Napaisip siya bigla sa narinig niya from her manager. Bigla siyang nakaramdam ng takot.. Paano nga kung kamuhian siya ng mga tao. Sila. Paano kapag pinandirihan sila ng mga tao. Si Glaiza. Alam niyang kapag nalaman ng mga tao na totoo na pala yung Role na ginaganap ni Glaiza, alam niyang mas maraming mapapangit na salita ang matatanggap nito. Oo, alam niyang nandiyan si Chynna at mga Rastro Rebels nila para suportahan sila. Pero, ayaw man niyang aminin sa sarili niya, alam niyang mas dadami ang mga taong mambabato ng di magagandang comments sa kanila... At natatakot siya dun. Ngayon palang natatakot na siya..

"Think of the possible consequences Rhian.. Career mo ang usapan dito. Isipin mo, ngayon na hindi alam ng mga tao na magkarelasyon kayo ni Glaiza De Castro, sobrang taas ng tingin nila sa inyo. At pwedeng bumaba ng sobra yun pag nalaman nila yung totoo. Isipin mong mabuti Rhian.. Ayoko sanang i-mention pero may possibility na pati family mo madamay sa issue na to."


Dun na siya lalong napaisip. Tama ang Manager niya. Oh sige, okay nalang sa kanya na siya nalang yung i-judge. Pero pag dumating na sa point na pati family niya ij-judge din ng mga tao, parang di ata niya kakayanin.. Hindi niya hawak ang utak ng mga tao. Hindi niya alam kung anong pwedeng masasakit na salita ang masabi ng mga ito sa kanya at kay Glaiza.. At pati sa family niya..

Yung Career niya, yung mga taong umaasa sa kanya.. Alam niyang mawawala lahat ng pinaghirapan niya kapag napa-issue nga ito. Alam niyang back to zero nanaman ang magiging Career niya pag nalaman ng iba na may karelasyon siyang babae. Tapos si Glaiza pa. Ngayong lalong sumisikat na si Glaiza, baka bumalik din sa zero ang Career nito pag nalaman ng mga tao ang tungkol sa kanila. At ayaw niyang mangyari yun. Ayaw niyang masira yung pinagttrabahuhan ni Glaiza. Ayaw niyang masira yung tiwala ng Family niya sa kanya. Ayaw niyang mawala lahat kay Glaiza yung pinaghihirapan nito dahil lang sa issue nilang dalawa.

Ughhhh..


Napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "So, sa tingin niyo, What should I do?" She looked at her Manager.

Tiningnan siya nito ng seryoso. "End."

Napakunot ang noo niya. "What do you mean?"

"Tapusin niyo na ang relasyon niyo ngayon palang. I know bago bago palang naman ang relationship niyo so hindi masyadong masakit pag nakipag-break ka sa kanya ngayon."


Alam niyang yun ang sasabihing solusyon ng Manager niya sakanya pero di pa rin niya naiwasang mabigla.

'Tapusin niyo na ang relasyon niyo ngayon palang'

Nagpaulit-ulit ata yun sa utak niya.

Napapikit siya. She exhaled again.


Tiningnan niya ang Manager niya. "Wala na ba kong choice?"


"Yun lang ang solution Rhian. Break up. Pag-isipan mong mabuti. Yung mga possible consequences. Kayong dalawa ni Glaiza De Castro ang masisira dito."


Napa-iling siya. Sobrang naguguluhan siya ngayon. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin. Sobra siyang nalilito.


"Let me... think of it." She said tapos tumayo na siya at iniwan ang Manager niya.


//


"Juice? Coffee? Tea? Anong gusto mo?

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now