CHAPTER THIRTEEN 💋

Começar do início
                                    

"Enough with that 'Sir'!" inis nitong sabi at natawa ako ng mahina.

"Kahit na ikaw pa ang pinaka hindi selosang tao sa buong mundo, I just want you to feel na ikaw lang, ikaw lang ang gusto ko." sabi nito at napalunok ako sa mga naririnig ko.

Lumayo ito ng konti sakin para matitigan niya ako, naramdaman ko nalang na nasakop na pala nito ang labi ko, pumikit ako, ini-upo niya ako sa may desk ko kaya napahawak na ako sa may balikat niya.

"Ever since our first kiss, the only sweetness I crave is the one that comes from your lip." sabi nito sabay kagat ng mahina sa labi ko.

"Really? Paano mo nasabi? Eh kapag hinahalikan ka ni Jeneza?" tanong ko at natawa naman siya.

"Hindi daw siya selosa." sabi nito.

"Nagtatanong lang naman eh." sabi ko at ngumiti siya at umiling.

"Only your kiss that I want to taste forever.." sabi nito at bumitaw na ako.

"Sige na, baka langgamin na tayo dito." pangaasar ko pero kanina pa talaga ako kinikilig sakaniya .

Bigla namang may kumatok kaya nailayo ko kaagad siya at inayos ang sarili ko.

Marahang binubuksan ng nasa labas ang doorknob ngunit ni-lock nga pala kanina ni Jace ang pintuan, tiningnan ko siya at pinabalik sa pwesto nito dahil baka maghinala sila.

Lumapit na nga ako sa pinto ng makaupo na si Jacw sa pwesto nito at pinagbuksan kung sino ang kumakatok at naginhawaan ako ng makitang si Sheena lang 'yon.

"Bakit nakalock?" mahinang tanong nito at nagpatay malisya lang ako.

"Ah. Eh. Nalock siguro kanina..." sabi ko nalang pero napansin ko ang pagtaas ng kilay nito sakin na tila hindi ito naniniwala.

"An-Ano palang kailangan mo?" pagiiba ko dahil baka magingay ito.

"Sasabihin ko lang sana na nasa labas ang Cousin ni Sir kaso hindi ko muna pinapasok." saad nito na kinakunot ng noo ko at tumingin sa likod ko.

"Eh bat hindi mo nalang papasukin ha?" mahinang tanong ko. Actually mahina lang talaga ang usapan namin ngayon ni Sheena.

"For approval ba? Eh kabilin-bilinan kaya ni Sir na wag basta-basta magpapasok ng kung sino kahit sabihin na related siya dito." sabi nito at bumuntong hininga ako.

"Sige sabihin ko, wait lang." saad ko at tumango ito at nilapitan si Jace.

"Bakit daw?" tanong nito.

"May bisita ka daw, brother mo daw, papasukin ba namin." tanong ko at sumeryoso ang mukha nito.

"No need, just tell him to leave." sabi nito at tila nagprocess pa sa utak ko ang sinabi nito at saka tumango-tango at binalikan si Sheena.

"Ano daw sabi?" tanong nito.

"Sabihin daw na umalis daw ito." sabi ko at huminga ito ng malalim saka tumango-tango.

Pagbalik ko sa pwesto ko ay tiningnan ko agad si Jace at tila nawalan ito ng mood, bumuntong hininga nalang ako.

_______

AFTER WORK ay inayos ko na ang gamit ko, ang sabi kasi ni Jace kanina ay ihahatid daw niya ako at kakausapin si Mama tungkol sa amin.

"Jace." nakangiti kong tawag dito pero napakagat ako sa ibabang labi ko ng makitang may kinakausap ito sa phone niya at tila aburido ito.

"Okay, fine." rinig kong sabi nito saka in-end ang call at huminga ng malalim.

"Is there a problem?" tanong ko at natuptop ko ang bibig ko, dahil nagiging formal nanaman ako sakaniya buti nalang hindi nito napansin.

"Something came up, mahal." sabi nito at napayuko ako para itago ang kilig ko ng tawagin ako nitong 'Mahal'

Lumapit 'to sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Hahatid na kita sainyo pero baka sa susunod ko nalang kakausapin ang mama mo, may nangyare lang talaga." sabi nito at tumango ako saka ngumiti sakaniya.

Hinalikan niya ako sa noo at lumabas na kami sa office na hawak nito ang kamay ko, ayos lang naman dahil kaming dalawa nalang naman dito sa opisina at deretso na kami sa parking.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan nito at nahihiya naman akong magtanong, baka isipin nito na kabago-bago palang namin ay nangingielam na ako sa personal life niya.

"Stop staring at me, mahal." sabi nito saka ngumiti sakin.

"Obvious ba?" natatawa kong tanong at tumango ito.

"Im, fine, dont mind me." sabi nito at tumango muli ako at ibinalik na ang tingin ko sa labas.

One Night stand with Mr. CEOOnde histórias criam vida. Descubra agora