Chapter 23

4.5K 151 22
                                    

Kate POV

Isa isa kong tinititigan ang mga photos na pinabigay ni Kai. I can't help but clench my hand in anger and sadness.

Nakakatawa lang isipin dahil ito pala'ng si Kean ang lalake ng mommy ni Hope? Yung lalakeng kasama nya sa scandal photos na sumira sa image nya bilang politician, tapos nung natalo sya sinisi nya kay Hope?

I took the bottle of wine and opened it, when suddenly my phone rang. I immediately grabbed it para tignan pero napa'furrowed brows ako ng makita na unregistered number yun.

Di ko sana ito sasagutin dahil di ko ugali ang sumagot ng call from unknown caller, but something in my heart tells me to take that call.

"Hello?"

["K-kate?..."]

Halos kumabog ang puso ko dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Kilala ko ang boses na yun. At sya nga..

"H-hope? Ikaw ba to?" Di ko na napigilan ang luha ko. At nakaramdam ako ng labis na kasiyahan.

"Nasaan ka? Pupuntahan kita." Muling Saad ko.

"Malapit sa bridge na dinadaanan natin papunta sa bahay nila Happy."

"Hantayin mo ako dyan, pupuntahan kita. Wag kang aalis dyan okay?"

"Hahantayin kita Kate.." She said. She had obvious tremors and fear in her voice.

I sighed and wiped my tears. I quickly took my car keys and drove to the bridge, which she was referring to. Pagdating ko sa bridge mabilis akong bumaba ng sasakyan at inikot ang paningin ko sa paligid, pero di ko sya makita.

Sa gilid malapit sa dulo ng bridge ay may maliit na bahay kubo, kung di ako nagkakamali bahay iyon ng mag'asawang matanda na madalas namin bilihan ng prutas pag napapadaan kami dito. Mabilis ako naglakad papunta sa bahay kubo nila at kumatok.

Ilang katok lang ang ginawa ko at bumukas ang pinto. Pagkabukas ng pinto napatingin ako sa loob ng bahay nila at nakita ko si Hope na nakaupo habang inaabutan sya ng tubig ni Lola.

Napatakip ako ng bibig ko, dahil sa kalagayan nya. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap sya. Napahagulgol si Hope at yumakap sya saakin ng mahigpit.

"Did your mom did this to you?"

Di sya sumagot but she nodded her head. I was even more depressed when I saw her legs full of wounds and bruises.

"Kate hindi ako pwede mag'stay sa bahay mo, kahit sa lugar na ito."

I couldn't say anything, and I held her in my arms. She's right, she's not safe in this place because her mom could find her. I need to protect her at hindi ako papayag na makalapit pa sa kanya si Mrs. Ramirez.

Nagpasalamat muna ako sa mag'asawa na nagpatuloy kay Hope bago kami tuluyang magpaalam at umalis.

"Love kakain muna tayo, mukang di ka pa kumakain."

"Kate, ayoko kumain sa labas baka may makakita saakin. Kilala si mommy sa lugar na ito."

"Okay Love. Hahanap na din ako ng lugar na pwede natin pag"tuluyan pero hindi dito sa Baguio."

Tumango sya bilang tugon. Habang nagdidrive ako hawak ko ang isang kamay nya. Gumaan na ang pakiramdam ko na nakita ko na ulit sya, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Kaya ngayon na kapiling ko na sya, hinding hindi ko hahayaan na magkalayo pa kami. No matter what the odds are among us, I'll never let her hand go.

Nakarating kami sa lugar ng Pangasinan. Pansamantala na nagcheck in muna kami dito sa isang hotel. Kahit papaano medyo malayo na din ito sa Baguio kaya medyo kampante na ako. Nag order na din ako nag food namin. At habang naghahantay ng food ay naligo muna si Hope.

One Night Commitment (GXG)Where stories live. Discover now