"What kind of behavior is that Ms. Karim, Ms. Lopez, and Ms.Kim? Goodness! I won't tolerate those kind of trash attitudes! and really? Royal Class student ang binangga nyo, don't you know how important they are in this school? tsk tsk I don't think 2 weeks suspension is enough, make it 3 weeks plus 1st warning card at lilinisin nyo rin ang cafeteria tuwing uwian ng tatlong araw, and make sure to bring your parents tomorrow"

1st warning card, binibigay lang 'to kapag mabigat ang nagawang kasalanan ng isang estudyante, kapag nakatatlo sila ay automatic kick out na sila sa university. Pero pwede nilang bilihin ang warning card para mawala 'yun, bawat warning card ay may katumbas na halaga. Pinakamahal ang 3rd warning card. Ang mga pera na nalilikom sa mga warning cards ay ginagamit para sa mga pinapaayos at pinagagawang buildings dito sa university. Nakakatulong ito dahil nagkakaroon ng pondo ang paaralan, bukod pa sa pondo na nanggagaling sa Palasyo. Pero may limitations din ang pagbabayad sa mga warning cards, kapag naka-sampu ay kick out ka na talaga at hindi mo na maaaring bayaran 'yun.

"1st warning card?? What the?"

"Are you questioning my decisions Ms. Karim? " Dean asked, matalim ang tingin nito kay Solenn,

"N-no Dean, but—"

"No buts, it's final! NV, please keep an eye on them"

"Yes Dean" I said,

"Then I'll pay my 1st warning card!"

"Me too"

"Ako rin"

"If that's what you want then we're settled, go back to your classes"

I saw them rolled their eyes before leaving, tsk.

"How's Ms. Hellington?" Dean asked,

"She's okay now" I answered,

"Ano naman kaya ang pumasok sa utak ng tatlong 'yun at nagawa nila 'yun? tsk tsk... Kapag nagkataon na mas malala ang sinapit ni Ms. Hellington malalagot talaga tayo" Dean said while massaging her temple,

"Malalagot? Kanino?" I asked,

Anong alam nya kay Xyrelle?

"Go back to your class, hindi porke't president ka ng student's council ay pwede ka nang tumambay dito—Sya! Labas na"

Hindi na ako nagtanong pa at nagtungo na lang sa clinic pero wala na sila dun, ang sabi ng nurse ay bumalik na raw sila sa room kaya dun na ako dumiretso...

"Kumusta Nix? Napa-kick out nyo na ba yung gumawa nun kay Xy?" it's Trev,

"3 weeks suspension, 1st warning card, and cafeteria cleaning for three days" I said referring to the punishment that our Dean gave to those three idiots,

"They deserved it" Sebastien said,

"It's not enough" Brielle interrupted, nakatingin sya sa librong binabasa,

"Tama! dapat sa mga 'yun sampalin din!" segunda ni Vien na agad sinang-ayunan ni Khylie,

"It's okay guys, ayos na naman ako" Xyrelle said,

"Dapat kasi pinatulan mo Xy! Kapag ganon 'wag kang papatalo" si Kai,

May mga sinasabi pa sila pero hindi ko na pinakinggan at dumiretso na sa upuan ko.

Tsk, nakalimutan ko na tuloy yung itatanong ko kay Xyrelle! Damn, never mind tsaka ko na lang itatanong kapag naalala ko na.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at isinuot ang earphones, matutulog na muna ako habang wala pa si Ms. Kaye.

Pumikit ako pero agad ding napamulat nang may maramdaman akong kumalabit sakin,

"Ahh, salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin kanina" mahinang wika ni Xyrelle,

Tumingin ako sa paligid at nakitang may kanya kanya nang ginagawa ang mga kasama namin,

"Okay" tipid na sagot ko,

I really don't know what to say when she's around, at hindi ko rin alam kung bakit. It's like that her eyes have so many things to say at hinihigop ako nun sa tuwing mapapatingin ako dito.

Sobrang ganda nya lalo na kapag nagsasalita sya— Damn! what am I saying?

"Nix? are you alright?" and that voice! fuck!

"Yeah, go back to your seat matutulog ako" hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at pumikit na,

naramdaman ko naman ang pag-alis nya kaya nilakasan kong muli ang volume ng cellphone ko...

•••

Uwian na naman, kasalukuyan kaming nasa kotse ni Trev.

Tsk, labag talaga sa loob ko ang pagsabay dito. Kung bakit ba naman kasi napakatagal ibalik ang sasakyan ko.

My older brother is the one who's using my car, ang totoo ay ginagawa nya lang 'yun para inisin ako but I don't really give a damn. Magpakasal pa sila nung kotse!

Hindi ko rin alam dun sa lalaking 'yun kung bakit trip na trip nyang inisin ako, wala naman akong pakialam sa kanya.

Habang nasa byahe ay naririnig kong nagkukwentuhan sila Xyrelle at Trev tungkol sa lessons namin kanina. Paminsan-minsan din ay nag babagsak ng mga korning jokes si Trev na hindi ko alam kung bakit tinatawanan ni Xyrelle, tsk wala namang kwentang jokes.

"HAHAHAHAHA nakakatawa naman 'yun, isa pa dali Trev" natatawang wika ni Xyrelle,

"Eto eto, anong pagkain ang naninipa?" tanong ni Trev,

"Ano?"

"Edi Kikiam! HAHAHAHAHAHAHAH"

"HAHAHAHAHA ano yung kikiam?" Xyrelle innocently asked, bahagya naman akong natawa dahil dun pero hindi ko pinahalata,

"Pfft, street food 'yun. Eto pa eto pa, Bakit nalunod ang isda?"

Kesa makinig sa mga korning jokes ni Trev ay nagsalpak na lang ako ng earphones at nakinig ng music.

Mas mabuti pang pakinggan ang mga rock songs kesa sa walang kwentang sinasabi ni Trev, tss...

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now