"Anak, umamin ka nga sa akin," sabi ni Mama bago niya ako hinawakan sa magkabilang balikat ko at mataman niya akong tiningnan sa mga mata. Ano ba'ng problema ng nanay ko na 'to? Nakalaklak ba 'to ng liquid sosa? Nakalanghap ng usok na nanggagaling sa Dragon Katol?

"Ano na namang kadramahan 'to, Ma?" tanong ko pero nanatiling nakatitig sa akin si Mama at halos mahulog ang panga ko noong sinabi niyang,

"Ginayuma mo ba ang gwapong nilalang na 'to, ha anak?" Gusto kong tumambling at magpagulong-gulong dahil sa sinabi ni Mama. Ginayuma?! Sa ganda kong 'to, manggagayuma ako?! Pinanlisikan ko ng mata si Fire noong narinig ko siyang tumatawa ng mahina sa likuran ko. Namumula na ang mukha niya sa kakapigil ng tawa niya. Teka, bakit parang ang cute niya? At talagang nagmistula na siyang pulang kamatis sa itsura niya ngayon. Hoy, Aria. 'Di ba, naiinis ka? Bakit bigla kang naging ganiyan?!

"I am sorry, I just can't help it," he said before he burst out into laughter. Ay lecheng lalaki 'to! Ang sarap batukan! Bigla namang lumapit sa akin si Mama kaya naunsyami ang plano kong pambabatok sa damuho kong boyfriend at saka siya bumulong,

"Ang taray ng boyfriend mo, Anak. Ang galing mag-english." Kinurot pa ako ni Mama sa tagiliran bago siya ngumiti ng nakakaloko. May sapak yata ang nanay ko na 'to. Akala ko pa naman ay magagalit siya na may boyfriend na ako. Jusko!

"Osya, tara na't kumain. Halina kayo," tawag sa amin ni Mama. Dumeretso kaming lahat sa kusina at nakita ko ang mga paborito kong pagkain. May hotdog, may longganisa at may sinangag na kanin. Ang bongga! Namiss ko lahat ang luto ng nanay ko kaya agad akong umupo. Rated PG ako ngayon. Patay gutom ang peg ko sa mga oras na 'to. Kailan ba hindi, ha Aria?

"Mama, I love you na talaga!" sabi ko kay Mama. Bigla akong kumuha ng plato at nagsandok ng pagkain ko kaya lang ay nahinto ako sa pagsasandok noong pinitik ni Mama ang noo ko. Aray naman e!

"Bakit na naman, Ma?!" Nakakaloka naman kasi e! Gutom na ako tapos ayaw pa akong pakuhanin ng pagkain?! Child abuse kaya 'yon!

"Mahiya ka nga sa mga bisita natin! Sila ang paunahin mo!" sabi ni Mama. Nakasimangot kong ibinalik ang sandok sa isang bandeha ng sinangag at hinintay na makakuha ng pagkain sina Thea. Nakangiti lang sila sa akin at hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin ng ngiti na 'yon. Masaya ba silang makita na ganito kami magmahalan ng Nanay ko?

"Teka, nasaan si Miss Shebah?" tanong ko. Wala kasi siya dito at nakakapagtaka naman na siya pa ang late na gigising sa amin e parang hindi nga 'yon natutulog.

"Mukhang nasa garden yata natin, Aria. Tawagin mo nga," sabi ni Mama. Sisimangot na sana uli ako kaya lang ay inambaan ako ni Mama na hahampasin ng sandok kaya bigla akong ngumiti sa kaniya.

"Oo na po. Ito nga at tatawagin ko na." Tumayo ako sa upuan ko at saka ako pumunta sa likod bahay namin. Ito naman kasing si Shebah! Masyadong paimportante na dapat pang tawagin!

"Oo, naiintindihan ko." Bigla akong napahinto sa paglalakad noong narinig ko ang boses na 'yon. Bakit gano'n? Bakit parang boses yata ni Hera ang naririnig ko?!

Naglakad ulit ako at naabutan ko si Shebah na galak na galak sa tanim naming Rosas na namumukadkad sa bulaklak. Teka lang, siya kaya ang narinig ko kanina? Bakit parang iba ang boses niya kanina?

"Miss Shebah," Agad na napalingon sa akin si Shebah at saka ito ngumiti. Huwait! Ngumiti si Shebah?! Omygahd! Anong nangyayari sa babaeng 'to? Parang nakakapanibago naman yata ang kinikilos niya. Jusko naman, Aria! Ganiyan ka na ba kagutom at talagang binibigyan mo na naman ng ibang ibig sabihin ang ginagawa ni Shebah?!

"Bakit, Aria?" Tumayo si Shebah at saka siya naglakad palapit sa akin. Hindi nagbabago ang ngiti sa kaniyang mukha. Sinaniban ba 'to ng pagiging positive ni Hera?!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon