Chapter 12

4.5K 81 3
                                    

Hindi ko mapigilang mapangiti habang kumakain ako ngayon. Sino ba naman hindi kikiligin, ako kase ang laman ng instagram account ni Theo. Halos lahat ng nandoon kong litrato ay puro stolen. This past few weeks, my life was amazing. Maayos kami palagi ni Theo at hindi nag aaway. Nakakatuwa dahil kada uuwi siya ng hapon galing sa trabaho ay para siyang bata na agad nanghihingi sa akin ng yakap at halik.

“Why are you smiling baby?” tanong niya habang naka upo ako sa may sofa ngayon. Agad siyang umupo sa may tabi ko at hinalikan niya ako sa labi.

“Nothing, I'm just happy na hindi na tayo masyadong nag aaway this past few weeks.” aniya ko bago ako tumingin sa kaniya.

“Really? Well hindi naman talaga tayo nag aaway. Natatakot ako baka makipag hiwalay ka nanaman sa akin.” saad ni Theo dahilan para matawa ako. Grabe naman yung hiwalay agad eh.

“Another thing baby, gusto ni Mom na pumunta tayo mamaya sa mansion nila. Aalis na kase si Mom next week papunta sa Singapore. Okay lang ba?” tanong niya at agad naman akong pumayag. Matagal na din since nung huli kong nakita at naka usap si Tita. Simula nung nag hiwalay kamini Theo noon ay hindi ko na sila nakaka usap ni Tito.

“That's great, tatapusin ko lang yung mga pinipirmahan ko pupunta na tayo doon.” saad niya bago niya ako muling hinalikan sa labi at nag tungo na siya sa may lamesa at nag simula nang gawin yung gawain niya.

Babalik na sana ako sa pag ce-cellphone nang biglang tumunog yung cellphone ko at nakita kong gusto makipag face time ni Kim. Agad ko naman ito sinagot at nakasimangot na muka niya ang bumungad sa akin.

“Oh beh anong nangyari sayo? Bakit parang bad mood ka ata ngayon?” natatawang tanong ko sa kaniya habang nag bubukas ako ng chitchirya.

“Klea naiinis na talaga ako dito sa kaibigan mo! Ang lakas ng tama! Pumunta ba naman dito sa bahay at nag pakilala bilang boyfriend ko. Ang isa pang nakaka inis ay tuwang tuwa si Mama at pinapasok pa sa kwarto ko. Heto ayaw na akong bitawan ngayon.” aniya ni Kim bago niya ipinakita sa akin si Kivan na nakayakap sa kaniya ngayon habang nakahiga sila sa kama.

“Hi Klea.” pag bati niya sa akin bago niya hinalikan ang braso ni Kim.

“Kanina ka pa halik ng halik Kivan! Tingnan mo, isang halik pa palalayasin kita dito ng may black eye sa mata.” pag babanta ni Kim kay Kivan kaya agad naman itong natahimik at yumakap na lang ulit kay Kim.

“Ang sweet niyo namang dalawa. Bagay talaga kayo.” pang aasar ko kay Kim habang pinipigilan ko ang sarili kong tumawa.

“True ka jan Klea. Kahit nga Nanay niya sabi bagay daw kami.” pag mamalaki ni Kivan dahilan para batukan siya ni Kim.

“Manahimik ka ngang lalaki ka! Hindi porket nakuha mo ang virginity ko boyfriend na kita!” inis na saad niya kay Kivan.

“Sus, baka mag selos ka kapag nalaman mong maraming babae ang nagkaka gusto sa akin.” aniya ni Kivan kay Kim. Nabigla ako ng pitikin siya ni Kim bago ito humarap sa akin.

“Sige na Klea, mag papahinga na ako at papalayasin ko na itong lalaking toh.” saad ni Kim dahilan para mapatingin sa kaniya si Kivan.

“Hindi mo ako pwedeng paalisin noh! Sabi ni Tita dito daw ako matutulog mamaya.” taas kilay na saad niya. Ang the next thing i knew is hinahabol na siya ni Kim habang pinapaalis at pin*tay ko na yung tawag. Nung sinabi kong bagay sila kanina, hindi ako nag sisinungaling. Saka mukang interesado naman talaga si Kivan sa kaniya. Kivan may look like a playboy, but he's not. He's a loyal and faithful guy.

“Theo, gusto ko nang magkaroon ng aso at pusa.” saad ko sa kaniya habang may ginagawa siya.

“Okay baby, dumaan tayo sa pet shop mamaya.” ani niya bago niya ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa cellphone ko at nag simula na ulit akong mag scroll sa Instagram.

Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]Where stories live. Discover now