Chapter 43

5.4K 136 14
                                    

Kate POV

"I'm home!"

Tahimik ang bahay ng dumating ako, kaya nagtungo agad ako sa room namin para icheck si Hope.

"Love?"

Pero wala sya dito. Kaya kinuha ko yung cellphone ko para tawagan sya. Mukang off yung cellphone nya kaya napatawag ako kay Monique.

["Kate nandito si Hope sa bahay."]

"god! I'm so worried, pakausap naman sa kanya Monique."

Inabot ni Monique sa kanya yung phone, at ilang saglit lang si Hope na ang nasa kabilang linya.

["Love sorry, nabored lang ako sa bahay kaya pumasyal lang ako dito sa bahay nila Monique."]

"Bakit naka off yung cellphone mo? Di ka tuloy matawagan?"

["Lobat, wala akong dalang charger, eh magkaiba kami ng cellphone ni Monique kaya iba ang charger nya."]

"Wait lang susunduin dyan."

Pinatay ko ang call at saka ako nagdrive papunta sa bahay nila Cyn at Monique. 9 months pregnant na si Hope at naging successful ang IVF in one trial, at sabi sa ultrasound magiging girl ang anak namin. Kaya papanangalanan namin syang Katelyn Noel means pure and lucky dahil sa 7 letters ito at Noel ang second name nya dahil pangalan ito ng Daddy ni Hope.

Nakarating ako sa bahay nila Cyn, naabutan ko sila na nagluluto ng Philippine food.

"Umuwi na tayo Hope."

"Ayoko, mamaya na nagluluto pa nga kami."

"Gala ka ng gala, umuwi na tayo."

Hinawakan ko ang kamay nya kaso ang tigas ng ulo nya at talagang ayaw magpapigil. Nahihiya na ako kina Monique at Cyn dahil halos araw araw nalang syang nandito. May bahay naman syang sarili.

"Hayaan mo na kasi Kate, ganyan talaga ang mga buntis. Alam mo na Hormone cats."

Di na ako nagsalita at binitawan ko nalang yung kamay nya. Niyaya naman ako ni Cyn sa terrace nila at inabutan nya ako ng beer.

"Tutal off duty tayo bukas, chill nalang tayo. Tapos bukas mag swimming tayo pinalinis ko kanina yung swimming pool at pina' disinfect na din."

"Pasensya na kayo ni Monique, Ewan ko ba dyan kay Hope gustong gusto dito naglalagi sa bahay nyo."

"Walang problema Kate, hayaan mo lang si Hope kung gusto nya dito sa bahay, we are family. Kaya welcome kayo palagi dito."

Nag inuman kami ni Cyn, at nakailang beer din kami. Nakakaramdam na din ako ng lasing ng naka tatlong bottle ako, habang si Cyn lasing na din kaya puro tawa na kami pag binabalikan namin yung mga old memories nung college kami. Namiss ko na tuloy si Kai.

Tinawag kami ni Monique para mag dinner kaya tumayo na kami ni Cyn at nagtungo sa dining area. Habang kumakain ng dinner napapabuntong hininga si Hope. Kaya napatingin kami sa kanya.

"Are you okay Hope? May nararamdaman ka ba na masakit?" Tanong ni Monique.

Hinawakan ko yung tyan nya at tinanong sya pero sabi nya na ayos lang daw sya. Nagpatuloy kaming kumain pero hindi ni Hope naubos yung food nya at uminom nalang sya ng tubig saka nakipagkwentuhan kay Monique.

Hindi ako mapakali, pasulyap sulyap ako sa kanya feeling ko kasi may nararamdaman sya. Sabi pa naman ng doctor namin anytime pwede na daw syang manganak.

"Omg!" Sigaw ni Monique.

"What?!" Mabilis kong nilapitan si Hope at pagtingin ko pumutok na yung water nya.

One Night Commitment (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon