Chapter 46: Let's play numb and dumb

Magsimula sa umpisa
                                    

Gumapang ako paalis sa ilalim ng kama saka dahan-dahang tumayo. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon sa mukha ko, sa halip ay nanatili akong nakatitig sa mga mata ni Tatang habang pinapagpagan ang mga tuhod ko.

"Magandang araw po. Kanina ko pa po kayo hinihintay." Giit ko.

"Maupo ka." Aniya at ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang isang wheel chair.

"Layuan mo siya! Ako ang kunin mo! Putangina mo!" Narinig kong nagsisisigaw si Dustin, naririnig na niya siguro ang sinasabi ko.

"Teka? Andiyan na naman siya?! Sisa happy thoughts! Isipin mong nalaglag si Ponzi sa kanal!" Sigaw naman ni Jojo na ako na ngayon ang pinapayuhan.

Bago pa man may masabing mali ang dalawa ay naupo na lamang ako sa wheel chair at hinayaan si Tatang na itali ako rito hanggang sa hindi na ako makagalaw.

Naririnig ko paring sumisisigaw sina Dustin at Jojo pero nagbingi-bingihan na lamang ako habang itinutulak ako ni Tatang palabas sa kwarto at patungo sa kung saan niya man ako dadalhin.

***

Napasinghap ako nang tuluyang iniangat ni Tatang ang ulo ko mula sa bathtub na punong-puno ng tubig. Napakasarap sa pakiramdam na nakakahinga na ulit ako kaya naman paulit-ulit akong sumisinghap-singhap, ninanamnam ang bawat hanging nalalanghap ko. Halos magkulay pula na ang tubig matapos humalo rito ang dugo na mula sa mga sugat ko. Napakahapdi ng buo kong katawan dahil sa mga sugat ko at napakasakit na ng dibdib pati narin ng lalamunan ko.

Humawak ako ng mahigpit sa bawat gilid bathtub at pinagmasdan ang nakakapanlumo kong repleksyon sa tubig.

 "Alam mo bang hindi dapat magsama ang mga babae't lalake sa pasilidad pero dahil sayo napilitan kong ipaghalo-halo ang mga pasyente ko!" Nagngingitngit niyang sambit habang napakarahas parin ng hawak sa ulo ko. "Dahil sayo napilitan akong sunugin ang pasilidad na itinayo ko para lang sa inyong mga babae! Hinayaan kitang mabuhay dahil sa pag-asang nakita ko sayo pero sa huli nagsinungaling ka ulit!" Muli niyang inilublob ang ulo ko sa bathtub kaya naman napahawak ako ng mahigpit sa mga kamay niyang nakahawak sa ulo ko. Ilang sandali pa'y muli niyang iniangat ang ulo ko at sa pagkakataong to'y marahas niya akong tinulak hanggang sa mapahiga ako sa sahig. Ubo parin ako ng ubo at pilit na hinahabol ang hininga ko.

Lumapit si Tatang sa isang mesa at kinuha ang notebook ko. Binuklat niya ang mga pahinang may mga mura at sinupalapal ito sa mukha ko kaya hindi ko na napigilan pang maiyak... sa inis.

"Sorry po nagsinungaling ako!" Giit ko sa pagitan ng bawat pagsinghap at hikbi ko, "Aaminin ko, hindi ko po talaga kayo nakalimutan. Nagsinungaling lang ako sa mga kakilala ko na wala akong naalala kasi ayokong malaman nila ang tungkol sa programa. I realized that all this time, you were only doing this for my good and for the good of others! I want to protect the program! I want to protect you!" Tinitigan ko siya sa mga mata habang umiiyak, "Kung hindi mo ako kayang patawarin... sana naman maniwala kang ginusto ko lang protektahan ang programa kaya ako nagsinungaling."

Nakita ko ang unti-unting pagbuka ng mga nakakuyom na kamao ni Tatang.... Oh fuck he's buying it. The bitch is buying it!

"Pero nagmumura ka parin." Walang emosyong sambit ni Tatang pero at least ngayon, hindi na niya ako pinagtataasan ng boses.

"Masama po ang magmura, yan ang turo mo sakin at kailanman hindi ko 'yon kakalimutan." Giit ko.

"Kung ganun anong ibig sabihin ng mga nakasulat diyan sa notebook mo?" Tanong niya kaya naman gumapang ako patungo sa notebook at tiningnan ang laman nito.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon