"Quit staring, if you don't have a place to sleep for tonight—just for tonight, you can come over to my house"

he's offering his place for me? really?
o baka naman may masama syang balak sakin kaya nya ako niyayaya sa bahay nya? what if—

"Wala akong balak sayo, and one more thing... Hindi kita type"

W-what? ano raw? hindi type? what the heck? at paano nya nalaman ang nasa isip ko?

"O-okay" ang tanging salita na nabitawan ko,

"Anong okay?" he asked,

"Okay, sasama ako sa bahay mo n-ngayong gabi. Bukas na bukas ay maghahanap ako ng a-apartment"

Hindi na sya sumagot, nagpatuloy pa kami sa paglalakad ngunit tumigil na naman sya,

"Hindi ba kasya sa bag mo 'yang pana mo?" tanong nya,

Oo nga pala, dala dala ko ang bow and arrow ko,

"Bakit?"

"Anong iisipin ng mga tao kapag nakita nila 'yan? na isa kang mangangaso?" masungit na saad nya,

Itinago ko na lang ito sa bag ko para wala nang problema, buti na lang ay malaki ang dinala kong bag,

Nagulat ako nang itaas ni Nix ang kamay nya tapos biglang may humintong sasakyan sa aming harapan,

Ginaya ko naman ang ginawa nya at may sasakyan din na huminto sa aking harapan, ang galing!

"What the heck are you doing?" tila naiinis na saad ni Nix at hinila ako papalapit sa kanya,

"Pasensya na po manong, magkasama po kami" saad nya dun sa nagmamaneho ng kotse na huminto sa harapan ko, napakamot naman ito ng ulo at umalis na,

"Sakay na" sabi ni Nix pagkabukas nya ng pintuan ng sasakyan,

"Ako? ngunit ikaw ang tumawag dito" nagtatakang tanong ko,

Bakit ako ang pinasasakay nya eh sya naman ang hinintuan ng sasakyan?

"Just ride woman" seryosong saad nya kaya naman sumakay na lang ako, at sumunod naman sya sakin,

"Sa may ruby apartment, Amethyst Street" wika ni Nix sa driver,

"Magandang gabi po! Ako po si Xyrelle, makikituloy po ako sa bahay nila Nix ayos lang po ba sa inyo yun?" tanong ko sa driver at tila nagtataka ito sa aking sinabi,

"What the—can you just please shut your mouth up woman?" naiinis na wika ni Nix,

"Bakit? masama ba na magpaalam ako sa taong ito? hindi ba dapat lamang na alam ng taong malapit sayo kung sino ang patutuluyin mo sa iyong tahanan?" I pouted, paano ay tinawanan lang ako nung driver,

"You're unbelievable" napahilot sya sa kanyang sentido, "He's not close to me, at hindi nya kailangang malaman kung sino ang patutuluyin ko sa bahay ko. He's a taxi driver, binabayaran sya para ihatid ang mga tao sa gusto nitong puntahan" dagdag nya,

"Taxi Driver? kung gayon ay ang mga kamay mo ang may kapangyarihan na makapagpatigil dito? dahil nung itaas mo kanina ang kamay mo ay bigla na lamang huminto ito sa harapan mo, makapangyarihan ba ang mga kamay dito sa bayan? ano pa ang kayang pahintuin ng kamay?"

napakamot naman si Nix sa tainga nya at hindi na ako sinagot pa, hindi na rin ako nag tanong dahil mukhang magagalit na talaga sya,

maya maya lamang ay tumigil na ang sasakyan, inaasahan kong pagbubuksan nila ako ng pinto ngunit umasa ako sa wala kaya naman ako na mismo ang nag bukas nito at bumaba na,

"Napakaliit pala ng iyong bahay" hindi ko napigilan ang aking bibig nang makapasok kami sa tahanan nya na kasing laki lamang ng aking walk-in closet, pero malinis ito at maaliwalas. May isa rin itong maliit na kwarto, kusina at sala.

"Sa kwarto ka matutulog, dito ako sa sofa. 'wag na 'wag kang gagalaw ng kahit na anong bagay sa kwarto ko, dito sa labas ang banyo kung kailangan mo" itinuro nya sa akin ang kwarto at binuksan ito, bumungad naman ang amoy ng panlalaking pabango sa kanyang silid, malinis din ang kwarto nito at maayos na nakaligpit ang kama at may dalawang unan,

"Ahh, Nix" tawag ko sa kanya bago pa sya makalabas,

"Need anything else?"

"W-wala wala, just wanna say thank you for letting me stay tonight" yun lamang at isinara ko na ang pintuan ng kwarto.

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now