CHAPTER 5

14 2 0
                                    

"How are you? Ngayon pa tayo muling nagkita after ng kasal n'yo." Nakangiting sabi nito.

"Okay lang naman po." Nahihiya kung sabi dito. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan. Kaya hindi ako mapakali lalo't wala si Tyler. 

"Galing ako sa office ni Tytler. He was so busy. Kaya naisipan ko dalawin kita lalo't mag-isa ka lang dito." Habang tinitingnan ko siya ay nakikita kung nakuha ni Tyler ang kanyang mata.

"Ano gusto n'yo po? Coffee or juice?" Tanong ko dito.

"Huwag na yan. Aalis din naman tayo." Nginitian ako nito.

"Po?" Nagtataka kung tanong dito. Naguguluhan ako sa sinabi nito.

"Araw natin ito ngayon. Kaya magbihis ka na." Excited na sabi nito sabay mahinang tinulak ako para umalis.

Hindi ko man alam kung saan kami pupunta ay nagmamadali ako umakyat para magbihis. Tinawag ko muna ang isa sa mga katulong namin upang maasikaso siya. Sa kamamadali ko ay hindi ko na nabalikan iyong gamit ko sa garden. Siguro ipapakuha ko na lang iyon.

Kung ano una ko nahawakan sa closet ay iyon na sinuot ko. Sinuklayan ko lang buhok ko at hinayaan nakalugay ito. Naglagay din ako ng light lipstick bago ako bumaba.

You are so beautiful." Masiglang sabi nito ng makita ako. "Let's go.." Tumango lang ako dito. Nagulat ako ng hawakan ako nito sa braso at sabay kami lumabas. 

Nakita ko naman agad ang isang itim na Maserati at  isang lalaking nakatayo malapit sa sasakyan. Nang makita kami nito ay nagmamadali kami nitong binuksan.

Gusto ko magtanong kung saan kami pupunta, pero nahihiya ako. Noong kasal namin kulang siya unang nakita, natatakot akong magkamali din. Baka malaman niya nagpapanggap lang ako.

"Ano ba hilig mo?" Tanong nito sa akin habang nasa biyahe kami.

"Magbasa?" Patanong na sagot ko. Hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko. Maybe she will find me boring or nerdy, like other people say.

"Oh! You like books. Alam mo iyong anak ko na si Renz ay mahilig din sa libro. Unlike his brother, nasa business ang hilig. Renz wants to be a lawyer. Kahit gusto ko business ang ipakuha sa kanya pero ayaw ko itong mapilitan mag-aral sa hindi niya gusto." Pagkwento nito sa akin.

Naisip ko tuloy na sana ganyan iyong ibang magulang. Hayaan ang anak magdesisyon sa gusto na kurso. Sana ganyan din sana si mommy. Hindi ipilit iyong gusto niya. Ang sarap kaya mag-aral kapag iyong pangarap mo maging ang kinuha mo.

"Renz is lucky." Mahina kung sabi.

"No, hija. Im so lucky with my two sons. They give us happiness. Kayong mga anak biyaya binigay sa amin. At saka gusto ko maging masaya ang mga anak ko.I am just here to support their dreams and desires in life." Masayang sabi nito. 

Tiningnan ako nito. "I know Kath is also supporting your dreams. That's mother roles." Natatawang sabi nito.

"Opo.." Maikli kung sagot. Kahit ganoon si mommy hindi ko naman siya kayang siraan sa paningin ng iba. Ina ko pa rin siya. I love her.

"Nandito na tayo, ma'am." Sabi ng driver nito.

"Alam mo pangarap ko talaga may anak na babae para masama ko sa ganito. Pero alam mo na lalaki ang anak ko pareho. Pero ngayon nandito ka na." Hinawakan ako nito upang lumabas na ng pagbuksan kami ng driver nito. 

Sumunod lang ako dito at pumasok kami sa isang salon.

"Mrs. Lim.." Masayang tawag ng isang babae. "Oh! Sino itong maganda mong kasama?" tanong nito sabay ngiti sa akin.

Switch BrideWhere stories live. Discover now