PROLOGUE

11 3 14
                                    

It was February 14 when tragedy happened to my family. I am holding the certificate and medal that I won in the quiz bee, poster making, and logo making contest. I also have paper bags with the teddy bears, chocolates, and flowers I got. Ayon na yata ang pinaka-masayang araw para sa akin. Handa na akong ibalita kayla mommy at daddy ang mga nangyari. For sure matutuwa sila dahil sinusuportahan nila ako sa lahat ng gusto ko. Lalo na sa passion ko na pagdo-drawing. Kaya nga kompleto ako sa mga gamit ko dahil alam nila na kailangan ko 'yon. Lahat ng gusto ko nakukuha ko.

Ang inaasahan kong masayang salubong sa akin ng mga magulang ko ay hindi nagkatotoo. Natulala ako nang makapasok ako sa loob ng bahay. Kitang-kita ng mata ko kung paano sinampal ni mommy ng malakas si daddy. Tumutulo ang luha ni mommy—naririnig ko ang paghikbi niya. There's a woman—a blonde woman beside my father. She's smirking like at bitch.

“ANG KAPAL NG MUKHA MONG MANGABIT! ANG KAPAL MO!”

Tumigil ang ikot ng mundo ko ng mga sandaling narinig ko ang katagang iyon. Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang sigaw ni mommy.

Si daddy... may kabit? Kabit niya ang babaeng na sa tabi niya?

Nabitawan ko ang dala ko na umagaw sa atensyon nila. Kita ko ang pagkagulat ni daddy ng makita niya ako. Ramdam ko naman ang init ng luha na umagos sa pisngi ko. Nilapitan ako ni mommy na umiiyak din.

“D-Daddy...”

“I'm sorry, Raycie...”

I shook my head. “No! No! Hindi totoo 'to! Wala kang kabit, dad 'di ba?! Wala ka pong other girl 'di ba?! You and mom are in a good relationship naman po, eh!” Tumakbo ako palapit kay dad at hinawakan ko ang kamay niya. Nangmamakaawa akong tumingin sa kaniya.

“Mommy, wala naman pong kabit si daddy, eh! Wala po!”

“Sorry...” Inalis ni daddy ang pagkakahawak ng kamay ko.

Ngumisi sa akin ang babae na nasa tabi ni daddy. “Hindi mo ba matanggap na I am better than your mom? Of course, kahit sino namang lalaki ipagpapalit ang mommy mo. Look at her. She's too old, ang dami na niyang wrinkles. Sinong lalaki ang gaganahan sa kaniya?” Panglalait niya sa mommy ko.

Matalim akong tumingin sa babae. Nilapit ko siya at pinaghahampas ang tiyan niya. I thought that daddy would be on my side but he pushed me which caused me to fall to the floor. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya ng mga oras na 'yon. Nilapitan ako ni mommy at tinignan kung may sugat ba ako.

“How dare you?! Gusto mo bang patayin ang bata sa tiyan ko?!” Galit na sigaw sa akin ng babae. Nang sisipain niya ako, hinarang ni mommy ang katawan niya at siya ang sumalo ng malakas na sipa na iyon.

“LUMAYAS KAYONG DALAWA SA PAMAMAHAY KO!” Umalingawngaw ang sigaw ni daddy sa buong living room.

“TAMA! Lumayas kayo dahil simula ngayon kaming dalawa na ang magsasama! Magsama kayo ng walang kwenta mong nanay!” Dagdag ng kabit ni daddy.

Nang mga oras na 'yon tinandaan ko ang pagmumukha ng babaeng kabit ni daddy. I promised to myself na kailan man ay hindi ko kalilimutan ang mukha niya at kapag nagkataon, gagantihan ko siya.

Mommy and daddy are married. I grew up seeing the two of them have a good relationship. They are sweet in front of me. Mommy always cooks for us every morning, she fixes daddy's necktie, she massages him when he's tired, and we sleep next to each other.

I dreamed that when I had a family, I wanted to be like our family. Lahat ng pangarap kong iyon ay nagbago na. Natakot na ako sa idea ng pagpapakasal, natakot ako sa commitment, ayaw kong mangyari sa akin ang nangyari sa pamilya namin.

Matapos kaming palayasin ni daddy, nakitira kami sa tita ko. Malaking pagbabago ang nangyari. Mom become mute, she didn't respond on everytime we talk to her. After a week, nagulat na lang kaming lahat nang pumasok kami sa kuwarto ni mommy, nakahiga na siya sa sahig, hindi humihinga, at putlang-putla ang labi. Mas lalong nawalan ng kulay ang buhay ko dahil sa pangyayaring iyon.

Pinalayas ako ng daddy ko, namatay ang mommy ko, and worst ginawa akong alila ng mga tita ko. Naging impyerno ang buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BÉTE NOIRE SERIES #7: PARANOIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon