Proluge

199 3 4
                                    

EXPECT GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOS, THANK YOUU.

***

"Kalahating oras na tayo dito, Amora. Hindi ka ba napapagod?" Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis dito sa kasama ko,

Pinandilitan ko ito ng tingin, "Patient nga Sheena". Napulot ko lang ito sa may dalampasigan, akala ko nga shokoy pero tao pala hayst

We're waiting for my Tita kasi dahil Meron itong sasabihinin sa akin na hindi ko naman alam kung ano, "Amora, una nalang ako sa'yo pupuntahan ko nalang si Nanay sa palengke" hindi ko na nagawang lingunin si Sheena at basta nalang ako tumanggo ng matanaw ko si Tita,

"Segi na gora kana!".

Dumiritso na ako kay Tiya ng matanaw ko itong nakakunot ang noong inaabangan ako, "Tiya, bakit po ganyan ang itsura niyo?" Siya ang Tiya kong ubod ng sama

Umirap ito, inabot sa akin ang susi na siyang ikina kunot ng noo ko "Ikaw na mag asikaso ng club ko, kailangan kong lumisan papuntang Manila dahil may sakit ang kapatid ko–"

"–isarado mo nalang Tiya" putol ko sa Iba pa nitong sasabihin, kumunot ang kanyang noo habang nag aabutan ang kanyang kilay,

"Ang kapal mo naman na utusan ako!", Luh napa awang nalang ang bibig ko sa kanyang sinabi "Malulugi ang club ko kapag sinarado, baka nakakalimutan mo Amora ako ang nagpapakain sa iyo at sa Nanay mo. Maging doon sa babaeng pinulot mo sa kung Saan!" Sumbat na naman nito

Napakamot nalang ako sa ulo ko't nilahad ang aking kamay, "Akin na dami mo pang sinabi eh", bago siya umalis binilin nito ang mga dapat kung gagawin bago ko buksan ang Club at anong oras ko isasara.

Tsk, matagal na naman talaga itong palugi. Hindi katulad noon na maraming costumer ngayon bilang nalang.

Halos isang oras na akong nag aabang ng costumer, napa ayos lang ako ng upo ng may pumasok na isang babae. May mga pasa ito sa mukha na animo'y nakipag bugbugan,

Dumiritso ito sa island counter paharap sa akin, "Isang shot ng tequila" aniya nakatitig sa akin, mabilis naman akong umoo at binigay ang sinabi nito.

"Valerine, my gosh what happen to your face?!" Bumaling ang attention ko sa babaeng kakapasok lang, nangunot ang noo ko ng makita rin ang itsura nito,

Tinatanong pa kung napa'no ang kasama niya eh mas bugbog sarado siya haystt, "Andiyan pa rin ba sila?"

"Wala na", sagot nito sa babaeng Valerine ang pangalan "Isang shot ng Vodka" baling nito sa akin.

Buong gabi ganun ang ginagawa ko, nag serve ng order ng costumer na bilang lang naman sa daliri. "Amora, ipakilala mo na ako doon sa pinsan mo!" Pangungulit sa akin ng isa sa mga barkada ko Dito sa baryo,

Inismaran ko naman ito, "Hindi nga siya interesado sa'yo" pangungontra ko habang nag hahalo ng inumin, mabuti nalang talaga at madalas ako rito sa bar ni Tiya dahil doon natutu ako kung paano maghalo halo ng kung ano anong alak

Ipinakilala ko bilang pinsan ko si Sheena, dahil nahihimigan kong may tinatago ito at isa pa familiar siya sa akin, "Damot mo naman Amora!" Hindi ko nalang siya pinansin,

Madaling araw na ng maka uwi ako sa Bahay, tulog na si Sheena at si Nanay ng maabutan ko ito.

Gigising ng umaga upang mangalakal, sasamahan si Mama sa palengke upang magplastar ng ititinda, bubuksan ang bar. Ilan lang naman yan sa mga gagawin ko sa pang araw araw,

RUTHLESS MAFIA#2: DANGEROUS AGREEMENTWhere stories live. Discover now