Chapter XXXII

Magsimula sa umpisa
                                    

Tuloy lang ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko at siyempre kilala ko na kung sino iyon.

"Cielle!" Malakas na sigaw ni Che saakin. Teka parang nangyari na 'to?

"Ang ingay mo nanaman." Wika ko. Abot langit nanaman ang ngiti niya kumpara iyong mukha niya noong isang araw.

"Ofcourse! Mamimiss mo rin itong kaingayan ko, ano." Natatawang sabi niya.

Nang makalapit na siya ay nagsimula na kaming maglakad, pero tulad ng dati niyang ginagawa ay pinagsalikop niya ang braso namin. Para tuloy kaming mag-jowa.

Tahimik lang kami ng mga ilang minuto hanggang sa magsalita siya.

"Hay! Mamimiss ko 'tong ganito," Sabi niya sabay patong niya ng kanyang ulo sa aking balikat.

"Grabe sobra-sobra." Halata ang pagkalungkot sa boses niya.

Hindi ako umimik at hinayaan lang siyang magsalita. Mukhang alam ko na ata ito.

Alam kong si Jake ang unang lalaking naging nobyo niya at siya rin unang ang wawasak sa puso nito. Hay! Nakaka-stress talaga iyong mga ganyang bagay. Pero imposibleng iyon naman ang maging dahilan ng pagkakaganito niya?

"Cielle," Wika niya saka ako tinignan. Maluha-luha na siya.

Sabi na nga ba.

Tamango na lang ako saka nagsalita.

"Aalis ka?" Wika ko at iyon na nga pagkasabi ko noon ay tuluyan na niya akong niyakap at humagulgol.

"I'm sorry! S-Sorry talaga, Cielle." Panimula niya.

"Nakapag-desisyon na kasi sila Mama at Papa na ituloy ang pag-aaral ko sa ibang bansa.  S-Sorry talaga, Cielle. Sorry kung iiwan kita. Alam kong nag-promise ako lalo na kay Tito na hindi kita iiwan, pero heto iiwan naman pala kita. Sorry talaga, Cielle." Patuloy parin siya sa pag-iyak. Hinawakan ko naman ang balikat niya saka siya hinarap habang nakangiti.

"Okay lang yun. Naiintindihan kita. Kung anong desisyon ng mga magulang mo o kung ano rin ang desisyon mo, alam kong makakabuti sayo lahat ng mga iyon. Huwag mo akong alalahanin. Salamat sa lahat ng ginawa mo saamin. Kahit na masungit ako sayo, naging mabuti kang kaibigan, Cheyenne."

Hindi ko alam pero ngayon ko lang na-express ang lahat kay Che. Naiintindihan ko siya. Alam kong matagal niya na iyong pangarap.

Ngumiti siya at niyakap muli ako.

"Thank you rin, Cielle. Tandaan mo, ang pag-alis kong to ay panibagong buhay para saakin. Hinding hindi kita kakalimutan. Na-realize ko lang na oras na rin para i-pursue ko iyong pangarap ko at saka itong opportunity na ibinigay ng mga magulang ko saakin. Promise, pagbalik ko dadalhan ko kayo ng maraming pasalubong ni Tito tapos ipapasyal ko kayo. Yiee. Excited na ako kaagad."

Napayakap na rin ako sakanya. Buong buhay ko ay si Che lang ang naging tapat at mabuting kaibigan saakin. Kahit na naiirita ako noon sakanya ay pinatunayan niyang isa siyang kaibigan.

Matapos ang lahat ng drama ay kumalas na kami sa isa't isa.

"Huwag ka nang umiyak. Ang chaka mo na oh." Wika ko. Nag-pout naman siya at pinunasan ang mukha niya. Ginulo ko nalang ang buhok niya para asarin siya.

"Hallah naman Cielle oh. Magulo na tuloy." Saka niya inilayo ang sarili niya at inayos ang nagulong buhok.

"Woi! Siguraduhin mong mag-iingat ka roon. Tatanga-tanga ka pa naman. Sige ka mag-aalala sina Miria at si Glaire mo." Sabi ko at natawa nanaman siya.

"Siyempre naman, ano. I will. And oo nga pala. Alagaan mo si Bebe Glaire habang wala ako, huh? And don't forget, andyan ang messenger. Mag-video call or let's chat. Gumawa ka kaagad ng facebook account mo." Natatawa na lang ako dahil sa mga habilin niya. Baliw talaga 'to.

"Awwiee... mamimiss ko kayo nila Miria. Ano ba kasi iyan? Asan ba kasi iyong mga yun? Hindi tuloy ako nakapagpaalam sakanila." Pagmamaktol niya na parang bata. Oo nga. Sana man lang nagkita-kita kaming lahat.

Nagtawanan nalang kami. Kahit papaano ay bumalik na muli iyong masayahing Che na nakilala ko. Salita nanaman ng salita e.

Tinanong ko naman kung saang bansa sila pupunta ng pamilya niya.

"Sa Italy. Doon kasi iyong main company namin saka gusto ko rin ma-experience ang Europe. Hindi pa ako nakakapunta roon e." Tumango nalang ako. Kumusta naman kaya ako na wala pang napupuntahang bansa? Maski nga rito sa Pilipinas hanggang dito lang ako sa Metro Manila.

"Cielle, ito ang huwag na huwag mong kakalimutan, ah? Alagaan mo ang Tatay mo. Napakabait ni Tito at mamimiss ko talaga siya. Heto pa, tawagan mo ako kaagad kapag kayo na ni Glaire ko. Glaire and Cielle shipper ako kung hindi mo naitatanong. Kahit na masakit ay ipauubaya ko na lang siya sayo." Pagkasabi niya noon ay mabilis siyang tumakbo palayo. Nabigla ako sa huling sinabi niya. Baliw talaga itong babaeng 'to.

Tumakbo naman na siya palayo at muli itong lumingon saakin saka kumaway at nag-flying kiss pa ang loka!

"Ba-bye, Cielle. I love you!" Sigaw niya. Sobrang lawak ng ngiti niya. Hindi ko rin naiwasang iwagayway ang kamay ko sakanya.

"Labyu too! Ingat ka!" Nasabi ko sakanya at natawa ako lalo nang natuwa siya sa sinabi ko. Matapos noon ay tuluyan na siyang tumalikod at naglakad papalayo.

Kahit ganyan siya ay hindi ko akalaing mamimiss ko parin siya ng sobra.

Noong mga bata pa kami unang beses ko siyang makilala ay 'di ko siya itinuring na kaibigan, pero parang tila ba'y nag-iba ang ihip ng hangin at dunating iyong araw na matuwa ako sakanya at tanggapin siya sa buhay ko.

Akala ko hindi niya ako iiwan. Akala ko hindi darating ang araw na iyon, pero mali ako. Nangyari rin pala.

Ang laki ng mga nagawa ni Che saakin at pati kay Itay. Masasabi kong naging masaya ako dahil nagkaroon ng tulad niyang maingay sa buhay ko.

Tumingin muli ako sa direksyong tinahak niya kanina at nakitang wala na ito. Ang bilis niya ah. Naisip ko palang na hindi ko na muli siya makikitang naglalakad doon ay ang bigat-bigat na sa pakiramdam. Wala na ring maghahatid at manlilibre saakin paminsan-minsan. Hay...

Bigla ko namang naisip iyong dalawa.

Hoy, Miria at Glaire! Nasaan na ba kayo? Huwag niyong sabihing nag-decide na kayong magtanan na dalawa dahil may secret affair pala kayo?

Natawa na lang ako sa naisip dahil ni hindi nga magkakilala iyong dalawa.

Sana nandito kayo ngayon.

"Hoy, Cielle! Tulala ka na ata riyan. Maya ka na mag-drama. Umuwi ka na nga." Nabigla ako nang marinig ulit ang boses ni Che mula sa malayo. Bakit siya bumalik?

Napangiti nalang ako at napapailing na tumakbo na lang papunta sakanya para kurutin ang pisngi niya.

Naisip kong makipag-bonding na lang sakanya kahit sa huling pagkakataon.

Hindi ko talaga maisip na aalis siya.

Siguro hindi ko na maiintindihan pa ang mararamdaman ko kung may isa pang aalis sa buhay ko.

Wala lang. Ganoon pala talaga kapag may umaalis. Mabigat sa puso...

To be continued...

Edited: 06-06-2019

Heiress(Part One:COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon