Chapter 46: Let's play numb and dumb

Magsimula sa umpisa
                                    

"Come on dude, we need some laughs. We can't let our spirits die. Happy thoughts!" Giit ko.

"Hoy hoy ano nga real name ni Jojo?" Tumatawang sambit ni Dustin.

"Jorino Jomomo! Hands down, that name is osummm!" Pagmamalaki ko at narinig ko namang tumawa ang dalawa. Oyy, dapat natats si Jojo, I complimented him... which is kinda rare... just like his kind.

"Yung totoo Jojo? Ano nahithit ng nanay at tatay mo?" Tawa ng tawa si Dustin, "Aray sandali sumasakit na sikmura ko kakatawa." Dagdag pa niya.

"Nahithit?" Sarkastikong tumawa si Jojo, "Para sa kaalaman niyo, ang pangalan ko ay pinaghalong Japanese at Indian. Fan ng anime ang nanay ko samantalang fan ng Indian Cricket team ang tatay ko.  Ano? Mindblown kayo no?" Pagmamalaki nito dahilan para lalo kaming magtawanan. What the heck, infareness unique.

"Ano pangalan ng kuya mo?" Tanong ni Dustin.

"Toshino Tororo!" Pagmamalaki ni Jojo kaya halos maiyak na ako kakatawa. Toshino Tororo, okay may nase-sense akong Japanese vibe sa name kaso biglang naging Toro. Oh dear lord, bless this family.

"Kahit anong gawin niyong tawa, hindi parin maalis ang katotohanang cool kaming mga tirador!" Pagmamalaki ni Jojo, "Maganda rin pangalan ng ate Gigi ko, Gashni Gomimi! O diba ang cool?!" Dagdag pa niya.

"Teka bakit naging Gigi?" Tanong ni Dustin.

"Oo nga, Jorino Jomomo equals Jojo. Toshino Tororo equals Toto. Paanong naging Gigi ang Gashni Gomimi?" Tanong ko habang nakadapa parin sa ilalim ng kama.

"Eh mga bobo pala kayo eh!" Bulyaw ni Jojo, "Hindi adik ang nanay at tatay ko para tawaging GAGO ang ate ko!" Dagdag pa nito.

Oo nga naman, may point nga naman si Jomomo. But that nickname would sound cool though.. cooler than Gigi.

"Iba talaga ang kamandag ng mga Tirador!" Tawa parin ng tawa si Dustin, "Ano pangalan ng tatay mo? Pang pokemon din ba?" Dagdag pa nito.


"Ikaw ang mukhang pokemon!" Sigaw ni Jojo, "Ben ang pangalan ng tatay ko!" Pagmamalaki pa nito.


"Ben Tirador? Diba yan yung electric fan?" Tumatawang sambit ni Dustin at sa isang iglap ay kapwa kami natahimik ni Jojo.


Ilang sandaling nanaig ang katahimikan, nabasag lamang ito nang muling sumigaw ang ngayo'y inis na inis nang si Dustin.


"Ano ba?! Nakakatawa 'yon! Tumawa kayo!" Giit niya.

"Jojo tatawa ka? Tatawa ako kung tatawa ka!" Biro ko.

"Tara maghanap nalang tayo ng Dragon Ball!" Sabi pa ni Jojo.

"Sige pagkaisahan niyo ako, matatalino lang ang natatawa sa joke ko!" Pagmamalaki ni Dustin.

Magsasalita pa sana ako nang bigla kong maramdaman ang isang malamig na kamay na humawak sa paa ko. Oh fuckydy fuck.

"Sisa ba't bigla kang natahimik diyan?" Narinig kong sambit ni Dustin pero hindi na ako kumibo pa.

"Nahimatay na sa husky voice ko! Eargasmic ata to!" Pagmamalaki ni Jojo.

Huminga na lamang ako ng malalim at idinikit ang mga palad ko sa sahig. "'Wag mo na po akong kaladkarin. Kusa po akong lalabas." Walang emosyon kong giit dahilan para unti-unting bumitaw ang mga kamay ni Tatang mula sa paa ko.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon