"Ha?" Tanong ni Ahra.

"Ang sabi ko, ikaw na nga lang! Inaaya ko kasi maglaro ng PS4 si Kwangmin kasi bored na ko at gusto ko mawala badtrip ko. Pero sabi mo nga may meeting pa sya kaya ikaw na lang, samahan mo ko." Paliwanag nito. Tatanggi pa sana si Ahra pero hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Youngmin.

"Ang bagal mo naman, sakay na!" Napabuntong hininga si Youngmin bago ito bumaba, binuksan ang kabilang pinto ng sasakyan at inalalayan si Ahra papasok dito.

Hindi alam ni Ahra kung ano ang nararamdaman niya. Gusto niyang batukan si Youngmin dahil hindi pa naman siya pumapayag pero inassume na nito na okay lang sa kanya na sumama. Sa kabilang banda, gusto niyang matuwa at kiligin dahil inalalayan pa siya nito at gusto siyang makasama kahit second option lang.

Tahimik ang naging byahe nila papunta sa bahay nila Youngmin. Nagulat pa si Ahra ng makita na malaki din ang bahay nila tulad nila Chelsea pero parang walang tao at masyadong tahimik.

"Walang tao?" Tanong niya agad kay Youngmin ng patuluyin siya nito sa bahay.

"Wala. Nasa abroad kasi parents ko. Ako lang mag-isa dito.." Paliwanag nito. Noon lang nalaman ni Ahra na mag-isa palang nabubuhay si Youngmin.

"Si manang kasama ko para tulungan ako pero sa hapon umuuwi din sa kanila kasi may maliit na apo." Dagdag ni Youngmin.

"Teka, kung ganon tayo lang dito? Ay! Wag na, nakakailang! Baka mamaya kung anong isipin ng mga tao nagdadala ka ng babae dito!" Bigla namang naalala ni Ahra.

"Ano naman masama don? Bahay ko naman 'to, maglalaro lang naman ng PS4, hindi naman tayo magsesex dito?" Dirediretsong depensa ni Youngmin sabay kuha sa kamay niya.

"Youngmin! Grabe ka, watch your words nga!" Halos masamid si Ahra sa narinig nyang sabi ni Youngmin.

"OA mo naman!" Nang-aasar na sabi ni Youngmin. Natatawa ito sa pagiging sensitive ni Ahra sa mga ganung klase ng salita.

"Kasi naman! Kahit naman lagi akong nakikipagbiruan sa inyo, wag nyong kakalimutan ni Kwangmin na babae pa din po ako!" Umirap pa si Ahra pero alam ni Youngmin na nagbibiro lang itong galit.

"Oo na po! Sige na tara na dun at tingnan natin kung matatalo mo ko. Kung sino ang matatalo, maglilibre ng lunch bukas." Sagot ni Youngmin na umiikot pa ang mata. Naiinip na kasi ito.

"Teka, ang awkward naman kasi! Pasunurin mo kaya si Kwangmin dito?" Nahihiyang sabi ni Ahra.

"Tsk! Kanina ko pa tinext si Kwangmin na sumunod sya pagkatapos ng meeting. Alam ko naman na gusto mo lang talagang kasama yung crush mo!" Pang-aasar ni Youngmin.

"Hmf! Ewan ko sayo! Sige na pag natalo kita lilibre mo ko ha!" Sinundan ni Ahra si Youngmin sa kwarto nito kung saan nakalagay ang PS4.

"Marunong ka pala maglinis ng kwarto." Komento ni Ahra. Maayos kasi ang mga gamit ni Youngmin. Kahit sa school naman nahahalata niya na maselan ito sa mga gamit.

"Syempre. Nakakahiya naman sayo." Pabirong tawa naman ni Youngmin habang sineset up ang PS4.

"Gusto mo pala ng merienda? May cake sa ref. okaya magluluto ako." Alok ni Youngmin.

"Marunong ka talaga magluto?" May duda pa si Ahra kahit alam nitong nagluluto talaga si Youngmin.

"Oo kaya! Naglalaba din ako, naglilinis! Kala nyo lang tamad ako pero masipag ako no! Di lang halata kasi yung kgwapuhan ko pang prinsipe!" Sabi nito sabay taas-baba pa ng kilay niya pagtingin ni Ahra.

"Hay nako bakit may aircon pa sa kwarto mo eh ang hangin mo na!" Ganti naman ni Ahra sa pagyayabang ni Youngmin. Sa loob niya, totoo naman na mala-prinsipe nga ang aura nito.

My Angel In DisguiseWhere stories live. Discover now