CHAPTER ELEVEN 💋

Start from the beginning
                                    

Kinakamot-kamot ko na ang hita ko at pinapalo na yun dahil sa mga dumadapong lamok sakin, malas naman e.

Nakayuko ako ng may huminto sa harap ko na sasakyan. Pagangat ko ay nakita ko siya, hindi ito nakatingin sakin pero ibinaba nito ang salamin sa bintana.

"Wala kang balak sumakay?" tanong nito at hindi naman ako nakaimik kaya huminga ito ng malalim at bumaba ng sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Gusto mo pabang buhatin kita, Solene?" tanong nito at napakurap ako saka inayos ang bag sa balikat ko at tumayo na.

Dahan-dahan akong lumapit sa kotse nito at sumakay na kasunod nun ay sumakay na din ito.

Inayos nito ang suot kong seat belt ng hindi ko ito ikabit.

Napaiwas ako ng tingin ng titigan niya ako. Narinig ko ang paghinga nito ng malalim.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan ng biglang tumunog ang phone ko kaya nilingon ko muna ang nasa tabi ko saka kinuha ang phone ko sa bag at nakitang si Patrick 'yon.

Agad kong sinagot at tumikhim muna ako bago nagsalita. "Bakit?" tanong ko.

"Anong bakit? Anong oras na 'te, hindi ka pa nakakauwi?" tanong nito.

"Were waiting for you." sabi nito.

"Sorry na, pauwi nadin ako, wag mo na akong pagalitan pa." sabi ko.

"Hay nako ka talaga Ate.." sabi nito.

"Sorry na nga kasi, pakisabi nalang kay Ma--"

Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng bigla itong bumisina ng malakas.

"Ate, bakit?" tanong ni Patrick.

"Ahh eh--W-Wala, sige na mamaya nalang, bye." sabi ko at binaba na ang tawag .

Tiningnan ko ang seryosong si Sir Jace.

"Kaya ba ayaw mo sakin?" bigla nitong tanong na kinatitig ko sakaniya.

"What?" tanong ko.

"Ayaw mo sakin kasi may iba kang gusto, edi sana hindi mo nalang ako kinausap ng gabing yun kahit na kinakausap kita..sana iniwasan mo nalang ako." sabi nito.

"Hindi kita maintindihan, Sir Sxyto." sabi ko.

"Well, ako lang naman ang umasa nasa muli nating pagkikita ay magkakaroon tayo ng chance, kaya hindi masisisi." sabi ko at napakunot ang noo ko at napatingin sa bintana, ano bang sinasabi ng lalaking 'to.

Nanlaki naman ang mata ko..teka..iniisip ba nito na? Napatingin ako sa hawak kong cellphone saka natawa ng mahina.

Tiningnan niya ako. "Anong nakakatawa, Solene? Nakakatawa ba na nababaliw ako sa'yo." sabi nito at napalunok ako.

"Nope." sagot ko na lamang.

Huminga ito ng malalim at inihatid nalang ako sa bahay namin.

Bumaba na ako at sumunod siya pero nakita ko si Patrick na naglalakad palapit samin.

"Patrick?" tanong ko.

"Bakit ngayon kalang? Kanina ka pa namin inaantay ah?" tanong nito.

Napapikit ako, bakit ngayon pa umiral ang pagiging walang galang sakin ni Patrick, lagot ka sakin.

"Ahh sige po, salamat sa paghati---"

"Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa boyfriend mo?" tanong nito at nagkatinginan kami ni Patrick. nagkatitigan kami na tila nagtaanong siya sakin pero pinandilatan ko lamang siya.

"Boyfriend?" tanong ni Patrick saka natawa ng mahina.

"Ahh okay, sige-sige. Ako nga pala si Patrick,nice meeting you par!" natatawang sabi nito kaya agad ko siyang siniko.

Napaikot ang aking mata, bahala na.

"Sir he's n---"

"Nako par, pasensya kana, naistorbo ka pa ni Solene pero maraming salamat sa paghatid sakaniya, mahal na mahal ko kasi ito, ayokong may mangyare sakaniya." sabi nito na lalong kinairap ko at kinurot-kurot siya sa likuran niya.

Natawa ito. "G-Ganun ba, walang anuman, mauna na ko." sabi ni Sir Jace.

"Hep hep hep, sandali lang, death anniversary kasi ni Papa sumalo kana samin." at nanlaki ang mata ko, sheeems nakalimutan ko, sorry Pa.

"Papa? Akala ko ba---"

"Ahh oo, anokaba, Papa din tawag ko sa tatay ni Solene, alam mo na being maginoo is sooo wunderpol!" sabi nito.

Agad ko siyang siniko. "Ano kaba naman, ." inis kong sabi.

"Ano kaba naman, ganun din yon, sige na par, sumalo kana samin, sige na tara na, pumasok ka at magpakarami." sabi ni Patrick, lagot ka talaga sakin mamaya.

Pagpasok namin ay halata sa mata nina Nanay ang pagtataka.

"Pasok  kayo." sabi ni Mama saka tumingin sakin.

"Salamat po." sabi nito at tumingin sakin pero ang lintek kong kapatid inakbayan ba naman ako at inamoy-amoy ang buhok ko.

"Ate, next time dont used tita's shampoo, ang antot e. amoy gurang" mahinang bulong nito at sinamaan ko siya ng tingin.

"May halong aloe vera kasi yan, wag ka ngang magulo." saad ko.

" are you Sure its aloe vera at hindi gurang-vera?" tanong nito at tiningnan ko siya ng nkasimangot.

"Ewan ko sayo, lumayo ka nga sakin, baka makalimutan kong kapatid kita!" inis kong sabi dito ng mahina.

"Kalimutan mo munang kapatid mo ako, natutuwa ako diyan kay brother-in-law  e." sabi nito na kinasama ng expression sa mukha ko.

"Ano ba kayong dalawa dyan, kanina pa kayo bulungan ng bulungan, magsiupo nga kayo." sabi ni Mama kaya siniko ko na si Patrick para lumayo na siya sakin.

Nagdasal muna kami para kay Papa saka inalayan ito ng pagkain saka na nagaya si Mama na kumain.

"Sir kain na po, Trisha, pakiasikaso ang boss mo." sabi ni Mama kaya tumango pero.

"Mom, ako na ho bahala sakaniya, ayokong mahirapan ang mga kamay ni Solene." sabi ni patrick sabay kuha nun at halik pero iniwanan pa ng laway, yuck, kadiri talaga tong kumag na to.

Pinagtinginan naman kami ni Nanay na tila nalilito siya sa inaasta ng kapatid ko, arghh!!



-Sorry po ngayon lang nakapag upload ang inyong Magandang Author😁
-mitchaanngg

One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now