Tumango naman siya.

"Mag isa nalang ako, Bata palang kasi ako ng mamatay ang mama ko sa sakit niya, ang tatay ko naman ay inabandona ako. Wala naman akong kilalang kamag anak."malungkot na sabi niya.

Nakakalungkot lang isipin na may mga tao na wala ng pamilya at may mga magulang na nagagawang iwan ang anak nila.

"Pasensiya na."Pag hingi ko ng paumanhin.

Nginitian naman niya ako.

"Okay lang."Sabi niya.

Ngumiti rin naman ako.

"Salamat nga pala sa pag tulong mo kay kuya."Pasasalamat ko ng maalala ko yung sinabi ni kuya na siya yung tumulong sakaniya. Hindi ko alam kung sapat naba yung pasasalamat ko sa ginawa niya pero handa naman din akong tulungan siya kung kinakailangan.

"Wala yun."sabi niya kaya nginitian ko ulit siya.

Akala ko nung una masama siya dahil marami na siyang napatay pero hindi naman pala. Ilang beses narin niya akong natulungan kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sakaniya.

"Paano kanga pala napasok sa paaralang ito?"tanong ko.

May pinag hihigantihan rin ba siya kaya siya nandito?

"Simple lang nag enroll ako kaya nakapasok ako sa paaralang ito."pilosopo niyang sagot. Nahahawa na yata siya kay kuya.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin."Sabi ko.

Tumawa naman siya ng mahina.

"Gaya ng iba na curious din ako sa paaralang ito kaya ako pumasok."Sabi niya.

So dala lang pala ng curiosity kaya siya pumasok dito at hindi dahil nag hihiganti din siya.

Napatango tango nalang ako.

"Bakit kanga pala nandito sa labas?"tanong niya.

"Nag papalamig lang e ikaw?"Sambit ko.

"Nag iisip isip. Pumasok kana sa loob dahil masyadong malamig dito sa labas baka mamaya sipunin kapa."Sabi niya

Malamig nga dito dahil madaling araw palang.

"E ikaw? Hindi kapaba papasok?"tanong ko.

"Oo dito muna ako wag kang mag alala naka jacket naman ako kaya hindi ako lalamigin."Sabi niya kaya napatango nalang ako saka tumayo na dahil nilalamig na ako at mukhang gusto niyang mapag isa.

"Hmm Carrie"tawag niya sa pangalan ko ng akmang aalis na ako kaya napatingin ako sakaniya.

"Bakit?"tanong ko

"Ah Wala sige pumasok kana sa loob."sabi niya pero mukhang may gusto siyang sabihin, hindi niya lang masabi.

"Kung may gusto kamang sabihin, sabi---"naputol yung sasabihin ko ng bigla siyang tumayo saka ako niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya pero niyakap ko nalang din siya pabalik saka tinapik tapik yung likod dahil mukhang may mabigat siyang dinaramdam.

Nang bumitaw nanaman siya sa pag kakayakap sakin ay bumitaw narin ako saka ako napatingin sa may pintuan ng dorm dahil may narinig ako na pag sara ng pinto kaya akala ko may lumabas pero wala naman akong nakita.

"Sorry"pag hingi niya ng paumanhin.

"Okay lang, kung may problema ka nandito lang ako."Sabi ko.

Napatango tango lang naman siya.

"Sige pasok na muna ako sa loob."paalam ko. Ayaw ko man siyang iwan mag isa dito ay mukhang gusto naman niyang mapag isa kaya pumasok nalang ako sa loob.

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now