Simula

18 0 0
                                    

The birds are harmoniously hamming as I watch the clear blue sky. Habang ang mga puno naman ay sumasabay sa saliw ng hanging amihan na humahaplos sa makukulay na bulaklak ng hardin.
Isang sinyales na magiging maganda ang panahon sa araw na ito.

"Mag madali kayo!" rinig kong sigaw ng mga tao sa loob ng palasyo.

Kahapon palang ay abala na ang lahat para sa gaganaping kaarawan ng nakatatanda kong kapatid. All the housemaids and butlers are crazily freaking out dahil ilang oras nalang ay magsisimula na ang pagdiriwang nang ika-labing walong kaarawan ni Ate Monic.

Unti-unti ko na nga na naririnig ang pagdating ng mga karwahe sa tanggapan. Many of the royals are sure to be attending to see the next heir to the throne. Ang ganitong uri ng monarkiya ay tradisyon na noon pa man. Kung saan ang lahat ng mga dugong bughaw, kabilang na ang mga kilala sa larangan ng negosyo at mamamayan ng isang bansa ang makita at makilatis ang kakayanan ng tagapagmana.

But then, instead of worrying I'm quite sure everyone will be charmed, not only by Ate Monic's beauty but also by her skill and intelligence...

"Nasa posisyon na sa hilaga ang hanay ni Lord Von Christ, Ganun din si Lord Gaudin sa timog at ang hanay ko naman sa kanluran..."

Mabilis na napukaw ang atensyon ko sa dalawang matipunong Ginoo na nakatayo sa pasilyo ng palasyo. Duon ay mahusay silang nag-uusap tungkol sa siguridad ng buong pagdiriwang.

"Great, thanks for the info Dino. Kung ganun hahayo na rin ako sa nakatalagang posisyon ng hanay ko..." wika ni Lord Eryx.

Tumango naman ang kausap bilang tugon, pagkatapos ay hindi na rin nagtagal pa. Umalis ito patungo sa kanlurang bahagi ng palasyo kung saan sila magbabantay. Meanwhile Lord Eryx made his way to the Cellar, isang lugar sa palasyo kung saan karaniwang nagtitipon ang mga royal guards na tulad niya.

"Ang kisig talaga ni Lord Eryx hindi ba?"

"Oo pati rin si Lord Dino..."

Humahangang papuri ng mga kasambahay sa papalayong mga Ginoo. Naririto sila upang tumulong sa pamimitas ng mga bulaklak na gagamitin bilang karagdagang dekorasyon sa kaarawan ni Ate Monic. Sa akin kasi iniatas ni Ina ang pagpili at pagkuha dala na rin sa espesyalidad at pagkahilig ko dito.

Sinulyapan ko ang mga kasambahay na nakahabol tingin pa rin sa dalawang Ginoo. Abot langit ang kanilang mga ngiti. Wari bang labis-labis ang pagsinta para sa mga ito.

Kung sabagay, talaga naman kahanga-hanga ang magkapatid ni Lord Eryx at Lord Dino. Hindi lang sila matipuno at magagandang lalaki. Napakahusay din nang dalawa pagdating sa pakikidigma, sa pamamalakad bilang Imperial Guards at paghawak ng espeda. Perhaps they inherited it from their grandfather General Hugo or Lord Hugo Von Bendrush. Ang kanang kamay militar ng Solfherie.

Their family are generational loyalist servant of the kingdom and of our family ever since. Malaki ang utang na loob at respeto ng pamilya nila sa amin kaya ganito na lamang ang kanilang ibinibigay na suporta.

"Lady Mariana, nakita niyo na po ba ang hinahanap niyong bulaklak?" tanong ni Mener sa tabi ko.

Mener was one of the Royal's usherettes and also my personal maid. Anak siya ni Ginang Guada na mayordoma sa palasyo at Manong Cerso na pastol naman sa rancho. She's nine years older than me. Malapit sa edad ni Ate Monic.

"Oo." tipid kong sagot sabay pakita sa kaniya ng dala kong basket.

Laman nito ang mga bulaklak na katatapos ko lang pitasin. Isang uri ng bulaklak na kilala sa tawag na Violetta. It symbolizes the faithfulness of love. That is why it's very popular to every man in town aside from the roses. Nabasa ko iyon sa isa sa mga libro sa Royal Archives.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Royal Prince of Pristein #1Where stories live. Discover now