Chapter 69

2.2K 88 3
                                    

Luhan's POV


Nakalabas na ng Hospital ang Daddy ko at hindi na nalugi ang company namin, tinulungan ng mga magulang ng EXO at SNSD ang company namin. Lalo na ang pamilya nina Tiffany kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila.


Nandito kami sa room namin, medyo mainit kasi si Tiffany kaya sinamahan ko dito sa room.


"Sige na Luhan, pumunta ka na doon." Kanina niya pa ako pinipilit na makisama sa iba sa labas, eh sa ayaw ko naman siyang iwan dito.


"No, and that's final. Aalagaan kita." Sabi ko sa kanya habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko, nakahiga kasi ang ulo siya sa braso ko.


"Sorry ha." Napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka.


"Kasi hindi ka makasama sa iba gawa ko." Dugtong niya, nginitian ko naman siya at hinalikan sa ulo.


"Ano ka ba, asawa kita kaya ikaw ang mas priority ko. Tsaka, matagal pa naman ang uwi natin." Paliwanag ko, ngumiti naman siya at yumakap sakin.


"I love you Luhan ko." Bulong niya saka ako hinalikan sa pisngi.


"I love you too Pani ko." Sabi ko at yumakap rin sa kanya.


Hyoyeon's POV


Nandito kami ni Lay sa malapit sa dagat, may dance showdown kasi na nagaganap. Hindi naman kami sumali, nanunuod lang.


"Ang boring naman nila." Bulong ko kay Lay, napatawa naman siya ng mahina.


Nagulat nalang ako ng tanggalin niya ang akbay sakin at tumungtong doon sa platform na ginawang stage.


"OMG! Ang gwapo sis oh!"

"Gal! Ang pogi naman niyan!"

"Ang hot, shet!"


Sinamaan ko naman ng tingin yung mga nagbubulungan, makapantasya sila sa Lay ko, may-asawa't anak na 'yan! -____-


Tumaas narin ako ng platform, naghiyawan naman ang mga lalaki. By pair kasi dapat, ayaw ko naman na iba ang maka-pair ng asawa KO.


"Bakit ka tumaas dito Hyo?" Gulat na tanong ni Lay, sinamaan ko naman siya ng tingin.


"Anong gusto mo? Iba ang partner mo?" Inis na tanong ko, walangya talaga 'tong lalaking 'to. -__-


"Nagselos nanaman ang asawa ko, talunin natin yan ha." Tumango nalang ako, ng magsimula ang music ay agad kaming sumayaw.


Andaming hiyawan, Team A kami at Team B ang kabila. Halos para samin ang mga hiyawan at nalaman din nila na mag-asawa kami.


Love Hate? [EXOSHIDAE ff.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon