Chapter 01: Elevator (August, 1994)

14K 283 146
                                    

August, 1994

QUEENIE

"MAMAAAAA!"

Umiyak ang batang lalaki na na sinusundan namin sa pila dito sa Jollibee, karga-karga siya ng Mama niya. At umiyak din ako, sabay kaming umiyak dalawa.

Dahil dito, napatingin sa amin ang ina nu'ng batang lalaki at napatigil naman sa pag-uusap sina Mama at Papa. Karga ako ni Mama at si Papa naman ay karga si Kuya.

"Bakit, baby boy? Why are you crying?" tanong nu'ng nanay ng batang lalaki sa anak niya.

Pasinghot-singhot na sumagot 'yung batang lalaki. "Siya po kashi, Mama! Pinalo niya po ako sa balikaaaaaaat!" sabay turo sa Kuya ko.

Nagalit tuloy 'yung nanay nu'ng batang lalaki kay na Mama at Papa. "Hindi niyo ba napalaki ng tama 'yang anak niyo?! Bakit namamalo ng mas bata sa kanya?"

"Teka lang, Misis, 'wag niyo namang kwestyunin ang pagpapalaki namin sa bata. There might be a reason kung bakit pinalo ng anak namin ang anak niyo," sabi ni Mama, pagkatapos ay tinanong niya si Kuya. "What happened ba, Quentin?"

"Mama, it's not my fault po!" depensa ni Kuya. "Siya po kasi," tinuro niya 'yung batang lalaki, "kinurot niya sa pisngi si Quenie! You told me po na I should protect my little sister!"

Lalo akong naiyak dahil sa sweetness ni Kuya. Pinalo niya 'yung batang lalaki dahil kinurot ako nu'ng bata.

"Ayun naman pala, eh! 'Yung anak mo ang may kasalanan!" giit ni Mama.

"Why did you pinched her cheeks kasi, baby boy?" tanong nu'ng Mama niya sa anak niya.

And then the little boy looked at me, his eyes are sparkling from tears and he really has a beautiful eyes that can capture the heart of anyone. He looked at me with sincerity and then he answered, "Ang cute cute po kasi niya kaya kinurot ko siya."

...

June, 2006

"NAKIKINIG ka ba sa'kin, Queenie Millicent Fontanilla?"

Bumalik ako sa realidad nang nagsalita si Theo. "H-Ha?"

"Hindi ka naman nakikinig sa'kin, eh! Nasasayang lang oras ko!"

"Oy, nakikinig ako, ah!"

"Sige, anong sinabi ko?"

"Hehe. Nalimutan ko na. Hehe. Kailan pa ko nagkaroon ng short memory gap?"

Napailing na lang siya. "Makinig ka kasi sa'kin. Nagpapaturo ka sa Calculus hindi ka naman nakikinig."

"Eto na po, makikinig na po."

Muli niya kong tinuruan sa Calculus. Pero wala naman akong pake sa Calculus, eh. Whatever study I made, I always fail so useless din. Excuse ko lang 'to para makasama ko siya, para mapagmasdan siya, para mapalapit sa kanya nang ganito kalapit. Ang ganda-ganda talaga ng mga mata niya... Napakapungay, para laging inaantok, parang laging iiyak.

He is King Theodore Dakila. He is my long time crush.

Crush ko na siya simula mga bata pa lang kami. To be exact, I like him since the day he stared at me sincerely and told me that I'm cute daw. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yun. I was 4 years old then, siya naman ay 5, at si Kuya Quentin naman ay 7.

We first met at Jollibee, and since then naging magkaibigan na rin ang parents namin ni Kuya at ang Mama niya. And since then too, naging magkaibigan kami and eventually we became best of friends. Mula Kinder parehas kami ng school, hanggang ngayong College na kami, parehas pa kami ng course.

Spin the Bottle (August 1994-September 2017)Where stories live. Discover now