"Cali. May naisip ka na ba'ng topic? Kasi bukas na 'yun." I smiled at her.

"Laura, wala pa. I'm sure meron ka naman naisip na, baka pwede na 'yun." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis.

"Ganun ba? Sige. Send ko sayo sa Messenger, check mo na lang."

"Sige Laura."

Nakaramdam ako ng galit at inis dahil sa sinabi ni Cali. Ano 'yun? Brainstorming pa lang hindi na siya tutulong? Paano pa kung gagawa na per chapters? Sana naman tumulong na siya.

Hindi ko na napigilan na tumawag kay Nico. "Hello? Are you busy?" I asked.

"No. What is it?" He asked.

"Kasi yung ka-pair ko sa thesis, ayaw magbigay ng topic niya!" I sounded like a child. "Do you think she'll help me naman sa process?"

"I don't know? Pero dapat ngayon pa lang tinutulungan ka na niya ah?"

"I know. It pissed me off. Kung pwede lang kasing trio, kasama na ako kila Pipa. Kaso pair lang eh."

"Kalma, love. Do you want me to come there?"

"No. May pasok ka. Just focus on your studies first, magagalit nanaman Mom mo niyan sayo."

"Okay fine. Let's date tomorrow. I won't accept a No." He laughed.

"Fine." The call ended just like that. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral ng quiz ko bukas. Buti na lang konti na lang ang Math, hindi na masyadong mahirap. Kaso nga lang, may Thesis.

Dahil anniversary na namin next week, gumawa na rin ako ng mga letter. Hindi ko siya mabilhan ng mga mamahalin na regalo dahil nagtitipid ako, kaya letter na lang. Sigurado naman akong ma-appreciate ni Nico 'yun.

Nung maggabi na ay nanood lang ako ng mga vlogs ni Kryz Uy. I always tell myself that I want a love like Kryz and Slater. They are both genuine to each other and I hope I find it as well. Actually I found it on Nico and I hope we lasted for a lifetime.

Kinabukasan ay nalate ako ng 10 minutes sa klase. Nakalimutan kong mag-alarm, buti na lang tinawagan ako nila Pipa. "Ano ba pinagkakaabalahan mo? Dalas mo yata malate." Si Pipa na natatawa. "Andiyan pa rin ba dalaw mo?"

"Wala na. Napagod lang ako kagabi siguro."

"Nako! Ano ginawa mo?" Noreen asked and she teasingly smiled.

"Nag-isip ng topic pa."


"Teh! Hindi talaga nagbigay?"

"Hindi eh. Ang sabi niya okay na 'yung akin."

"Hampasin ko yan eh." I laughed.

Nung Thesis subject na namin ay pumunta kami sa mga partner namin. Ang sabi ni Ma'am ay mag discuss muna raw kami ng plano about the topic and such. Inexplain ko bawat isa sa kanya ang mga naisip kong topic. Umaasa ako na may mga reaksyon siya bawat salita ko, pero wala.

"So far ba, may nagustuhan ka sa mga sinabi ko?" I asked. "Pwede kang mamili tapos 'yun ang gamitin natin for our Thesis."

I waited for her response. Ang tagal bago niya ako masagot. "Ikaw bahala. Ikaw naman magaling." Sungit talaga! Sana kaya pa ng pasensya ko.

"I'm asking you, Cali. We're a pair here, kailangan ko rin ng tulong mo." I smiled.

"Tulong? Kaya mo na 'yan." She smiled. "Tutal sobrang galing mo naman."

Afternoons in DapitanWhere stories live. Discover now