Chapter 1 - Who is she?

10 0 0
                                    

Early duty. Pagod na ako agad hindi pa man nagsisimula ang trabaho. Para bang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Hindi ako tamad ha, I've been doing this kaya for 5 years with no absents nor vacation leaves -- Yes, sometimes even when I'm sick, I still go to work.

Dami na agad chika hindi pa nga nagpapakilala. Hi! I'm Kryzza Lim, 2×, Bisexual. Actually, sometimes I think I'm Pan pero Bi na talaga ang sinasabi ko. I'm currently working as an Admin Assitant sa isang hospital. Dealing with patients is my forte, I must say. Kasi minsan lang ako mapikon LOL

"Bye mga pangit", lagi kong sinasabi pag papasok na ako sa work.

"Mas pangit ka" Sabi ni mama

Trip lang namin mag tawagan ng ganon pero sa totoo lang di talaga ako confident sa physical appearance ko. Di naman na ako nagtatago sa closet pero sometimes I don't know how to react din pag babae o lalaki ang kaharap ko. Medyo takot pa rin mahusgahan but sabi nga 'Know who you are and it will never be used against you', dyan na lang ako kumakapit kahit di ko ma apply minsan.

--

"Ryz, bili ka nga nito sa pharmacy. Sabihin mo kailangan sa clinic."

"Copy po, doc"

Tapos na kaming tumingin ng pasyente kaya kanya-kanya muna kaming errands. May iba pa rin syang ganap. Ang dami ko pang gagawin peri inuna ko na muna yung pag punta sa pharmacy since lagi naming ginagamit yung pinabibili ni boss.

"Good morning, ma'am Ice!! Pautang nga po nito sabi ni doc"

"Utang ka dyan hahaha loka loka ka talaga. Hintayin mo muna be, kukunin pa sa kabila. Upo ka muna"

"Salamuch po! Dito na lang ako, nagpapatangkad naman ako", sabi ko

Minsan parang nangt trip na lang ako sa work kasi pag sineryoso ko ang mga bagay baka di ako tumagal.

Nag slow-mo na naman ang paligid, as usual, kasi first time kong makita itong pharmacist na 'to. Will help you to visualize her ha? Around 5'2 ang height, maputi, matangos ang ilong, hindi galit ang make-up kaya lumulutang pa rin ang true beauty nya, ang ganda ng mata, mukha syang di marunong magalit pero I can sense na topakin haha. Saan to galing? Bakit ngayon ko lang sya nakita sa tagal kong nagta trabaho dito?

"Ito na, ma'am. Ilagay ko na lang sa loob yung change. Lagi lang dapat yan sa ref ha"

"Copy po, mimasaur." sabi ko kay ma'am Ice

Tumalikod na ako pero ayoko nang lingunin si Gandara Park. Di ako makadaldal talaga pag bet ko yung... hayy!

VowsWhere stories live. Discover now