4- DISTURBING PEACE JUST TO MAKE A MESS.

38 4 0
                                    

"Iz, I'm not joking when I said that I wanted to court you."

Bumagal ang paghakbang ko paalis hanggang sa tuluyan na akong tumigil at napapikit ng bigla niya iyong sabihin. Napabuntong hininga ako at humarap sakanya. Nabitin ang sasabihin ko nang muli siyang magsalita.

"I'm serious about courting you." He said in a very serious manner.

Napakunot na lang ako ng noo.

Ano bang pinagsasasabi niya?

"Hindi ako tumatanggap ng manliligaw, Carlo." Seryoso ko ding sagot.

Para kaming mga sira. Magka-usap sa harap ng milktea house na iyon. Andoon lang kami, nakatayo ng mayroong dalawang metrong pagitan. Walang gustong lumapit, parehong hindi makalakad paalis.

"I'm not saying this to ask for your permission. Sinasabi ko to, para lang alam mo, Iz." He said.

Awtomatikong umangat ang kabila kong kilay at bahagyang napangisi, hindi makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"The only relationship that I could offer is friendship." I said, clearly turning him down. "Para lang din alam mo, Carlo."

He sighed.

"Hayaan mo lang ako, Iz." He said. "Please give me a chance, saka ka mag-decide."

"I've made myself clear." I stated, firmly.

"I can't take your no, Iz." He said, firm as well. "I want your yes, and I'll go after it."

steadfast.

Simula sa araw na iyon, ang paminsan-minsan niyang chat ay naging madalas. He always ask me out if he had time. Offer me a free ride, free meals, roadtrips- date. And I said yes to none of it.

Hindi ko gustong magkaroon ng malalim na koneksyon at relasyon sa kanya. Kaya sinimulan ko na siyang iwasan. I stopped replying to his messages if it's not important at unti-unti ko ng binitawan ang free tutoring session namin. I think that's a risk I can't take.

But four months had passed and he's still trying to get through that high wall that I've built between us. He's not breaking it, he's climbing it. I'm impressed.

I gave him countless no but seems like he's eager to have my yes.

Maybe I could lower the wall a little. Seems like this dude wants some headache. Let's see how he would handle me.

Fine, gonna give it a try.

____________________________________________

It's already 12:30, ala-una ang klase ko.

Hindi pa din tumitila ang ulan at ang tagal dumaan ng sasakyan. Napakarami nang naghihintay na studyante at paniguradong mag-uunahan na naman ang mga ito para lang makasakay.

Bahagya akong sumiksik sa katabi kong studyante na naghihintay din ng sasakyan. Nasa pinakadulo ako ng bus stop station kaya binuksan ko na ang payong upang iharang sa aking katawan dahil bahagyang natitilamsikan ang puti kong uniform.

"Iz!"

Awtomatiko akong napalingon nang may tumawag sa pangalan ko. Si Hash pala, ang rich kid kong groupmate sa SL.

"Tara, sabay ka na sakin." Muling sabi ni Hash mula sa bintana ng kanyang kotse.

"Sana all, ate girl." Pabirong sabi ng katabi ko.

Dopamine RushWhere stories live. Discover now