chapter 5: The Confrontation

430 18 2
                                    

Chapter 5: The Confrontation

It's 5:00 in the afternoon nang ipatawag kami ng guidance counselor pagkatapos na'ming makapagpahinga at magamot kanina sa Clinic

Inanyayahan kami rito para maayos ang gulong nangyari kanina at para malaman kung ano ang pinagmulan nito, pero wala sa isip ko ang makipag-ayos o humingi man lang ng tawad ni isa kanilang magkakaibigan

Napakaraming band-aid ng mukha't katawan ko dahil sa mga pasa at galos na natamo ko kanina, habang namamanhid parin ang pisngi ko

Halos nandito na rin ang mga guardians at parents, si dad nalang ang hinihintay pati narin ang kabit niya at ang mommy ni Solace na si Tita Sandra

Dad hates being called to school when we do something silly and I know Solace's mom does as well

Pilit kong pinapatatag ang loob niya dahil kanina pa siya hindi mapakali. Alam niyang hindi ito magugustuhan ng nanay niya at paniguradong magagalit nanaman ito sa kaniya

Her mom is so strict to her at ayaw na ayaw niyang binibigo siya nito, sa pagkakaalam ko ay tutol din siya sa relasyon nina Killian kaya mas pinili nalang nilang itago sa lahat maliban sa'min mag-kakaibigan

Nakaupo si Mrs. Rosales sa swivel chair niya habang kami naman ay nakaupo sa harap ng lamesa niya at magkakaharap  ng mga kaibigan ni Summer habang katabi ko naman si Sol

Summer also has a dressing in her nose, whereas mine is on my forehead

"Solace!" bungad ni Tita Sandra pagkapasok palang nito ng office kaya agad siyang hinarap nito

Napasinghap kaming lahat ng bigla nalang niyang binungaran ng isang malutong na sampal ang anak niya

"M-Mom" naluluhang tawag nito habang nakahawak pa sa kanang pisngi kaya agad akong tumayo at dinaluhan siya

"Ms. Valdez" may pag-aalalang saway ni Mrs. Rosales na tulad ko ay napatayo na rin

"Huwag mo ko'ng iniiyakan! Anong pumasok sa isip mo para mag-rebelde ha!? bakit ka nakipag-away!? hindi kita pinalaking ganiyan!" galit na sigaw nito sa anak niya

Rebelde agad? ni hindi niya man nga lang inalam ang totoong nangyari bago niya bitawan ang mga katagang 'yon

The blame is on me, kung alam ko lang na-aabot sa ganito ay hindi ko na sana siya dinamay pa

"Ms. Valdez, huminahon ho kayo. Hindi ho nakipag-away ang anak niyo, kaya—" pagpapakalmang turan nito

"Rivas is regarded as a dream school, but what kind of management are you pursuing!? kung hindi nakipag-away ang anak ko, ano pang ginagawa niya dito!?" She fuming to cut her words

"Mom, calm down! don't make a scene a here" saway pa ni Sol habang hinahawakan siya pero pilit niyang tinatabig 'yon

"At ako pa talaga ang gumagawa ng eksena?" hindi makapaniwalang tanong nito

"Wala ho kayong karapatang kwestyunin ang pamamalakad namin sa Rivas, hindi nga ho nakipag-away ang anak niyo, pero sangkot pa'rin siya sa paninira ng plate nang isa sa mga architect students namin" mahinahon na paliwanag Mrs. Rosales pero alam kong nagpipigil lang siya

Sino bang hindi?

"What do you mean!?" galit nitong tanong bago hinarap si Solace na ngayon ay nanginginig sa takot "Totoo ba ang sinasabi niya?" mapanganib at nanlilisik ang mga mata nitong tanong

Akmang magsasalita na ito ay agad ko siyang inunahan

"Solace didn't do anything wrong here, I did, she tried to stop me, but I didn't listen to her, please tita don't blame her" pakiusap ko sa kaniya kaya sa'kin nabaling ang tingin ni Tita Sandra

Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)Where stories live. Discover now