Nilibot ko ang aking paningin, at nakita ko si Karina. Nasa dining area pa rin ito, at parang wala siya sa kanyang sarili. Agad akong pumunta sa kinaroroonan niya.

“Are you okay, baby?” tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

“Are you mad at me?” tanong niya, kaya tinignan ko siya, mata sa mata.

“Bakit naman ako maiinis?” sabi ko at umupo. Naiinis ako, pero kanina pa naman ‘yun. Hindi na ngayon.

“About earlier,” she said, “I’m sorry.” sabi nito at yumoko.

Naka-ilang sorry na ba siya ngayong araw?

“Ayos lang ‘yun, baby.” sabi ko sa kanya at ngumiti.

“Let’s have a date?” sabi ko at tumayo.

“Are we not going to visit your friend?”

“Mamaya, after ng date natin.” sagot ko sa kanya.

“No, we should visit your friend first.” aniya at tumayo na rin.

“Baby, gusto ko ng ice cream.” bumuntong hininga lang siya.

“Later.” sabi nito at nauna na siyang maglakad sa akin.

“Can I borrow some of your clothes? I want to shower.” narinig kong saad ng aking girlfriend.

“Yes, baby.”  sabi ko at pumasok na kami sa kwarto ko.

Binuksan ko ang closet at pinapili ko siya ng masusuot. Nang makapili siya ay pumunta na agad siya sa banyo.

“Baby, living room lang ako, ha?” sabi ko sa aking girlfriend.

Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta na ng sala. Binuksan ko ang TV at nagpatugtog. Mahina lang ang volume nito, sakto lang para marinig ko.

Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na ang aking jowa, simple lamang ang suot niya pero grabe, ang ganda niya talaga.

“Ang ganda mo, love.” sabi ko rito, nang makalapit ito sa kinauupuan ko.

“Thank you, baby. Ikaw rin.” aniya at agad na kinurot ang pisngi ko.

“Masakit,” ani ko.

“Ikaw rin naman namimisil ng pisngi sa akin.” ay, gantihan lang, ganun?

“Mag da-date na ba tayo?” nakangiti kong tanong sa aking kasintahan. Tumango naman siya kaya napangiti ako nang sobra. Pinatay ko na ang T.V at nauna ng lumabas si Karina.

Nang makasakay ako sa sasakyan ay ang atensyon ni Karina ay nasa phone niya na naman. Gusto kong mag tanong kung bakit panay pag pho-phone siya, at minsan nga ay nakakalimutan niya ako na magkasama kami, pero nahihiya naman akong magtanong sa kanya.

Hanggang sa makarating kami sa malapit na mall, ay panay phone lang talaga si Karina. Nakasunod naman ito sa akin, pero nasa phone niya ang atensyon. Tumigil ako sa aking paglalakad, at tinignan ko lang ang jowa kong patuloy pa rin sa kanyang paglalakad. Hindi niya man lang napansin ang pagtigil ko.

Hanggang sa malayo na ito, at nasa kanya pa rin ang atensyon ko. Kita ko mula ito kung paano kumunot ang noo niya, at nagtama ang mga mata namin kaya naglakad ito papunta sa akin.

“Why did you stopped?” naiinis nitong tanong sa akin. Pilit kong pinakalma ang aking sarili. Nasa publiko kami ngayon, ayokong mainis o magalit sa kanya.

“Minjeong.” tawag nito sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako sa kanya.

“Anong ginawa ko?” naiinis pa rin ang tono nito. “Kung hindi ka magsasalita, aalis ako.”

Always Yoo | winrina Where stories live. Discover now