"Turuan muna kita."Sabi ni kuya saka niya hinagis sakin yung hawak niyang katana kaya napailag nalang ako dahil baka mahiwa ako.

"Kuya!"saway ko sakaniya, bigla bigla nalang kasing hinahagis paano pala kung natamaan ako edi nahiwa ako.

Tumawa lang naman siya saka ako nilapitan. Dinampot niya yung katana na hinagis niya saka niya yun pinahawakan sa'ken atsaka niya ako tinuruan ng mga tricks.

"Pst!"

Nang may sumitsit ay napahinto siya sa pag tuturo sakin saka sabay kaming napalingon dun sa sumitsit.

"Hinahanap ka ng kapatid ko."Sabi ni Casper kay kuya kaya naman biglang lumiwanag yung mukha niya.

"Talaga?"nanlalaki yung tenga na tanong niya saka niya ako binitawan.

Tinaas baba lang naman ni Casper yung kilay niya bilang sagot kaya nag mamadaling umalis si kuya.

Tsk! uto uto talaga si kuya, halata namang inuuto lang siya ni Casper dahil kulang nanga lang patayin siya nito kapag lumalapit siya kay Cindy e kaya alam ko na inuuto lang siya nito at saka nakita kong umalis si Cindy kanina habang tinuturuan niya ako.

Nakita ko naman na natatawang nilingon ni Casper ang nag mamadaling si kuya. Mukhang natutuwa pa siya na nauto niya si kuya. Nang tingnan niya ako ay agad kong iniwas yung tingin ko sakaniya saka ginawa nalang yung mga tinuro sa'ken ni kuya pero hindi ako makapag concentrate dahil alam ko na nakatingin siya sa'ken. Nang mapasulyap ako sakaniya ay nakita ko na agad niyang iniwas yung tingin niya sa'ken at pinag laruan nalang yung hawak niyang santol. Hinahagis niya ito tapos tinatarget nung kutsilyo niya.

"Gusto mong turuan kita?"gulat naman akong napatingin sa nag salita. Si Nethan lang pala.

Mag sasalita na sana ako ng biglang lumapit samin si Casper.

"Ako na ang mag tuturo sakaniya."seryosong sabi nito kay Nethan.

What?! Ako tuturuan niya?

"Hindi na kailangan."Sabi ko ng nakatingin kay Nethan, hindi ko kasi siya magawang tingnan.

Tumango naman si Nethan saka umalis na samantalang si Casper ay nakatayo parin sa tabi ko. Wala ba siyang balak umalis?

Nang maramdaman ko na lumakad siya papunta sa likuran ko ay akala ko aalis na siya pero nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko na may hawak ng katana saka niya ito pinosition.

"Ganiyan dapat."seryosong sabi niya kaya nilingon ko siya saka tiningnan pero agad rin akong umiwas dahil sobrang lapit niya sakin.

"H-hindi mo naman ako kailangan turuan."Nauutal kong sabi. Naiilang kasi ako kaya ako nauutal, bakit kasi sobrang lapit niya sakin? Para nanga siyang nakayakap sa sobrang lapit niya.

Hindi naman niya pinansin yung sinabi ko at sinimulan ng igalaw yung kamay ko. Nang iikot niya ako paharap sakaniya ay bigla nalang akong nagulat dahil sa muntikan ko na siyang masaksak, pag harap ko kasi ay nakatutok na sakaniya yung katana.

"Sira kaba?! Bakit ba bigla mo nalang akong inikot at hinarap sayo e kita mong may hawak akong patalim."Medyo naiinis kung sabi. Kahit na kontrolado niya yung kamay ko ay hindi niya parin dapat ginawa yun kasi paano nalang kung bigla kong nagalaw yung kamay ko edi nasaksak siya.

"It's fine"Sabi niya

"Anong it's fine, it's fine ka diyan paano kung---"pinutol niya yung sasabihin ko.

"Okay lang, handa naman akong mamatay sa mga kamay mo."Sabi niya

Nasisiraan na talaga siya. Kung gusto niya palang mamatay edi dapat nag saksak nalang siya ng sarili niya hindi yung idadamay pa niya ako.

"Kung gusto mong mamatay, wag mo na akong idamay pa!"Sabi ko saka ko hinila yung kamay ko na hawak niya.

Bahagya naman siyang natawa saka lumakad na paalis. Akala ko aalis na talaga siya ng tuluyan pero may kinuha lang pala siya sa kinaroroonan niya kanina saka bumalik.

"Ngayon, subukan naman natin ang mga natutunan mo."Sabi niya

"Hinahamon mo ba ako?"pang gagaya ko sa sinabi niya noon.

Tinaas baba lang naman niya yung kilay niya bilang sagot saka pinosition yung kamay niya na ngayon ay may hawak naring katana. Pumosition narin naman ako saka nauna ng sumugod. Sinasalag lang niya bawat pag espada ko at hindi lumalaban hanggang sa mahawakan niya yung kamay ko at agad na hinila palapit sakaniya saka ako inikot patalikod na kinabilis ng tibok ng puso ko dahil bigla niya akong niyakap habang hawak niya yung dalawa kong kamay na nakahawak sa katana.

"Hindi ka parin talaga magaling."Sabi niya. Hindi ko alam kung pang iinsulto ba yun o ano pero bigla akong nainsulto kaya buong pwersa kong inalis yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko saka mabilis akong umikot at tinutok sakaniya yung katana.

"Paano ba yan talo ka."natutuwa kong sabi.

Ngumiti naman siya.

"Oh diba may natutunan ka sa ginawa ko."Sabi niya

Ngumiti lang naman ako.

"Ngayon tingnan naman natin kung gaano kalakas ang pakiramdam mo."Sabi niya.

"Pagod na ako, pwede bang mamaya nalang."Sabi ko

Umiling naman siya.

"Hindi pwede dahil mamaya sasabak na tayo sa laban."Sabi niya

"Pero---"Naputol yung sasabihin ko ng makita ko sila Mica na nag mamadaling lumapit samin.

"M-may masama kaming balita."Hinihingal na sabi ni Mica.

Ano naman kaya yun?

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now