Chapter 56

2.2K 88 4
                                    

Sunny's POV

Papunta na kami sa napag-usapan namin na tagpuan ng GoF, hindi naman talaga sila ang nakausap namin, yung pinsan ni Suho na si Trisha, nagulat nangalang kami na magpinsan pala sila. -__-

"Nandito na po tayo." Sabi ni Manong, sa isa kaming coffee shop magkikita ng GoF.

"Tara na. Salamat sa paghatid Manong." Sabi ko at bumaba na sa Van, bigla naman akong kinabahan. Wooh! Kaya mo yan!

"Oh Sunny, kinakabahan ka ba?" Biglang tanong ni Taeyeon, tumango nalang ako.

"Kaya natin yan." Sabi niya kaya naman medyo napanatag ako, kung nandito lang sana sina Xiumin.

Narrator's POV

Pumasok na ang Girls sa coffee shop at mukhang nagulat ang GoF na makita sila, hindi naka-disguise ang girls pero hindi naman sila pinapakialamanan ng mga tao.

Bakit sila nandito? Biglang tanong ni Trisha sa kanyang isip, muntikan na siyang mapasigaw ng tumunog ang phone niya.

[Please pinsan, mag-usap kayo ng SNSD para magkaayos na ang lahat.] Sabi ng kanyang pinsan na si Suho at binaba ang tawag. 

Napapikit naman siya ng mariin, naiinis siya sa kanyang pinsan dahil ang sabi nito ay ang EXO ang makakausap nila.

"Girls of Flowers." Napatingin sila sa seryosong mukha ni Taeyeon, ang ibang members naman ay gulat ng makita ang SNSD.

"Mag-usap tayo." Malamig na sabi ni Sica, nangilabot naman sila sa lamig ng boses nito.

Umupo na sa harap nila ang SNSD, nasa dulong parte sila ng coffee shop para walang makapansin sa kanila.

"Anong kailangan niyo?" Kalmadong tanong ni Trisha pero sa loob loob niya ay kinakabahan siya dahil sa mga serysong itsura ng Girls.

"Gusto lang namin na makipag-ayos sa inyo." Panimula ni Seohyun, napataas naman ang kilay ni Sugar.

"Makipag-ayos? Ha! At bakit naman?" Malditang tanong nito, pero hindi nalamang siya pinansin ni Seohyun.

"Ako na ang nakikiusap sa inyo mga unnie, please naman huwag niyo na kaming guluhin at magkaayos na sana tayo." Pagtutuloy ni Seohyun, bigla namang kinalibutan ang GoF dahil sa pagtawag ni Seohyun na 'unnie' sa kanila.

"Gusto niyong magkaayos tayo?" Tanong ni Hellen gusto sana siyang barahin ni Hyoyeon pero pinili niyang hindi nalang.

Sabay-sabay tumango ang Girls, ngumisi naman ng nakakaloko si Hellen.

"Ibigay niyo samin ang EXO at umalis na kayo sa Entertainmnet niyo." Nakangising sabi ni Hellen, lumaki naman ang mga mata ng girls.

"No." Matigas na sagot ni Sica, pero nananatiling walang emosyon ang mukha niya.

"Then umalis na kayo dito kung hindi niyo kaya." Naiinis na sabi ni Yeri, tumayo naman si Sica at nilapitan sila.

"Kung sila gustong magkayos tayo, pwes ako hindi. Lubayan niyo na kami o gusto niyong bumagsak ang lahat ng meron kayo." Nakakatakot na sabi ni Sica, ang iba ay gusto ng sumuko pero ang iba ay nagmamatigas parin.

"Sa tingin mo matatakot kami sa inyo?" Matapang na tanong ni Sammy, napangisi naman si Sica.

"Bakit, natatakot ka na ba?" Tanong ni Sica, bigla naman siyang tinulak palayo ni Sica kaya nainis siya pero blanko parin ang ekspresyon niya.

Nako, lagot na talag sila kay Sica. Sabi ni Sunny sa kanyang isip at umiling.

"Ayaw niyo? Pwes." Nilabas ni Sica ang phone niya at dinaial ang number ng Dad niya.

Love Hate? [EXOSHIDAE ff.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon