AH! nakalimutan ko yung phone ko! baka nagtetext oh tumatawag na si Jed! Hala!. After ng last sandwich, tumakbo ako papunta sa kwarto para kunin ang phone ko, pero bago pa ko makaakyat ng hagdan, nakita ko si Jed na papasok na ng pinto.

"J-Jed. nandito ka na pala" dahan dahan akong lumapit sa kanya, nako. nakakahiya naman, siguro nagtext at tumawag na sya kanina pero hindi ko nasasagot.

O__O

shit?

nagstiff ang buong katawan ko sa ginawa nya, he gave me a peck . O__O sa harap nilang lahat????????

sa pisngi lang naman, pero....... WAAHHHH!!!!! 

"good morning. Kadadating ko lang, hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko. Buti nakita ako ni tito sa labas ng bahay nyo, kaya pinapasok na nya ko" 

"h-ha? a-ahh g-ganon ba?" tumingin ako sa reaction ni daddy na nasa likod ni Jed, ni Kuya na kagiging lang, pati ni mommy. >___<  blanko lang ang muka nila. 

"hmm. yeah. ok ka lang ba jessy?" 

oh my gahd!!! bakit ba kasi ginawa ni Jed yon????? Hindi nya ba alam na nasa harap kami ng buong pamilya ko???????????? WAAAAAAAAAAAH!! LORD!!!! 

I just nod. Alam ko kasi na mauutal lang ulit ako. Shemay!! >_< bakit ganito, kinakabahan ako. 

"Kumain ka na ba daniel?" tanong ni Mommy. Nasa may pinto pa din kami. Si Dad naman pumasok na at umakyat . 

"Opo tita, light breakfast po" 

"Jessica, bakit hindi kayo maupo ni Daniel?" sabi ni mommy, i awkwardly smile at her and him.. Tapos ayon, naupo kami. Si ako mapakali, kinakausap nya ko, sila Dianne, Andy pati si Kuya. Bakit parang wala lang sa kanya yung ginawa nya. >__< pero ano nga bang mali sa ginawa nya? wahh. nakakabaliw. Maya-maya pa, nilagay na namin ang gamit sa van, tapos nag pray muna bago umalis. Katabi ko si Jed, si Dianne tapos si Andy. Si Dad nasa unahan, si mommy katabi si Kuya. Nung una, kami nila dianne ang naguusap, minsan nagsasalita din si Jed, kinakausap kasi sya ni mommy, nagtatanong ng mga bagay bagay about sa family nya. Pati si dad kinakausap si Jed, basta halos sila ang magkausap. Midway ng byahe mga tulog sila. Ako nakapikit lang, si Jed ewan ko kung tulog sya. Pero bigla kong naramdaman na hinawakan nya ang kamay ko.. I can't help it, kaya dumilat ako at tumingin sa kanya.

"sorry, nagising ba kita?" tanong nya, mahina lang ang boses nya kasi nga tulog yung iba.

"No, gising talaga ko"

"hindi ka ba inaantok?"

"hindi naman, ikaw? hindi ka ba matutulog?"

"baka hindi na"  hawak pa rin nya ang kamay ko. nakatingin sya sakin, nakasmile, yung normal na jed sa tuwing magkasama kami..

"nagugutom ka ba? may sandwich kaming ginawa ni mommy, gusto mo ba?"

"okay lang, mamaya na siguro. Ikaw, kumain ka na?"

nagbubulungan lang kami dito, ayoko rin kasing magising sila.

"mamaya na din, hindi pa naman ako gutom" 

I Got Caught [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon