•Chapter 32: Comatose:

Start from the beginning
                                    

"Ako na" sabi niya at kinukuha ang susi sa akin.

"Ako na" pagmamatigas ko.

"Ako naaa, mahal ko pa buhay ko pls pls" sabi ni Jess kaya naman natawa sila.

"Hayaan mo na si Sky" sabi ni Z kaya naman nilingon siya ni Jess.

"Okay fine." She said and sighed in defeat.

"Kapag tayo naaksidenteng lahat, dapat comatose rin tayo tapos tabi tabi tayo" sabi ni Jess kaya nakatanggap ito ng batok kay Z.

"Sira ulo!" Sabi ni Viya kaya nagtawanan kami.

"Bakit ba? Lapitin pa naman ng Car accident silang dalawa" sabi ni Jess kaya pinanliitan ko ito ng mata.

"Hehe, labyu insan, sakay kana oh" sabi niya at binuksan ang pintuan ng driver seat.

"Haha" sabi ko at sumakay na sa loob.

Sinarado niya ang pinto habang nakangiti sa akin.

"Mukha kang unggoy. Paano kaya kita naging pinsan?" Sabi ko at hinatak nang malakas ang pinto at sinarado.

"Hoy, dahan-dahanin mo naman!" Malakas na sabi ni Jess nang makapasok ito sa loob.

"Huwag. Bagsak mo lang" sabi ni Viya.

"True" dagdag naman ni Van.

"Lagyan mo ng gasgas" sabi ni Z.

Tinignan ko ito, nginitian at tinaasan ng kilay.

"Peyk prends!" Sabi nito at natahimik na lang kaya tumawa sila.

Nagseatbelt na ako at inistart ko na ang kotse ko at pinaandar ko na. Nakitang kong nakapikit si Jess na akala mo nag da-dasal para sa buhay niya.

"Para kang tanga" sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa salamin.

"Mahal ko lang buhay ko." sabi niya.

"Hindi ka na mahal ng buhay mo." sabi ko.

Rinig ko ang pagpipigil nila ng pagtawa habang nakatingin sa bintana or sa kisame ng kotse na ito. Akala mo mga naghahanap ng butiki eh.

"Ah ginaganiyan niyo na ako?" tanong nito at humarap sa kanila.

"Hahaha ginanon, deserve" sabi ko habang nakatingin sa daan.

"Kanina ka pa ha." sabi ni Jess at hinampas ako kaya naman na preno ko bigla ang sasakyan.

"Jessica! Hindi dahil kay Sky kaya tayo ma-a-aksidente, dahil sa iyo talaga" sabi ni Z kaya naman natawa ako.

"Ayan kase" sabi ko na lang at pinaandar ulit ang kotse.

Nagtawanan sila at kita ko sa mukha ni Jess ang inis pero hindi ito gano'n ka seryoso. Para itong trip na inis lang na sumasabay sa trip ng lahat.

Nakarating kami sa supermarket at pinark ko ang kotse. Nakita kong naka-hinga ng maluwag si Jess nang i-i-stop ko ang kotse kaya natawa ako ng mahina.

"Tara na para makabili na rin tayo ng food mamaya" sabi ko at bumaba na sa kotse.

Isang push cart lang ang kinuha namin para isang bitbitan na lang. Si Van ang nagbit bit dahil nag-pa-panggap pa rin na naiinis si Jess para malambing ni Z.

Halata naman na kinikilig siya sa panunuyo ni Z sa kaniya. Nakikita kong namumula ito at pinipigilan ang pag-ngiti.

Landi talaga. Para paraan.

Us, This TimeWhere stories live. Discover now