CHAPTER 6

13 1 0
                                    

JayJay's pov;

Asan ako? Nasa langit naba ako? May nakita akong isang anghel pero bakit itim yung suot niya? Diba White dapat?

"Miss are you okay? Do you need something?" Tanong niya sakin sa mahinahong boses.

"Nasa langit naba ako?"

Pamilyar yung mukha ng lalaki sakin. Hindi ko alam kung nasan sina mama at papa, simula nung nagkabagyo nagkahiwalay hiwalay na kami. Sa panahong wala akong mapuntahan tanging si keif-

Bigla nalang akong napaluha. Sinabunutan ko ang sarili ko, bakit kailangan kong masaktan ng ganto? Bakit hindi patas ang mundo?

"Miss stop!" Pananaway sakin ng anghel. Pinipigilan ako ng anghel na huwag saktan ang sarili ko.

May pumasok na doctor. Wait! Pano nakapasok yung doctor sa langit? Hindi kaya namatay narin siya?

"Kamusta po ang pakiramdam niyo?" Tanong ng doctor sakin.

Hindi ko siya sinagot, bakit kasi ganun? Ang weird nasan ba talaga ako?

"Buhay ba ako?"

"Maayos ang takbo ng puso niya" rinig kong sabi ng doctor sa anghel bago lumabas.

"Buhay ba ako?" Walang ganang tanong ko sa anghel na kasama ko.

"Yes! Ano ba ang ginawa mo sa gitna ng kalsada? Alam mo bang delikado yung ginawa mo? Pano kung namatay ka?"

"Ayon nga ang gusto ko, ang mawala."

Kung ano man ang problema mo, malalampasan mo yan.

"Sana hindi nalang ako dinala dito wala namang nagmamahal sakin, tinatapon lang nila ako na parang basura"

"Do you think no one love you? I love you"

Niyakap ako ng lalaking hindi ko kilala, hindi ko alam pero sa gaan ng loob ko sa kanya. Namiss ko tuloy si kuya aries at kuya angelo.

"Uuwi na kita satin."

"Huh? Wala akong bahay"

"Meron, satin nila mama"

Halos lumuwa ang mata ko, sina mama? May bahay daw ako?! Napatingin ulit ako sa lalaki at don ko napagtanto na siya pala ang kuya ko si kuya aries.

"kuya aries naman e! Bakit di ka nagpakilala agad?"

"Uso ba yon? Hindi ko alam. Matagal ka naming hinanap, naghanap hanap kami sa kung saan saan at nagtatanong pero walang nakakilala sayo."
_______________________

My handsome boyfie!Where stories live. Discover now