4

100 2 0
                                    

Papikit-pikit pa na buong iminulat ni Lauren ang kaniyang mga mata. Bumangon siya at umupo ng maayos sa sofang tinulugan kagabi. She roamed her eyes around the room, nangunot ang kaniyang noo ng mapansing wala doon si Santiago. Magulo parin ang kama nito, the suit he wear last night was there in top of the bed.

Where is he?

Tumayo siya at pinusod ang natural at itim na buhok. inayos ang sarili bago kinuha ang imported na alak at baso na alam niyang iyon ang ininom ng Binata sa paglalasing kagabi. Tinupi rin niya ang ginamit na kumot saka ipinatong sa unan bago dinala sa kama. Inayos na rin niya ang higaan nito, isa-isang pinulot naman niya ang nagkalat na suot nito kagabi at dinala sa kabilang sofa para doon ilagay ng maayos.

Tinungo niya ang dirty Kitchen. Lauren want to cook caldereta, may rikados at karne naman sa lagayan ng tingnan niya. Siguro ay ni-ready na iyon ng Hotel stuff doon. Habang naghihiwa ng pansahog ay nahulog siya sa malalim na pag-iisip about what happened last night. Her both cheeks burned because of embarrassment. Sana lamang ay hindi nito maalala iyon dahil hindi niya alam kong papaano ito haharapin.

Laking pasasalamat na lamang niya na wala ito ng magising siya. Hindi rin niya alam kong saan ito nagpunta gayong sobrang aga pa naman, alas singko pa lang ng umaga at medyo madilim pa sa labas ng masilip niya ang bintana kanina. Ipinilig na lamang niya ang ulo upang burahin ang mga isiping iyon sa kaniyang isipan at pinagpatuloy ang ginagawa para makapagsimula ng magluto. Iniwan muna niya iyon saglit at kinuha ang cellphone ng tumunog ito.

A pure and sweet smiled plastered on her lips when she finally pick the call. She miss this caller already, their last talk is when they still on their Apartment preparing her things for her flight."Roxan!"Lauren exclaimed happily.

"Ren! Ano kumusta naman ang flight kasama ang hot, guwapo saka sikat at napakayamang si Mr. Santiago Baldivino huh?!"Nagtitiling tanong nito sa kaniya. Nai-imagine na niya ang hitsura nito kong nadoon lamang siya kasama ito.

"A-ayos lang naman.."Nauutal at humina ang boses niya ng sabihin iyon.

She heard foot steps coming from the other line."Oh bakit humina ang boses mo??"

Pumikit siya dahil sa tuno ng boses nito, she's teasing her."Roxan..."

"What?"Maang na tanong ng Kaibigan.

"Let's not talk about it please.."

"Okay fine, but seriously what with your voice?"

Naiiling siya dahil sa kakulitan ng Babae. Huminga siya ng malalim habang inaalala ang napapansing ugali ni Santiago na alam niyang ganito na talaga ito. Ang hindi lang niya maintindihan ay kong bakit parang malayo ito sa mga Tao."He's a cold blooded type of person. A very intimidating Man, his scary eyes. Iyong feeling na hindi mo magagawang tumitig sa kaniya ng matagal.."

"Yeah, I already know those behaviors of him. Did he talk to you even a bit?"

"Y-yes, he also fired me.."Pag-amin niya.

"What?!"

"Pinababa niya ako sa Eroplano niya pero pinaakyat naman ako ulit. Akala ko t-tuluyan na a-akong mawawalan ng Trabaho.."

"Mabuti naman at pinabalik ka.."May pag-aalala dito.

Lumakad siya pabalik patungong kusina, sa pagharap niya ay halos kapusin siya ng hininga nang mabangga siya sa malapader na dibdib ni Santiago. Napatingala siya rito, hanggang dibdib lang siya ng Binata.

Nagtagpo ang kanilang mga paningin ngunit kaagad din siyang nag-iwas sa kadahilanang nakakatakot ang paraan sa paninitig ng nakakaakit nitong mga mata.

"S-sir k-kayo po pala.."

Nahihiyang nagbaba siya paningin dahil sa kahihiyan. Baka narinig siya nito? Uminit ang kaniyang pisngi ng maalala ang muntik ng paghalik sa kaniya nito kagabi. Nagmamadaling nagpaalam siya sa kaibigan ng marinig niya ang pagtawag nito sa kaniya sa kabilang linya.

"I-ibababa kuna to. I'll call you later..."

"Is that him?!"Pasigaw nito.

Napapikit siya dahil tila tumatagos sa loob-loob niya ang paninitig ni Santiago."Y-yes.."

"Update me later! Sige enjoy, I love yah!"

Napangiti siya."I love you too.."

Napatingin siya kay Santiago ng marinig ang pag-ismid nito. He turned his back, sumunod siya rito patungong Kusina. Diritso nitong kinuha ang coffee maker at nagsalin ng black coffee sa tasa.

Nakasunod lang ang tingin niya dito, his muscles flexing everytime he moved. Nanatiling nakatitig lamang si Lauren sa malapad nitong likod.

"Stop eye checking me."He said in a very manly voice.

Even his voice is so sexy, napapahiyang nag-iwas siya ng tingin when he faced her. Hawak nito ang mug habang ang isang kamay naman ay nakatukod sa may lababo. Walang emosyon ang mukha nito, parang isang robot na nakatayo sa harapan niya.

"S-sorry po Sir.."

Nakayukong inabot niya ang lagayan ng kanin at ulam. Sumandok siya sa nilutong caldereta at inihain iyon sa di-salaming lamesa. Isang plato lang ang kinuha niya para dito. Ng makitang maayos na ang lahat ay saka niya hinarap ang Binata na kanina pa nakasunod ng tingin sa kaniyang ginagawa.

Lumikot ang mga mata ni Lauren, he has that talent to make her uncomfortable with his sight. Hindi siya makatingin dito ng maayos."K-kumain na p-po kayo Sir."

Hindi ito sumagot, bagkos ay nilagpasan siya at umupo sa bakanteng silya. She was about to step back when he spoke using his so sexy voice."I didn't mean to scare you last night."

Nanumbalik muli sa ala-ala niya ang nangyari kagabi. She understand, he's just drunk that night and beside ay naka-iwas naman siya. Akala niya ay hindi nito naalala ang tagpong iyon ngunit mali siya.

"A-ayos l-lang po."Mahina niyang sabi.

"And one thing you should know. You're my private Attendant, your duty is to go with me in a Travel not to cook for me nor do something that not connected to your Job. Are we cleared with it Ms. Mendoza?"

"Opo S-sir. P-pasensya na po."

Mas lalo pang nadagdagan ang kahihiyan niya. Hindi niya sinasadyang pagsilbihan o ipagluto ito, nasanay lamang siya sa ganoon. May kong anong kirot siyang naramdaman ng makita kong paano nito kuhanin ang inihanda niyang ulam at itapon sa trash bin.

Pinaghirapan niya iyong lutuin. Ngayon niya napatunayang totoong wala itong pakialam sa nararamdaman ng iba. Masama ang ugali, pero kahit ganoon alam niyang may tinatago parin itong kabaitan.

Sana.

Tipid na ngumiti siya ng tumingin ito sa kaniya. Nadismaya siya ng tinalikuran siya nito at binangga sa balikat. Pumikit siya at huminga ng malalim. Mabuti na lamang at may itinira pa siya sa nilutong ulam. Siya na lamang ang kakain niyon.

She has that attitude na kaya niyang i-appriciate ang effort ng ibang Tao para sa kaniya. Maliit o malaking bagay man iyon. Ngayon pa lang ay nakikita na niya ang malaking kaibahan nilang dalawa ng Binata.

Imbis na isipin ang ginawa nitong pagsasayang sa niluto niya ay umupo na lamang siya at kumain. After eating her breakfast, she decided to arranged her things. Ng maiayos na niya ang mga gamit niya ay saka naman niya hinanap ang dalang mga libro na paborito niyang basahin.

Sa tuwing wala siyang ginagawa o lakad ay pagbabasa ang pinagkakaabalahan niyang gawin maliban sa pagluluto. Wala naman siyang ibang gagawin kaya iyon na lamang. Pumuwesto siya sa parihabang sofa, ipinatong ang mga paa habang yakap ang malambot na unan.

Nakita pa niya ang Binata na maayos na nakasuot ng suit bago tumingin sa gawi niya. Inilihis kaagad niya ang tingin. Ang huli niyang narinig ay ang pag-click sa pintuan tanda na nakalabas na ito sa inuukupa nilang room.

Napailing siya at pinagpatuloy ang pagbuklat ng pahina sa libro. Good thing at naisipan niya iyong dalhin lalo na at nandito lamang siya sa loob buong araw. Hindi din naman siya lalabas kaya at least may pagkakaabalahan siya kahit papaano.

Bago din siya nag prepare sa flight na ito noong nakaraang araw ay naitanong niya sa Agency kong may rules bang ibinigay ang Boss niya pero wala naman kaya kahit papaano ay wala siyang dapat na ikabahala.

Tanging flight services lamang ang gagawin niya para dito ang nothing else unless he'll ask for something na dapat niyang gawin habang nasa paliparan sila.

...

BEYOND LUSTWhere stories live. Discover now