Chapter 1: Neither the beginning nor the end

4 0 0
                                    


I have always been a hopeless romantic girl, overlooked and unnoticed by others. I have often found myself trapped in one-sided situations. However, I have now grown confident in my ability to capture his heart and make him mine.

My heart keeps pounding as I saw an advertisement that our favorite singer will have a concert in our city. Keyla is one of his favorite singer who also happens to be one of my favorites. It's an opportunity for me to get closer with Krace, I've been always admiring him.

The crush I've had on Krace dates back to our seventh-grade days when we were classmates, and still we're not that connected to each other, but I don't want it to stay like this forever. I will take a risk, and get closer.

Matagal ko ng gusto sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, and this is my plan to capture his heart. I hope it works.




"Krace!" Tawag sa kanya ng kaklase namin na si Precious sabay lapit sa kanya at lumabas silang dalawa. 

Magnakaw lang ng tingin ang kaya kong gawin kasi nahihiya ako kausapin siya.Masyado siya perfect para sa akin. Napakalayo namin sa isa't isa kahit nasa harapan ko lang siya. 

Mabait, matangkad, matalino at gwapo siya. Sobrang layo namin kaya impossible na makikita ninyo kami na magkatabi habang nakahawak ang mga kamay.Mawawalan siguro ako ng hangin kung susubukan kung lumapit sa kanya. The pressure is too much, haha.

"Ayan na naman siya, nagnanakaw ng tingin." Sabi ni Lily, kaibigan ko. 

"Bakit hindi mo kasi lapitan." Sabi ni Rary habang sinusuklayan niya ang kanyang buhok. 

"Ang layo niya kasi." Sabay naming sabi ni Lily."Paulit ulit mo na yan sinasabi." Sabi ni Lily. "Malayo kasi hindi ka lumalapit." 

"Baka hindi ako makahinga." Sabay naming sabi ni Rary."Pang ilan mo na rin yan sinabi." Dagdag niya. 

"Baka mapagod lang ako at masaktan." Sabi ko. "Hoy, bago na ito ah, hindi paulit ulit." Biro ko. 

"Ni-rephrase mo lang." Sabi ni Lily habang kinakain ang kanyang chips. "Pero di ka sure. What if gusto ka rin niya?" 

Nagiging assumera tuloy ako pag kasama ko sila. 

 "Oo nga. Nakita namin siya tumingin sayo kanina." Rary agreed. "Nung tinawag ka ni ma'am nga lang." Bulong niya. 

"Omg, diba crush ka rin non noh?" Tumingin muna si Lily kay Rary bago tumingin sa akin. 

"Impossible. Kung gusto niya ako dapat matagal na niya ako nilapitan. At saka wala naman siyang reason lapitan ako eh. Look at me, parang hindi ako bagay sa kanya." Sagot ko sa kanila. 

Nilawayan ni Lily ang kanyang daliri na may cheese at tinrapo sa tissue. At saka hinawakan ang aking ulo palapit sa kanya. "Anong walang reason? Hoy, teh! Fyi, maganda ka noh? At saka bulag siya kung hindi niya yun makita noh." Sabi niya. 

"Kadiri ka! Yung kamay mo, Lily." Sabi ni Rary at binigyan ako ng tissue. Tinrapo ko naman sa mukha ko. "Pero tama si Lily, Elyse." Tinignan niya ako sa mata. 

"But, that's not what I feel." Napatingin ako sa baba.

"Then, you should make a reason to feel it. Tignan mo yung sarili mo, Elyse. You are great and I hope you can see it." Rary smiled at me. 




Naglalakad ako pabalik sa classroom namin pero napahinto ako nung tawagin ako ni ma'am Pia. Siya ang guro namin ngayon kaya laking kaba akong tumingin sa kanya."Elyse, pwede mo ba akong tulungan dalhin ito sa classroom niyo." Sabi niya at tinignan ko naman yung mga libro namin na nakalagay sa table. 

Ngumiti naman ako. "Sige po ma'am." Dinala ko yung libro pero hindi ko na kayanan kaya hinati ko. 

"Ah! Krace!" Tawag ni ma'am sa kanya at napatingin naman ako sa likod. "Parang hindi kaya dalhin ni Elyse ang lahat. Pwede bang ikaw ang magdala sa iba?" 

Sa tingin niyo po ma'am kaya kung dalhin ang sobrang karami na libro parang mas mabigat pa ito sa akin eh. 

Lumapit naman si Krace sa tabi ko at bago niya dalhin ang mga libro ay kumuha siya ng tatlo sa dala ko. "Kaya mo yan baka gusto mo ako ang magdala sa iba?" Tanong niya at sabay ngiti. 

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. "Kaya ko na ito." Sabi ko at sabay sunod kay ma'am Pia na pupunta sa classroom namin. 

Sumunod naman siya kaya dinalian ko ang paglalakad ko."Ang cute mo maglakad." Sabi niya na kinagulat ko dahil hindi ko inakalang makakahabol siya sa paglalakad ko. 

I mean hinabol ako? Pero why? Ayh nagaassume lang yata ako.Wait, cute? Sinabi niyang cute ako? 

"Huh?" Tanong ko. 

"Wala." Sabi niya na nakangiti at nauna na maglakad sa akin. 

Ayh nagmamadali lang pala pumunta sa classroom dahil nabibigatan sa libro. Napakaassumera ko talaga. 

Nang makarating kami sa classroom ay nilagay namin ang mga libro sa table."May ipapagawa ako sa inyong report, by row siya." Sabi ni ma'am Pia matapos isauli sa amin ang mga libro namin. 

Napatingin naman ako kay Krace na nasa harapan ko."Magkagrupo kami?" Bulong ko. 

"Kayo dito, group 1. Page 34-46, yan yung irereport ninyo." Sabi ng guro namin. "Group two, page 47-59. Group three, page 60-73." Sabi niya.

Nang matapos niya ibigay sa amin ang irereport namin ay namili siya ng leader.Si Krace ang leader namin."Form a circle kayo ng mga kagrupo niyo para magplano." Dagdag niya. 

Hindi kami ang magkatabi pero siya ang kaharap ko."Try niyo magsearch ng ibang information tungkol nito and study it." Sabi ni Krace habang nakatingin sa libro. "Except kay Elyse. Pwede ikaw ang gagawa sa ppt? Nagustuhan ko kasi yung last time na kayo ang nagreport. Pero isa-study mo pa rin yung report natin ah." 

Bigla lumakas ang pagtibok ng puso ko lalo na't naka tingin siya sa mata ko. 

"Huh? Ikaw yung gumawa nun hindi ba si Jacey?" Napakunot noo si Alice. 

"Ah ako yung gumawa non." Sagot ko at tinignan niya ako ng masamang tingin."Pero ini-myday ni Jacey na ginagawa niya yun." Sabi niya at napataas yung kilay ko. 

Wala nga siyang inambag eh. Wow! Ako pa yung nagmukhang walang tinulong ah. Ako kaya gumawa sa lahat pati linya nila. 

"No, I noticed that it was Elyse's name written as the owner of the presentation. I saw it on Jacey's myday." Sagot ni Krace sa kanya. "Elyse is a creative person. So, I trust you with this." He looked at me softly. 

"Ano yung part namin?" Tanong ni Jason. 

"Find an information na wala sa libro natin para ma expand natin at ma elaborate. At saka hindi lang si Elyse ang magtatrabaho sa presentation." Sagot niya. "She will design it pero hindi lahat na information ay siya ang maglalagay, dapat tulungan rin natin siya. Did you understand it? Baka may questions kayo?" 

"Wala na." Sagot nila."We need to finish as early as we can, ah. I need to see pa kung paano kayo magreport." 

Krace is very perfectionist. He wants everything to be perfect. He likes perfect. 

"Baka may suggestion kayo? Ikaw, Elyse?" Tanong niya. 

"Ahm, ano. What if magpalaro muna tayo sa kanila bago i-discuss yung report natin? Syempre yung may konek sa report natin." I suggested, and he smiled. 

"I like it." Sagot niya habang nakangiti na tumitingin sa akin. 

Paulit ulit sa utak ko yung pagsabi niya ng "I like it."Feeling ko sasabog na yata ako dahil sa saya. Napaisip ako na baka tama talaga yung sinabi ni Lily na crush rin niya ako? What if he likes me too?

The Enigmatic Bloom: The Hidden RoseWhere stories live. Discover now