CHAPTER 3

14 1 0
                                    

Hindi ako makalingon dahil sobrang kaba iyong nararamdaman ko. Baka dahil dito ay maghinala si Tyler. Kinakabahan akong malaman ang tinatago naming sekreto.

"Oh! You're here, honey. I thought you were with your friends. Tyler and Kanae are here. They come to see us. Our daughter is missing us." Masiglang sabi ni mommy. 

"K-Kanae.." Nauutal na sabi ni daddy. Nilingon ko siya at nakita kung pilit ito ngumiti.

"Sorry about that, Tyler. Itong asawa ko kahit kailan ay nalilito pa rin sa kambal ko. He just missed our other daughter." Kahit nakangiti si mommy at nakikita kung iba ang sinasabi ng kanyang mga mata.

"It's alright. Napagkamalan din siya kanina ng katulong n'yo. Siguro dahil magkamukha sila," sabi ni Tyler. Nakita kung sumulyap siya sa family picture namin.

"Yeah! Even their previous teacher and classmate are confused. Oh! Kanae, do you want to eat something?" Abot tenga ang ngiti ni mommy pero walang kislap ang mga mata. Alam ko naman iniba lang nito ang usapan. Hindi ako tinanong nito dahil concern siyang gutom ako o may gusto kainin. Gusto lang niya maiba ang usapan at mawala iyong tungkol sa kakambal ko.

"Anything, mom." Maikli kung sagot.

"Okay, I will tell them to cook your favorite food." Nakangiting sabi ni mommy at nagpa-alam ito saglit.

"Kumusta ka na anak?" Tanong ni daddy ng maka-alis si mommy.

"Okay naman, dad. Inaalagaan naman ako ni Tyler. How are you doing, Dad? Are you all right?" 

"I am alright, swetie. No need to worry." Nagulat ako ng yakapin ako nito, ramdam ko ang labis na pagka--miss nito. "I am happy that your husband takes care of you. Thank you, Tyler," saad nito ng humiwalay sa yakap namin.

Inaya kami ni daddy lumabas para magpahangin na rin. Nasa tabi ako ni Tyler habang naglakad-lakad kami. Abala ito sa pag-uusap nila ni daddy. Minsan hindi ko maintindihan ang topic nila. Tahimik lang ako nakikinig at paminsan-minsan ay sa mga bulaklak ang paningin ko.

"Nasaan po ba ang kakambal ni Kanae? I didn't even see her at our weeding or at a special event." Nakuha naman nito ang atensyon ko at napatingin ako dito. Nakita ko naman ang gulat sa mukha  ni daddy. Halatang hindi nito alam kung paano sasagutin si Tyler.

"She was busy with her study." Ako na sumagot para sa kakambal ko.

"Oh! I am hoping to see her soon. So I can see what your differences are. Also, why do people always think she's you?"  Hindi ako magkapagsalita sa kanyang sinabi. Narinig ko ang pagtikhim ni daddy kaya napalingon ako dito. Nakita ko ang pagkabahala sa kanyang mukha.

Sa mga tao nakakilala talaga sa amin ay hindi naman talaga mahirap makilala kung sino kami, kahit magkapareho kami ng mukha. Sa pananamit at kilos palang ay magka-iba talaga kami ni Kanae. Magka-iba rin ugali namin at mga gusto namin. 

"Magkamukha kasi," maikling sagot ni daddy at dinaan sa tawa.

"That is extremely difficult. But even though they are twins, they have some differences."

"Mukhang hinanap na tayo ni mommy. Let's go back inside." Pilit kung pag-iba sa usapan. Mabuti naman at napaniwala ko sila. Nakita ko naman ang tingin ni daddy na mukhang kinakabahan din.

Pagpasok namin ay agad naman kami sinalubong ni mommy. Nakangiti ito at agad tumabi kay daddy.

"Food is ready." Tuwang-tuwa na sabi nito. Nagtungo kami sa may kainan at nakita ko ang nakahanda na pagkain.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa dami ng pagkain nakahanda o malulungkot dahil sinabi niya ipapaluto niya ang paborito ko. Kahit isa sa pagkain ay wala akong paborito. Baka hindi lang talaga alam nito ang mga gusto at ayaw ko kahit ina ko pa ito. Nasaktan ako dahil umasa ako.

Switch BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon