"Don't worry, you can just use mine. Wala naman sigurong problema yon?" Tumaas pa ang sulok ng labi niya na parang tinutukso ako pero ang ginawa ko ay mukhang ikinabigla pa niya. Jindi ako sumagot bagkos ay uminom nalang doon sa baso nang makitang may laman pa itong tubig.

Napatikhim siya at wala rin akong paliwanag sa inaasal ko ngayon. Ewan ko basta't ang alam ko ay may gusto akong ipahiwatig sa Lira'ng 'to.

"May.. relasyon kayo?" Sa wakas.

Sabay kaming napabaling sa babae nang magsalita ito. Pabalik-balik itong tumingin sa aming dalawa.

"Not yet. Hindi pa niya ako sinasagot." Si Kairous ang sumagot.

Hindi ko makakalimutan ang nakitang reaksyon sa mukha ng Lira. Nakangiti ito pero ang dating sakin ay parang.. pilit, napakapeke.

"Narinig ko.. mag kakabayo raw kayo?" Pag-iiba nito sa usapan. "Tamang-tama, wala ng iniutos sakin si Nanay. Pwede ba'kong sumama sa inyo?"

"Uh.." napatingin sakin ang lalaki, hinihintay ang isasagot ko.

"Of course." Sabi ko.

Kaya naman malaki ang naging ngiti nito sa narinig at napatayo pa ito.

"Mamaya? magbibihis lang ako!" binalingan niya ang mga pagkain. "Teka, tapos na ba kayo? Ililigpit ko na ah?"

Mukhang tapos na ring kumain ang mga bata kaya isa-isa na niyang niligpit ang mga gamit, tumayo naman si Kairous para tulungan siya samantalang ako naman ang naglalagay ng mga balat ng pinagkainan namin sa isang plastic.

Nang nakaalis ang babae ay nagpaalam naman sunod ang dalawang bata.

"Kuya, alis na po kami baka hinahanap na kami samin. Salamat po sa pagkain!" iyong matabang bata na rinig ko ay Eboy ang pangalan. kinalabit pa nito ako. "Alis na kami ate ganda. sana makita ko pa ulit kayo!"

Pinisil ko ang mataba nitong pisngi.

"Sana nga. Ingat kayo, ha?"

Nakangiti siyang tumango. "Nandito naman po kami lagi, ate. Balik po kayo ulit." Napangiti rin ako.

"Kuya! Pag bumalik ka rito, isama mo ulit si ate Teyra ha?" Sabat naman ng kaibigan nito.

"Ate Tiara, Abeng, hindi Teyra." Pagtutuwid ni Eboy dito.

"Ah basta! Mahilig ka pala sa mangga, ate?" hindi nito pinansin ang kaibigan. Tumango ako. "Pansin ko nga e." tawa ko pa.

"Kung ganon ay mag kakasundo tayo!" bibong ani pa niya.

"Hindi. Hindi kayo pareho, Abeng. Sa paanong paraan kayo nagkapareho? Si ate Tiara, mahilig lang sa mangga, hindi matakaw sa mangga! E halos maubos na ang mga bunga ng mangga dito sa hacienda dahil pinag nanakaw mo, ah?!"

Nilapitan niyong abeng ang kaibigan sabay binatukan. "Kasama kitang ginagawa yon oy!"

Pareho na kaming natatawa sa asaran ng dalawa. "Wag kayong mag alala. Sa susunod na nandito ang ate Tiara niyo, sisiguradohin kong girlfriend ko na siya."

Nang makaalis ang dalawa ay naglakad na rin kami pabalik ng bahay. Habang naglalakad ay pinapagalitan ko na ang sarili kung bakit pa kasi ganito ang sinuot ko! sa lahat bakit ko ba naisip na mag dress?!

Pagkapasok namin ng bahay ay ngayon ko lang nahangaan ang itsura nito sa loob. Kung napaka classic na ng desinyo nito sa labas ay mas doble at triple pa ito sa loob. Napakaganda talaga. Mukha itong sinaunang bahay noong panahon ng kastila, gawa sa mamahaling kahoy ang sahig at kahoy din ang malaking hagdan na nasa sala.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now