CHAPTER 1

34 4 1
                                    

"Akira, are you sure about this one? I can help you escape." Nag-alalang sabi ni daddy sa akin habang inaayusan ako. I know how much daddy despises this type of set-up. But my mother insisted. She doesn't want to lose our business.

Hindi na kasi nagpakita si Kanae. Iwan namin kung saan ito nagtago at hindi mahanap. Kaya wala akong choice, kung hindi ang sundin si mommy.

Masama ba na sundin ko si mommy para lang mahalin niya ako. Para naman kahit sa kanyang mga mata ay may nagawa akong tama at natulungan ko siya. Para hindi na niya sabihin na wala kaming kwentang anak. Iyong hindi na niya ipapamukha sa akin na nagsisisi siyang pinanganak kami.

"Don't worry, dad. I'm okay.." I smiled and hugged him. Kahit sino siguro ay iisipin na kabaliwan itong gagawin ko. Iyong magpapanggap ako na si Kanae at pakasalan ang lalaking hindi ko naman kilala. Hindi ko man lang nakita ito sa personal at tanging sa picture lang.

Kapalit kasi ng pagtulong nito sa negosyo namin ay napili ng lalaki na ito ay pakasalanan siya ng kakambal ko. Iwan ko ba kung bakit niya gustong-gusto ang kakambal ko na makasal ito sa kanya. Baka bet talaga nito si Kanae.

Alam ko naman na tutol si Kanae sa kasal na ito dahil may nobyo ito. Kaya siguro tumakas at naglayas ito para hindi makasal sa lalaking hindi naman niya mahal. Kahit sino naman ay nangarap na ikakasal sa taong mahal niya. Sa aming dalawa ni Kanae siya ang mahilig sumuway sa gusto ni mama habang ako naman ay sunod-sunuran upang makuha ang loob ni mama. Sinuway ko lang siya noong hindi ko gusto ang kurso na pag-aralan ko.

Bata pa lang ako ay pangarap ko na maging isang doktor. Kaya noong gusto ni mama na BSBA ipapakuha sa akin ay hindi ako sumunod. Kinuha ko ay BS Biology dahil pangarap ko talaga ang medisina.

Bumalik lang ako sa realidad nang tapikin ako ni daddy. Nagpaalam na ito sa akin bago ito lumabas. Napatingin naman ako sa aking sarili sa salamin habang inaayusan ako. Hindi ko na makilala ang aking sarili. Akalain ko ba naman ay gaganda pa ako ng ganito. Hindi kasi ako iyong babae na pala-ayos sa sarili dahil buong atensyon ko ay nasa pag-aaral.

Pero ngayon ay ibang-iba na Akira ang nakikita ko sa salamin. Halos hindi ko nakilala ang aking sarili dahil sa ginawa nito sa mukha ko. Halata naman talagang mayaman ang mapapangasawa ni Kanae, dahil sobrang bongga ang kasalan na ito. Marami din mga bisita na imbetado at halos ay malalaking tao dito sa lipunan.

Kaya labis ang galit ni mommy ng malaman na tumakas si Kanae dahil mapapahiya ang buong angkan namin. Sigurado ako pati ang pangalan na pinagkaiingatan nito buong buhay.

"Ang ganda n'yo naman, Ma'am Kanae.." Nakangiting sabi ng babae na nag-ayos sa akin. Pilit akong ngumiti dito, siguro dapat ko na sanayin ang sarili ko na tawaging Kanae. Simula ngayon ay hindi na ako si Akira kung hindi ang kakambal ko na si Kanae.

"Pakibilisan na, magsisimula na ang kasal," sabi ng wedding coordinator.

"Tapos na ito ma'am.." Tiningnan ako nito at nag-thumbs up. May sinabi ito bago lumabas.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Kinakakabahan ako, maraming tumatakbo sa aking isipan. Paano kung malaman nito na hindi ako si Kanae. Pero sabi naman ni mommy ay isang beses lang nito nakita si Kanae at magkapareho talaga kami ni Kanae ng hitsura kaya hindi kami nito mahahalata.

"Hali na kayo, ma'am. Magsisimula na ang kasal. Naghihintay na iyong groom." Kinikilig na sabi nito. Kaya napangiti ako dito at tumayo. Dahan-dahan ako naglakad at inalayan naman ako nila dahil nahihirapan ako sa aking suot. Sa pagkaka-alam ko ay pinagawa pa sa France itong suot ko.

Habang nasa labas pa ako ng simbahan ay kinakabahan ako. Gusto ko tumakbo at umalis na lang. Hindi ito ang plano ko sa buhay. Kaya nga hindi ako pumasok sa relasyon kahit ang daming nanliligaw sa akin dahil gusto ko muna maging isang doktor bago pumasok d'yan. Ayaw ko rin pag-awayan namin dahil wala akong oras dahil nasa pag-aaral ko lahat ang atensyon ko. Ayaw ko ng may kahati sa career ko.

Switch BrideWhere stories live. Discover now