Ikalabingdalawang Inis

4.5K 200 13
                                    

BABALA: Medyo madrama. Medyo lang. Malulungkot ka pero hindi ka iiyak XD Saka may isang mura.


____________________________________


S: Hahahaha! Cute mo tangina. Normal sa'ming mga lalaki 'to 'wag kang ano diyan. Ano na? Tuloy mo na. Anong nangyari nung nasira mo 'yung lens?

A: Kainis ka! Hindi nga nasira 'yung lens. Pero stranger 'di nga, na-L ka sa'kin kagabi?

S: Haha. Parte ka lang. Nanonood kasi porn 'tong kapatid ko kaya naririnig akong ungol, nakikinood ako habang magka-chat tayo. Tas kung ano-ano pa sinasabi mo. Putsa. Bakit ba sinasabi ko sa'yo 'to? Magkwento ka na nga lang!

A: Grabe. Ganyan pala talaga kayong mga lalaki?

S: Isa. Magkwento ka na lang. Kalimutan mo na 'yun. Ayokong isipin mong binabastos kita. 

A: Aba? Kailan pa naging mahalaga sa'yo kung anong tingin ko sa'yo?

S: ...

S: ...

S: Magkwento ka na.

A: Hmp! Sige na nga. Ayun nga, picture picture. Tapos syempre andun mga parents namin. 

A: Tapos dumating 'yung parents ni thesis partner. First time kong makita parents niya kasi nasa States sila. Umuwi lang para sa grad. Para ngang familiar mukha nila, eh.

S: Wala kong pake sa kanila. Ang gusto kong malaman kung pano kayo pinahiya.

A: Ayun. 'Yung thesis partner ko kasi niyakap nung adviser namin, ako hindi. Iniisip kasi nung adviser namin wala akong itinulong. Tumulong naman ako. Nagpuyat din ako, nabaliw din ako. Kaya nga lang minalas ako 'di ba? 

A: Hanggang sa kumalat sa buong mundo na wala akong naitulong sa thesis.

S: Buong mundo? Bakit 'di ko nabalitaan?

A: Stranger naman, eh!

S: Haha. Sige, game ulit.

A: Tapos sabi ng Mommy niya, deserve daw ni thesis partner na mayakap ng adviser namin kasi pinaghirapan niya raw 'yung thesis na 'yun, siya lang daw naghirap du'n.

A: Alam mo 'yung pakiramdam na sinabi niya 'yun na alam naman niyang naririnig ng magulang ko?

A: Ang sakit, stranger. Sobrang sakit. Ako? Walang naitulong sa Thesis? Putsa, Stranger! Umiiyak ako 'pag nagta-type dahil nga sumasakit kamay ko. Gabi-gabi nilalagnat ako, pero pinipilit ko pa ring makatulong.

A: Hindi ko siya iniwan nung panahong halos ikamatay na namin ang paggawa. Andun ako...lagi. Magkasama kaming na-stress, napagod, na-frustrate, na-disappoint. Naintindihan ko siya noong panahong nagkasakit siya. Tapos nung ako 'yung nagkasakit bigla siyang mang-iiwan sa ere? Bigla na lang niyang ipapamukha sa lahat na wala akong naitulong?

A: Putangina naman niya, Stranger. Sagad sa buto! 

A: Ang sakit sakit. Sorry, Stranger. Out muna ko. Nanginginig na mga kamay ko sa galit. Hnd n k mktype ng ayos bye


________________________________


MAY MATINO AKONG STORY BAKA GUSTO NIYONG BASAHIN. SPIN THE BOTTLE ANG TITLE XD CLICK NIYO NA LANG EXTERNAL LINK. MATINO 'YUN PROMISE. WALANG MURA DU'N BWAHAHAHA. BASAHIN NIYO PARA PARE-PAREHO TAYONG SUMAYA XD AYUN LANG, BABAY! GANDA KO <3 HAHAHA.

Hi, Stranger (EPISTOLARY) Where stories live. Discover now