15

11 2 3
                                    


Aviella Thena


Sobrang Excited ako ngayon dahil ngayon ang Gender Reveal ng Baby ko hihi.


Gusto ko ng baby Girl para aayusan ko sya palagi, si Jacob naman gusto Lalaki pero kahit anong gender daw basta healthy okay lang daw pero Gusto nya Lalaki hehe.


Nasa labas kami ng Bahay namin ni Jacob dahil dito lang sa may Garden gaganapin ang gender reveal kasi ayoko pumunta sa kung saan tapos malayo, nakapagod na kasi mag lakad kasi malaki na tummy ko.


Busy mag ayos si Jacob ng Decorations. tinutulungan rin sya ni Conrad, Arrow, Nevan, pati mga kuya ni Quin tumutulong, pati rin si kuya Caleb. Samantalang ako nandito naka presenteng naka-upo, sumisipsip ng juice, at pinapanood sila kung paano mag away dahil di sila nag kaka sundo sa pag aayos ng mga lobo.


Ang iingay pala ng mga lalaki at magugulo lalo na mga kuya ni Quin, ang sakit nila sa ulo away dito bangayan doon and everywhere!


Hindi pa ako nanganganak pero para akong nag babantay ng mga bata dahil ang Gugulo nila.


Dapat kukuha kami ng Mag dedesign ng Gender Reveal na ito pero sabi ni Ali sya na daw bahala sa mag aayos.


Syempre pumayag nalang ako kasi alam ko namamg hindi ako mananalo sa pinsan kong si Calista, lagi kayang tama yun.


Nagulat nalang ako kaninang umaga ng may nag dodoor bell, nag taka panga ako bakit sila nandito agad eh ang aga pa yun pala Inutusan daw sila ni Ali. Naka busangot pa nga si Kuya Caleb halatang napilitan hehe wala naman syang magagawa kapag si Ali nag uutos nakaka takot kaya yun kahit ako takot doon eh.


Hindi ako excited manganak dahil alam kong pag nanganak ako mapepektusan na ako ni Ali hehe dami ko kasing kabaliwang ginagawa sakanya tapos tawag ako ng tawag sakanya tuwing madaling araw tapos mag rereklamo ako sa sakit ng aking tyan. Madalas kasi sumisipa si baby eh, nahuhurt na ako.


Kay Jacob ko talaga madalas ginagawa ito pero naawa na ako sa Asawa ko kaya kay Ali nalang hehe.



Malaki Garden namin kaya kasya kaming lahat dito si Papa, Mama, Tita Sam, Asawa ni Tita Sam, si Ali, si Kuya Caleb, kaibigan ni Caleb, Si Quin, si Amie, si Aeris, si tita Celadine, si Conrad, kaibigan ni Conrad, at si ... Nakalimutan ko na hehe basta kasya kami dito!


Habang naka upo ako at sumisipsip ng Juice nang biglang nag ring cellphone ko kaya tinignan ko ito. si Ali pala tumatawag kaya sinagot ko ito.


"Hello Alii"


Agad akong napa busangot. [Kumikilos ba sila jan?] Bungad nito sakin mula sa kabilang linya. Tinutukoy nya yung mga nag aayos ng decorations.


"Yes madam, nag babangayan ngalang pero malapit na sila Matapos" sabi ko habang naka tingin kay Jacob na nag pupump ng lobo, kita biceps nya omg asawa ko yan!!


[ Papunta na kami jan]  sabi nito.


"Okay Lods, ingat mwah mwah" sabi ko


[Che, mwah mwah mo muka mo] sabi nito sabay patay ng tawag.


Wala manlang ka sweet sweet sa katawan itong si Ali dapat dito pinapakain ng maraming chocolate eh.


Wala kasing lovelife kaya bitter hmp. hehe pupunta pala si Xandria miss ko na yung Coloring Book na iyon. Doon na kasi sya naka tira sa Los Angeles. Napangasawa pa nga nya si Aidan eh, akalain nyo yon eh lagi ngang binabara ni Aidan si Xandria tapos ngayon kasal na at may Dalawang anak na pogi oh panis. Sa pag kaka alam ako 3 yrs old na panganay nila at 1 yrs old palang yung bunso. Astig.


Vigilante ShitWhere stories live. Discover now