"Really? Isa pa Brielle dali! hindi namin nakita!" si Vien,

"Madaya ka ha, ngiti ka ulit" si Khylie, nakaakbay na sya kay Brielle

"Hoy Khylie bitawan mo nga 'yan" Kai said,

"Please shut up guys!" si Vien ulit,

"Bitawan mo na 'yan Khylie, nagseselos si Kai" sumali na rin si Trev,

" Ako na lang akbayan mo Khylie" si Stefan,

Habang nagtatalo-talo sila ay lihim kaming nag-ngitian ni Brielle, ngunit bigla syang nawala sa paningin ko dahil may biglang humila sakin,

"Nix! Sosolohin mo na naman si Xyrelle!" rinig kong sigaw ni Seb,

"Naknam—Hoy Nix!" sigaw din ni Trev,

hindi ko na narinig ang iba pa nilang sigaw dahil nakalayo na kami ni Nix,

"Hey, where are you taking me again? Bakit ba napakahilig mong manghila?" I asked, binitawan nya lamang ako nung nasa loob na kami ng room namin,

walang tao dahil nandoon pa silang lahat sa garden,

"Who's that guy?" he asked,

"Ha? sinong guy?" nalilitong tanong ko rin sa kanya,

ano ba ang sinasabi nito?

"That guy in your—damn! never mind!" naiinis na sigaw nya at tumalikod na sakin,

pumunta sya sa upuan nya at umupo doon, tapos bigla ulit tumingin sakin

"Get your cellphone and come here, tuturuan na kitang gumamit nyan" he said with a calm face,

Naguguluhan man ay sinunod ko pa rin sya dahil sa kagustuhan na matuto.

Tinuro nya sa akin kung ano ang mga dapat pindutin sa cellphone kapag may gusto akong tawagan at itext. Ipinaliwanag nya rin sakin yung tungkol sa mga 'apps' na pwede daw i-download, mga social media platforms, at kung anu-ano pa.

Mabilis lang naman pala matutunan ang paggamit sa bagay na 'to.

Pagtapos nya akong turuan ay pinabalik nya na ako sa upuan ko dahil malapit na raw magsimula ang klase, sakto naman pagkabalik sa upuan ay ang pagdating nila Vien,

"Kita mo na, sabi sa inyo nandito na sa room ang dalawang 'to eh" si Kai,

"Kung saan saan pa tayo naghanap" si Seb,

"Ano Xy? ayos ka lang ba? anong ginawa sayo ng baliw na 'yan?" tanong ni Vien,

Tama nga si Brielle, over reacting nga itong si Vien,

"I'm fine Vien" natatawang wika ko kay Vien dahil sa reaksyon nito,

"Bakit ka ba hinila nun?" maangas na tanong ni Khylie, para talaga syang lalaki kung kumilos HAHAHA hindi mo aakalain na may gusto ang isang 'to kay Stefan,

"I don't know, hayaan nyo na at mahilig lang talaga syang manghila" I said then chuckled,

"Excited ako bukas! alam mo ba Xy, may C.T.C. tayo bukas! my favorite subject" Khylie uttered at tila kumikinang ang mata nito,

"C.T.C.? " I asked,

"Combat Training Class, they will teach us how to use different kinds of weapons and also how to fight without using weapons. Parang self-defense training, ang sabi ay ang Royal Class lang ang may subject ganito dahil inihahanda raw tayo para sa mga mission" Khylie explained,

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now