Chapter 11: I will run

Magsimula sa umpisa
                                    

Pumasok sila sa isang room at ako ay dumiretso sa dulo.

Pagdating ko sa library agad na hinanap ko si Russell. Mabuti na lamang ay nasa bungad lang siya. Humakbang ako palapit sa kanya at umupo sa tapat niya.

"S-Sakura," mahinang wika niya.

Ngumiti ako sa kanya. Iniisip ko kasi kung paano ko ba itatanong ang mga kailangan ko malaman.

"Ano pala ang kailangan mo?"

"Russell hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko ikuwento mo sa akin kung ano ang parte ni West Fuentabella at Alexei Mondragon sa buhay ko?"

"Ah?" nalilitong wika niya. " 'Di ba ikaw ang dapat na nakakaalam niyon?"

Isa rin pala itong tanga! "Russell ipapakuwento ko ba sa iyo kung alam ko kung sino sila sa buhay ko? 'Di ba nga, simula na maaksidente ako ay wala na akong maalala," marahan na wika ko sa kanya.

Huminga siya nang malalim bago magsimulang magkuwento. "Well? First year college tayo unang nagkakilala. Nasabi mo sa akin noon na crush mo si West Fuentabella. T-Totoo ang sinabi ng pinsan ko na nagpapadala ka ng love letters at cookies kay West. Sabi mo pa sa akin noon, okay lang kahit na hindi sagutin ni West ang sulat mo basta maiparamdam mo lang ang pagmamahal mo sa kanya."

"Tapos?"

"Natapos ang first semester natin pero Sakura nung second semester na tayo ay nanibago ako sa mga kinikilos mo. Hindi kana katulad ng dati na masayahin at lagi kang kinakabahan. Tumigil kana rin kakapadala ng mga love letters at cookies kay West. Hanggang sa araw na nakabunggo natin si Alexei. Hinding hindi ko makakalimutan ang takot na nakarehistro sa mukha mo na makita mo siya noon."

"Wait! Takot ako? Kay Alexei?"

Tumango siya. "Oo. Sobrang takot mo noon, Sakura. Alam mo iyon na para kang nakakita ng multo."

Multo?

"Isang linggo ka ngang tulala niyon."

"Wala ba a-akong sinabi sa iyo kung bakit ganoon ang kinikilos k-ko?" naguguluhang tanong ko kay Russell.

Umiling siya. "Wala Sakura. Pinipilit kita noon pero umiiyak ka lang hanggang sa pinadalhan mo ako ng sulat na huwag na huwag na ako lalapit sa iyo at tinatapos mo na ang pagkakaibigan natin. Hindi ako naniwala sa iyo kaya pinuntahan kita at nagulat ako na makita ko ang nangyari sa iyo."

"What happened?" kinakabahan na tanong ko.

"Binubully kana ng mga estudyante at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ka lumalaban," malungkot niyang saad.

"Hindi a-ako lumalaban? Paano mo nasabi?"

"Ah? Hindi ba, ang unang instinct natin kapag inaapi tayo ay lumalaban? Pero yung sa iyo parang alam mo, napaghandahan mo at tanggap ang lahat ng ginagawa sa iyo. I-Iyon ang hindi ko maintindihan, Sakura."

Alam niya? Napaghandaan niya? Tanggap ang lahat?

Bakit?

Sigurado akong binablackmail ni Alexei si stupid Sakura. Hindi kaya may kinalaman ito sa binanggit sa akin ni Alexei na kasalanan na nagawa ni stupid Sakura?

"Ahmm.. Ano'ng k-klaseng tao ako para sa iyo, Russell?"

"Ah? Mabait ka, sobrang sweet at masayahin... n-noon," nahihiya niyang sambit. "Bakit mo naitanong, Sakura?"

"N-Nakita mo na ba akong nagalit?"

"Never, Sakura."

"May kaaway pa ba ako maliban kay Alexei?"

"Wala, Sakura. Mabait ka talaga kaya nga nagtataka ako kung bakit ka binubully ni Alexei. May ginawa kabang hindi niya nagustuhan?"

"Russell one last question, alam mo ba na fiancé ko si Alexei?"

"F-Fiance?" nanlalaki ang mga mata na tanong niya. "E-Engaged na kayo? K-Kailan pa? P-Paano?" suno-sunod na tanong niya.

Sa pinakita niyang reaksiyon isa lang ang ibig sabihin nito na hindi niya alam ang tungkol sa relasyon ni stupid Sakura at Alexeri.


Ang nagpapagulo sa akin, bakit itinatago ito ni stupid Sakura?


Teka...

Tama...Para itago sa lahat ang kanilang relasyon.

Pero bakit?

Ano'ng kasalanan ang nagawa mo stupid?

Bakit hinahayaan mo lang na ibully ka ni Alexei?

Ano ang dahilan?

"By the way Russell, hanggang kailan pwede magpasa bilang candidate ng student council?"

"Ah? Until Friday, why?" nagtatakang wika niya.

"I will run for student council president."

"What??!" bulalas ni Russell.


SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon