa ba? May nangyari ba sa inyo?"

"Ah, no. It's just about business," sagot nito. "Babalik na ako sa Briones Company pero iniisip ko lang yung business na iiwan ko. It's not that easy to leave it."

Huminga nang malalim si Fierce at hinawakan ang kamay nito na nasa mesa. "Ang sabi sa'yo, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. Tanggap naman na nila, di ba?"

Hinawakan nito ang kamay niya at marahang pinisil. "Nakapagdesisyon naman na ako, Xei. Gagawin ko lahat para makabawi kay Papa... para sa'yo."

"Aww... Ang sweet niyo namang dalawa!" bulalas ng tita niya na animo'y nanonood ng live romantic movie.

Nag-blush ulit si Fierce. Well, she's in love. She cannot help to be happy and to show it.

ABALA SA PAGHUHUGAS ng pinagkainan si Fierce. Sinubukan niyang ituon doon ang buong atensyon niya. Lagi naman kasing nakay Marlo ang isip niya at sa pakikipagkita niya sa DB na 'yon. Masyado siyang nae-excite. Makikilala na niya ang pumatay kay Krein, tapos ay ikakasal na siya.

Impit siyang napatili nang may biglang yumakap mula sa likod niya. Muntik pang dumulas sa kamay niya ang pinggan na sinasabon niya. "Marlo naman! Ginugulat mo ko."

Niyakap siya nito at siniksik pa ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya.

Napangiti naman si Fierce sa paglalambing ng nobyo. She's never into teenage craps, but she always wants to feel feelings like this. She loves the feeling when Marlo makes her feel his deep and real love.

"I love you, Xei," bulong nito sa kanya. Mas hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya.

Nagtatatalon naman sa nag-uumapaw na tuwa ang puso ni Fierce. Nagbanlaw siya ng kamay para hawakan ang mga kamay nito. "And I love you, too."

"Mahal na mahal kita, ah? Iyon ang pinakatatandaan mo sa lahat, Xei," pag-uumpisa ulit nito habang nasa ganoon posisyon pa rin sila. "I may have a very dark past... I may had hurt a lot of important people to us... I may had done a lot of vicious and cruel things... but I swear, since I met you and I loved you, I changed. Sobrang pinagsisihan ko lahat ng mga nagawa ko. Ayaw kong masaktan ka, Xei. Gusto kong maging masaya lang tayo."

She felt confused. She never knew na big thing pala rito ang namagitang away sa pagitan nito at ng pamilya. "It's fine, Marlo. They forgave you despite all your faults. They did because they love you."

Bachelorettes: FIERCE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon