05

11 4 0
                                    

"Talaga, ate?! Papasok ka na?!"

Pagkagising na pagkagising ko ngayong umaga ay agad kong sinabi kay mommy, daddy at kay Yesha na may face-to-face try out kami next week. Lahat sa kaklase ko ay nag-vote sa 'I want to join'. As in lahat, walang nag-vote doon sa 'I don't want to join'.

"Sigurado ka na ba diyan, Yana? Para maihanda ko na ang uniform mo, kasya pa ba sa 'yo 'yon? Maiksi na ba sa 'yo 'yung palda? Eh, 'yung vest ayos pa ba? Hindi pa masikip? Magpapatahi na ba ako ng bag—"

"Okay pa, mommy, kalma po muna kayo." Pagputol ko sa kanila.

"Mas excited pa ang mommy mo kaysa sa 'yo, Yana." Tawa ni daddy sa video call, mas lalo pa siyang natawa nang irapan siya ni mommy.

"Mommy, kahit white T-shirt lang muna kasi try-out lang naman 'yon, two days lang kami papasok." Mahinahong sabi ko kay mommy.

"Buti naman, nagdalaga ka na kasi at tumangkad na. Baka hindi na kasya sa 'yo ang uniform mo." Saad ni mommy.

"Tuloy tuloy na raw ba 'yan, 'nak?" Tanong ni daddy.

"They'll see raw muna kung p'wede nang ituloy hanggang mag-end ang fourth quarter, dad." Sagot ko.

"Eh, 'di ate may bigayan na rin ulit ng medal sa school?" Tiningnan ako ni Yesha.

"Siguro, hindi pa ko pa alam, Yesh. Hindi pa 'yon sinasabi sa amin ng teacher ko, eh." Sagot ko.

"Sana meron na para may medal na ulit kami ni ate!" Masayang sabi ni Yesha.

Parang... Gusto ko na rin ulit maranasan 'yon.

Sa totoo lang kagabi ko lang naisip lahat ng mga na-mi-miss ko kapag nasa school ako. Bonding with classmates, pagsagot sa recitation, surprise quiz, discussion personally, exams, recess with your classmates, mga practice para sa P.E subject at sa mga programs na kinuha namin, mga reklamo ng mga kaklase ko kapag nililipat na 'yung slide tapos hindi pa sila tapos, at ang walang katapusang pagsusulat sa notebook.

Lahat pala 'yon ay hindi ko nagagawa rito sa bahay.

Nakaka-miss din pala maging estudyante sa school, sa halos dalawang taon kasi na nasa bahay lang ako parang nasanay na rin ako na nandito lang, na iisang mukha na lang ang nakikita ko, na hindi ako lumalayo sa bahay at kila mommy kaya siguro hindi ko nagustuhan no'ng una na nalaman ko na ibabalik na ang face-to-face classes. Totoo nga yata na nagulat lang ako sa announcement na 'yon noon.

Kasi ngayon, mas malaki na ang parte sa akin na gusto kong pumasok na sa school para doon na mag-aral kaysa ipagpatuloy ko nga ang pag-aaral ko pero dito naman sa bahay.

We talked with dad for almost two hours. Pinagpahinga na rin namin sila since pagod sila sa work nila. Kahit kasi weekend ay nagta-trabaho pa rin sila, kaunti na nga lang ang pahinga niya kung tutuusin, eh. Sometimes I felt guilty about it. Gusto ko na ring makatulog kaagad sa kanila kahit na sa maliliit na bagay lang, but my parents didn't let me. Hindi pa raw right age para sa akin ang umako ng ibang gastusin sa bahay.

"Literal na last module ko nang sinagutan 'yon kahapon because we're going to go to school next week!" Masayang ani ni Katelyn.

Nag-uusap kami through video call ngayon, hindi sila makapunta rito sa bahay or hindi kami makagala kasi wala si Katelyn. May pinuntahan daw kasi sila ng parents niya. Siguro ay inaantay niya lang ngayon na bumalik ang parents niya kasi nasa sasakyan lang siya ngayon.

"Nagulat ako sa announcement na 'yon, sa true lang. Patulog na ako no'n, eh, tapos nagising bigla diwa ko no'ng sinabi ni ma'am na may try out face-to-face tayo." Sagot ni Irish.

"Patulog? Aga mo namang matulog, bes! Ala-sais pa lang ata no'ng umuwi tayo." Si Xyrille naman ang nagsalita.

"Cramps," Simpleng sagot ni Irish pero tinawanan siya ni Katelyn.

I Once Became A Part Of That SectionWhere stories live. Discover now