"Ano?! Bakit mo binaba yung daliri mo? Wag mong sabihing may nakahalikan kana?"Sabi sakin ni kuya.

"Ibababa ba niya kung wala."pang babara ni Cindy kay kuya.

"Yeah, may ISA KASI DIYANG bigla bigla nalang nanghahalik."Sagot ko kay kuya. Diniinan ko pa talaga yung 'isa kasi diyan' para malaman niya na siya yung tinutukoy ko saka ko siya sinulyapan.

"Sino kaya yun?"Kinikilig na sabi ni Mica kahit na mukhang alam na niya kung sino yung tinutukoy ko dahil kami kami lang naman ang nandito.

Tiningnan naman ni kuya si Casper.

"Wag mong sabihin na ikaw ang nag nakaw ng first kiss ng kapatid ko?"tanong ni kuya kay Casper.

"Paano kung sabihin kong ako nga?"sambit ni Casper

"Aba talagang hindi mo tinanggi."Mukhang naiinis na sabi ni kuya. Mukha lang siyang naiinis pero parang hindi naman talaga siya naiinis.

"Kasi siya talaga."Natutuwang sabi ni Cindy.

Natutuwa pa talaga siya na hinalikan ako ng kapatid niya huh samantalang ako kapag may hinahalikan si kuya ay naiinis ako dahil kung sino sino nalang ang hinahalikan niya, mahalaga pa mandin para sakin yung kiss kaya nga gusto ko na ang maging first kiss ko ay yung lalaking pakakasalan ko kaya lang may nag nakaw na ng first kiss ko.

"Bakit mo yun ginawa huh?!"tanong ni kuya

"Dahil gusto ko."sagot ni Casper

Dahil lang sa gusto niya kaya niya yun ginawa? Damn mahalaga pa mandin para sakin yun tapos sakaniya parang wala lang.

"Aba talagang! Pigilan niyo ako at masasapak ko ang lalaking ito."Sabi ni kuya na ngayon ay nakatayo na.

Wala namang pumigil sakaniya.

"Tama nanga yan! Next na"medyo naiinis na sabi ni Casey. Naiinis ba siya dahil hinalikan ako ni Casper?

Naupo nanaman si kuya kaya napailing iling nalang ako. Ang lakas ng loob niya,takot naman pala. May pasabi sabi pa siyang hindi niya hahayaang gawin sakin yun ni Casper at mamamatay muna ito bago pa mahawakan kahit na dulo ng daliri ko e takot naman pala siya.

"Put a finger down kung takot kang mag mahal."Sabi ni Casper

"Kahit na nag mahal na ako parang natatakot parin ako ngayon kaya."Sabi ni Cindy saka niya binaba yung daliri niya. Binaba ko rin naman yung aken dahil natatakot talaga akong mag mahal. Actually sa kaakibat talaga ng pag mamahal ako natatakot at yun ay ang masaktan.

"Now it's my turn."nakangiting sabi ni Cindy "Put a finger down kung naamin mo na sa taong gusto o mahal mo na gusto o mahal mo siya."Sabi ni Cindy saka niya tiningnan si Casper.

Nag baba naman si Kuya,Julius,Mica ng daliri pati na siya.

Nawala naman yung kaba ko dahil isang daliri nalang ni Cindy yung nakataas. Mukhang okay lang naman sakaniya na matalo, saken kasi hindi dahil ayaw ko ngang sumayaw kaya nga kinakabahan ako kanina dahil dalawa nalang na daliri yung nakataas sakin.

"Put a finger down kung may ne-reject kana."Sabi ni Nethan

"You mean binusted?"tanong ni Casey

Tumango lang naman si Nethan bilang sagot. Binaba naman ni kuya at Casper yung daliri nila syempre pati ako dahil may mga binusted narin ako noon.

"Put a finger down if---"pinutol ko yung sasabihin ko dahil wala akong maisip.

"Ano?"naiinip na tanong ni kuya.

"Teka lang naman, nag iisip pa ako."Sabi ko

"Kung wala kang maisip ako na."Nag mamadaling sabi ni kuya na mukhang may binabalak kaya siya nag mamadali. Subukan lang talaga niya na ipatalo ako, makakatikim talaga siya saken.

DARK HELL UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon