Ikatlong Inis

7K 274 17
                                    

S: HOY ANO NA? GISING KA NA BA? ITULOY MO NA KWENTO MO!
S: HOOOOOOOY! GUMISING KA NA NGA! GUSTO KONG MALAMAN 'YUNG SUNOD NA NANGYARI SA'YO!
S: HOOOOOOOOOOY!
A: Wow, Stranger! Sobrang intense!
S: WALAKANGPAKE! ITULOY MO NA!
A: Tas ayun, inabot kami ng magdamag sa computer-an. Madaling araw na kami nakauwi.
A: Napasa ko naman 'yung research paper, pero nilagay ko pa rin pangalan ng mga kagrupo kahit wala naman silang natulong. Baka isipan na naman kasi nila ko ng masama pag di ko sila isinama.
A: Akala ko matatapos na ang kalbaryo ko,
A: hindi pa rin pala.
A: Syempre balik sa cold war sina Mama at Papa.
A: Tapos sumakit ngipin ko.
S: WATDAFAK?! PARANG SUMAKIT LANG NGIPIN MO DINAMDAM MO AGAD?!
A: Hoy grabe ka! Kung alam mo lang hirap na dinanas ko nun! Kulang na lang buong ulo ko ipabunot ko! Hindi na ko makapagsalita ng maayos dahil sa sakit ng ngipin ko!
S: Haha ayos ah! Kaaliw ka! O tapos? Anong ginawa mo?
A: Sinubukan kong ipabunot, kaya lang hindi mabunot. Naka-apat na turok na ng anesthesia pero damang-dama ko pa rin 'yung sakit.
A: Dalawang araw na lang bago ang graduation ko no'n pero 'yung ngipin ko ayaw pa atang grumaduate.
A: Kaya no choice kundi ipa-root canal na lang, yung tinanggal ang ugat para wala nang naramdamang sakit.
S: Subukan mo na rin lang kayang ipa-root canal 'yang puso mo nang mabawasan naman hinanakit diyan.
A: Hugot 101 with stranger.
S: ULOL! Ano na sunod?
A: Edi ayun, naka-attend akong graduation, nakamartsa pa rin ako.
S: Edi wow.
A: Kaya lang di ako makakanta. Hindi kasi ako makapagsalita ng maayos dahil nga sa ngipin ko.
S: Atlis naka-attend ka.
A: Ay linyek! Yung niluluto ko sunog na! Mamaya ulit, Stranger!

Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon