"Congratulations, Iz. I am so proud of you." She smiled, happily.

"Thank you so much, Tita. I will forever be grateful to you." I said as I slightly squeezes her hand.

Bahagya niya akong tinitigan habang ngingiti-ngiti.

"My daughter-in-law's already a registered nurse. I am so happy." She said, tucking few strands of hair behind my ear. "I'm so proud of my son for choosing someone like you, Iz."

____________________________________________

Hindi porket nakapagtapos ka na at may lisensya ka na ay okay na. Hindi ganon ang reyalidad. In fact, nagsisimula pa lang ang lahat. Mas nakakapagod.. mas mahirap.

Ako, sinimulan ko ang panibagong taon sa pagiging volunteer sa iba't ibang organizations, at sa pag-join sa iba't ibang seminars and trainings.

At ngayong araw ay iba sa mga nakalipas naming volunteer works na umiikot lang sa medical missions or volunteer para sa isang delikadong events. Unang araw namin ngayon sa pag-responde sa isang lugar na niyanig ng isang napakalakas na lindol. Halos libo-libo ang mga sugatan kaya abala kaming lahat sa paggagamot sa mga biktima. Napakaraming dugo, napakaraming umiiyak ng tulong, at humihingi ng saklolo. Sa sobrang dami nila ay wala na kaming oras para magpahinga.

"Nurse Iz.." Tawag sa akin ng kung sino.

Lumingon ako upang tingnan kung sino ang tumawag sa akin.

"Nurse Joy!" Gulat kong bulalas nang malingunan ang napakagandang babae.

Apat na taon na siyang nurse. Napakaganda at napakabait pa. Pamilya nila ang head ng mga medical mission na lagi kong pinag-vo-volunteer-an.

"It's already 4 PM and I heard, you haven't even had a snack." Nakangiti nitong saad at tumawag ng isa pang nurse para pumalit saakin, pagkatapos ay inaya ako sa tent namin. "Mas marami na ang mga v olunteers at mas kaunti na lang din ang gagamutin, ipaubaya na muna natin sila sa iba."

"Thank you." Nakangiti kong tanggap sa inabot nitong pagkain at saka umupo para magpahinga. Bigla kong naramdaman ang pagod at sakit ng likod. Ngayon ko lang din na-realized na nagugutom na pala ako.

"Kapagod 'no?" Biglang sabi nito habang nag-stretched ng kanyang mga binti.

"Sobra.." Nakangiti kong tango habang nakatingin sa abalang kapaligiran. "Pero sobrang heartwarming din."

Napatingin ito sa akin at saka satisfied na tumango.

"Not everyone will understand how satisfying it is to be a volunteer. I mean, being able to render care as well as service and not expecting a salary in return is so rewarding." She smiled. "Their big smile is the best reward for me. Masaya ako dahil bago ako mag-aalaga ng mga canadians ay nakapagbigay muna ako ng service sa mga Pinoy."

"Nabalitaan ko nga, nakatanggap ka na daw ng tawag mula sa Canada." Masaya kong sabi. "Congratulations, Nurse Joy."

"Thank you." Nakangiti nitong sabi habang pinagmamasdan akong kumain. "Iz, may papasukan ka na bang hospital?"

"Kakapasa ko pa lang po ng mga requirements ko sa ilang hospital, nawili kasi ako sa pag-v-volunteer e." Natatawa kong sagot.

"I'm sure matatanggap ka sa kahit alin na malalaking hospital. So I am embarrassed to open this topic because If I remember it correctly, your name can be found in the topnotchers list, pero sasabihin ko pa rin." Nahihiya nitong saad. "Kasi Iz, I have a job to offer, you want to hear it? Perhaps, you want to consider the offer."

Dopamine RushWhere stories live. Discover now