•XII•

3 2 0
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Twelve:PrincessZephaniah

Papunta na kami sa room namin, kwento nang kwento si Trev tungkol sa Royal Class pero wala nang pumapasok sa utak ko dahil sa 'Palace Day' na yun.

Tsk, tsaka ko na nga lang iisipin 'yun. Malayo pa naman ang huling araw sa buwan na ito.

"We're here" masayang saad ni Trev,

Pinagbuksan nya ako ng pinto, pagbukas ay iilan pa lamang ang mga estudyante na narito.

Si Nix ay nakaupo sa dulong upuan at prenteng nakasandal sa kanyang upuan, naka-cross arms pa at nakapikit ang mga mata. Sa unahan naman ay may dalawang babae ang natigil sa pag-uusap na nakatingin sakin, one with a long blonde straight hair and one with a short black hair with a bangs, nung mapansin nila na nakatingin ako sa kanila ay bigla silang lumapit sa akin,

"Hi! you must be the newbie, I'm Vien Stewart. You can call me Vie since you're pretty like me" pagpapakilala nung blonde hair,

pinagmasdan ko ang mukha nya, she has relatively long face, smaller eyes, wide nose, plump lips, v-shaped jaw, straight eyebrows and pale skin, she's beautiful!

"Pfft, napakahangin mo Vien! hay nako 'wag mong pansinin ang isang 'to. Ako nga pala si Khylie Courtney, but I want you to call me Khyle or baby if you want me" the girl with a bangs said then winked at me,

maganda rin ang isang ito, she has square jaw, a short nose bridge, slightly arched eyebrows, round eyes, full lips, and a slightly tanned skin,

"Hoy hoy! pinairal mo na naman 'yang katomboyan mo Khylie! Tigilan mo 'yan" sabat ni Trev,

Nilahad ko naman ang kamay ko at nagpakilala na rin,

"Hi Vien, Khylie, I'm Xyrelle Hellington. It's such a pleasure to meet the both of you" I said, natawa naman ako nang mag-unahan sila sa pagshake ng kamay ko,

Pagtapos nun ay hinawakan ako sa kaliwang braso ni Vien at sa kabila naman si Khylie, napapagitnaan nila ako kaya mas lalo akong naging maliit dahil sa tangkad nilang dalawa l. Niyaya nila ako sa upuan na katabi nila,

"Hey hey, may newbie!" a tall boy with a messy black hair shouted, 

"Woahh" pumunta rin ang isang lalaki na medyo mahaba at itim ang buhok, mayroon din s'yang dimple sa kanang pisngi,

"Hi miss, welcome sa Royal Class. My name is Kendrick Alexei Igor. Kai for short" sabi nung matangkad na lalaki na may itim na buhok,

"Ako naman ang gwapong si Sebastien Willem, call me whatever you want to call me" wika naman nung lalaking may dimple,

"Sya naman si Xyrelle at wala syang paki sa inyo kaya magsilayas na kayo" masungit na sabi ni Vien, si Khylie naman ay tinataboy ang dalawa kaya lang ay hindi nagpatalo ang dalawang lalaki kaya tumulong na si Vien

Tumakbo ang dalawang lalaki at hinabol naman sila nila Vien, nung bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng naka-shades ay bigla silang natigil sa paghahabulan, bumalik sa tabi ko ang dalawang babae at umupo naman sa kanya kanyang upuan nila ang dalawang lalaki,

"She is Blake Aubrielle Vane, call her Blake if you're not that close. Brielle naman ang tawag ng mga close nya sa kanya, actually kami lang dito sa Royal Class ang tumatawag sa kanya ng Brielle. Kung hindi ka nya close at tinawag mo syang Brielle nakoo, katakot takot na pagsusungit ang aabutin mo" bulong sakin ni Vien,

"Bihira lang makausap 'yan si Brielle, may sariling mundo at mas gusto na mag-isa lang sya. Pero mabait naman sya, hindi lang halata sa mukha" dagdag ni Khylie,

Pinagmasdan ko naman ang sinasabi nila, umupo si Blake sa upuan nya sa pinakalikod. Magkabilang dulo sila ni Nix.

Pagkaupo nya ay tinanggal nya na ang shades at may sinalpak na kung ano sa tenga nya at naglabas ng libro para magbasa,

Tinitigan kong mabuti ang mukha nya, she's also beautiful kahit na mukha syang masungit. She has a double eyelids, straight eyebrows, small face, thin and high nose bridge, medium sized eyes na walang emosyon kaya mas lalong naging masungit ang awra nya, square shaped jaw and a slightly tanned skin,

"Yun namang lalaki na nagse-cellphone sa pangalawang row, he is Stefan Lax. Parang boy version ni Brielle pero mas approachable sya kaysa kay Brielle. Minsan kasi ay nakakasabay din 'yan si Stefan sa trip namin" turo ni Khylie sa lalaki na busy sa pagpindot sa cellphone, mukha nga rin syang seryoso at masungit

"Sya, sya ang crush ni Khylie" bulong ni Vien kaya lang narinig ito ni Khylie kaya agad sya nitong binatukan,

"Sus, parang ikaw walang gusto kay seb—" bago pa matapos ni Khylie ang sasabihin ay tinakpan na ni Vien ang bibig nito. Nakakatuwa ang dalawang 'to.

Nagkwento pa sila about random things at natigil naman 'yun nung dumating ang isang matandang babae na napag-alaman kong guro namin sa unang subject,

"Teka, marami yatang nahuli sa klase?" tanong ko kay Khylie,

Magsisimula na ang klase ngunit siyam palang kaming naririto sa room,

Ako, si Vien, Khylie, Nix, Trev, Stefan, Kai, Blake, at Sebastien,

"Kumpleto na tayo, bibihirang-bihira lang talaga ang mga estudyante na nakakapasok sa Royal Class"

"Napakahirap ba naman ng special exam eh, yung naunang batch nga satin ay lima lang ang nakapasok. Pinaka-marami na sa batch natin"

Ganon pala 'yun? pero bakit ang dami pang bakanteng upuan?

Hindi ko na nagawa pang tanungin sila Vien dahil nagsimula nang magsalita yung guro,

"Good morning everyone, I know all of you are familiar with me. But for the sake of your new classmate, I'll introduce myself again. I am Neryta Caldwell, Mrs. C ang tawag sakin ng lahat." pagpapakilala nya, matapos nun ay tumingin sya sa akin,

"Kindly introduce yourself here in front" Mrs. C said so I stand up and walk infront of the class,

"My name is Xyrelle Hellington, it's a pleasure to meet you all" I said at tumungo as a sign of respect, sa palasyo ay ganoon kami magpakilala,

Pagtapos magpakilala ay pinabalik nya ako sa upuan ko,

"So, you're the one who got a perfect score sa special exam ng Royal Class. Very impressive" Mrs. C uttered,

"Woah, naperfect mo ang exam?"

"You're so galing Xyrelle"

Bulong ni Khylie at Vien sakin, tumango lang ako at nahihiyang ngumiti.

After that ay nagsimula nang mag-lesson si Mrs. C, binalikan nya yung mga former lessons para raw makasabay ako. Paminsan-minsan ay tinatawag nya ako para alamin kung may natututunan nga ako at nasasagot ko naman ang mga ito dahil lahat ng tinuturo nya ngayon ay naituro na sa akin sa palasyo.

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now