Chapter 15

3.8K 60 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari nung nakaraan. Time flies so fast at ngayon nandito na yung magiging designer ng wedding gown ko sa kasal namin ni Theo. Hindi makapaniwala sila Sevy, Keisha at Pearl na ikakasal na ako. Parang nung nakaraan lang daw ay single pa ako tapos heto ako ngayon ikakasal na. Masaya din sila dahil kaibigan ng mga asawa nila yung mapapangasawa ko.

Si Tita Taliah naman ay mas excited pa sa amin dahil nakapili na agad siya ng magiging reception ng kasal namin ni Theo. Gusto sana nila na maging Garden Wedding o Beach Wedding ang kasal namin pero pinilit ko silang gusto ko mag pakasal sa simbahan. Napa payag ko din naman sila at simula nung araw na sinagot ko si Theo ay naging busy na kami.

“Good Morning Mr MonteAlveroz and soon to be Mrs MonteAlveroz. I'm Dennise Marquez, the one who will design and create the gown of Ms Klea. What type of gown do you prefer Ms Klea?” tanong niya sa akin habang nag hihikab ako ngayon dito. Kakagising ko lang kase tapos bigla na akong hinigit ni Theo dahil nandito na yung magiging designer ng gown ko.

“Hmm. Ang gusto ko kase ay medyo pa balloon at Offshoulder yung sa may top. Yun lang naman ang demand ko, kayo na ang bahalang mag design nung iba.” aniya bago ako uminom ng kape habang si Theo naman ay nag titipa sa cellphone.

“Since this is the wedding of MonteAlveroz Heir, gagawin po namin ang lahat para mapaganda ang gown niyo. Sigurado akong kalat na sa balita ang tungkol sa engagement niyo.” aniya dahilan para mag taka ako. Wala pa naman kaming inilalabas sa media tungkol sa engagement namin ni Theo. I was about to say something nang unahan ako ni Theo.

“You're right about that Dennise.” he said while smirking bago niya binuksan ang Tv. Nabigla ako sa nakita kong balita ngayon.

“Good Morning mga ka chika. Narito ngayon si Marie Trillano para ibalita sa inyo ang latest chika for todays video. Nung isang araw lang ay nag post na ang nag iisang tagapagmana ng isa sa pinaka mayamang tao sa buong mundo na walang iba kung hindi ang MonteAlveroz Family. Ang tagapagmana ng kanilang pamilya na si Theorenz Damian MonteAlveroz ay nag post kahapon sa Twitter at Instagram ng isang litrato kung saan kamay iyon ng isang babae na may suot na engagement ring. Kasunod ng post niyang iyon ay ang litrato ng isang napaka gandang babae na nakangiti habang nakatingin ito sa singsing. Marami ang hindi makapaniwalang ikakasal na si Theo at marami din ang nag sasabing napaka swerte ni Ate Girl. Yan lang ang latest chika at abangan pa ang mga sumusunod mamaya. Ako si Marie Trillano, mag babalik mamaya.” saad nung reporter sa tv bago ipinakita yung stolen picture ko habang nakatingin sa ibinigay na singsing ni Theo sa akin. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Naipost na niya pala yun?

“Ang bilis naman Mr MonteAlveroz, nasa balita kaagad.” natatawang saad ni Dennise habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala.

“Siyempre naman. Bakit ko pa patatagalin ang tungkol sa engagement namin ni Klea kung seryoso naman talaga ako sa kaniya. Saka para malaman na din nila na pag mamayari ko na siya at wala nang pwedeng umagaw sa kaniya mula sa akin.” nakangising saad ni Theo bago niya ako hinalikan sa labi.

“So nakapag decide ka na ba ng style ng wedding gown mo Mahal?” tanong niya at tumango na kang ako bilang pag responde. Masyado akong nagulat kaya hindi agad ako makapag salita.

“About nga pala sa mga susuotin ng brides maid at maid of honor gusto ko na ikaw na din ang gumawa. Kaya mo bang tapusin ang lahat ng iyon bago mag July 15?” tanong ni Theo habang nakatingin siya kay Dennise.

“Kaya yan Mr MonteAlveroz.” aniya bago niya ipinakita yung dina-drawing niya kanina. I was stunned nang pag masdan ko yung gown na iginuhit niya. Ang ganda nito at katulad na katulad nung style na sinabi ko sa kaniya.

“That's beautiful. How much will it cost?” tanong ni Theo bago niya kinuha sa bag yung cheke.

“Sa gown po ni Ms Klea, aabutin ito ng 3.5 Million. Medyo magiging mahal ito dahil sa may top part nung dress niya ay mag lalagay kami ng diamonds. Yung sa mga bridesmaid at maid of honor naman ay depende kung ilang piraso yung gagawin ko.” aniya bago niya inabot yung contact number niya kay Theo.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now