Minsan nakakapag tampo rin si kuya kasi parang wala rin siyang tiwala sakin kahit na kapatid niya ako.

"Hindi ko pa alam kung ano ang rason niya para mag traydor and mas mabuti na hindi niyo alam para hindi niya mahalata na alam ko na."Sabi niya.

Sabi ko nanga ba yun ang dahilan niya.

"Pero kuya kapag hindi natin pinatahimik ang traydor na yan ay paulit ulit lang niya tayong ta-traydorin."Sabi ko.

"Hindi pa natin siya pwedeng patahimikin hangga't hindi pa natin alam kung ano ang rason niya sa ginawa niya."Sabi niya.

Napatango tango nalang naman ako at hindi na siya pinilit pa na sabihin kung sino yun dahil kilala ko siya kapag ayaw niya hindi mo talaga siya mapipilit. Mana nga talaga siya kay mommy kapag inayaw, ayaw talaga at matigas din ang ulo niya, wala siyang pinakikinggan at sinusunod.

"Pumasok kana sa loob."Sabi niya.

"Ikaw? Hindi kaba papasok? Wag mong sabihin may pupuntahan kananaman?"tanong ko.

"Nah, dito lang muna ako sa labas, aantayin ko sila."Sabi niya

"Samahan nalang kita."Sabi ko dahil hindi ko kayang iwan siyang mag isa.

"Hindi na kailangan, wag kang mag alala sasabihan ko kayo kapag nandito na sila."Sabi niya.

"Hindi ba tayo aalis?"tanong ko kasi kung nag babalak na silang sumugod ay baka kailangan muna naming umalis dito lalo na't hindi pa kami ganon kahanda na harapin sila.

"Nah,Oras na para harapin natin sila pero kung gusto niyong umalis, umalis na kayo."Sabi niya.

"Hindi kami aalis, hindi ka namin iiwan ng mag isa, kakampi mo kami maliban sa nag traydor kaya wag mong iisipin na magagawa naming iwan kang mag isa."Sabi ko.

Minsan nakakainis din si kuya dahil gusto nalang niyang sarilihin ang lahat pero alam ko naman na ayaw lang niya na may nadadamay pang iba. Si kuya kasi yung tipo na palaging iniisip ang kapakanan ng iba parang si Daddy. Na mi-miss ko na talaga sila Daddy at Mommy.

"Pumasok kana sa loob."Sabi ni kuya.

Tumango lang ako saka pumasok na sa loob. Alam ko naman na may isa siyang salita kaya alam ko na hindi siya aalis at sasabihan niya kami pag nandiyan na sila.

"Nasan si Casper?"tanong ni Carrie. Nahihiya panga siya ng itanong niya yun.

"Nasa labas, puntahan mo na siya dahil gusto ka niyang makausap."Sabi ko. Hindi naman talaga siya gustong makausap ni Kuya gusto ko lang na may kasama si kuya sa labas at para mapag usapan narin nila yung tungkol sa nararamdaman nila sa isa't isa.

Nang lumabas nanaman siya ay naupo nalang muna ako saka tiningnan isa isa ang mga kasamahan namin habang iniisip ko kung sino ba sakanila ang traydor.

----

Carrie's POV

Nang sabihin sakin ni Cindy na gusto ako makausap ni Casper ay agad akong lumabas. Nang makita ko siya na nakaupo sa may ugat ng puno ay pinag iisipan ko pa kung lalapitan ko siya. Nahihiya kasi ako dahil sa sinabi ko kanina bago siya umalis kaya nag aalangan akong lumapit. Napabuntong hininga nalang ako bago ko naisipan na lapitan na siya. Bahala na mag dadahilan nalang ako kapag binanggit niya yung sinabi ko kanina, kung bakit ko yun nasabi.

"Uhm" Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Napatingin naman siya sakin kaya naupo nalang ako sa tabi niya.

"Gusto mo daw akong makausap sabi ni Cindy."Sabi ko.

"Wala akong sinabing ganon."Sabi Niya.

So hindi niya pala ako gustong makausap. Niloloko lang pala ako ni Cindy.

DARK HELL UNIVERSITYKde žijí příběhy. Začni objevovat